“Sino ka ba talaga?”
Mabilis na ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nanatiling diretso at seryoso ang tingin nito sa akin at ayokong iwasan iyon dahil makakadagdag lang ‘yon sa suspetsya niya. Matalim ang tingin namin sa isa’t isa na halos hindi na rin kami kumukurap.
Maya-maya ay ngumisi ako sa kaniya. Bigla siyang nagtaka dahil sa ekspresyon ko.
“Akala ko ba mag-la-law ka?” sakastikong tanong ko rito na dahilan ng pagsalubong ng kilay niya. Pero sa totoo lang ay abot langit na ang kaba ko ngayon. “Why don’t you find it yourself, then?”
Mas lalong naging matalim ang tingin niya sa akin pero tinatapatan ko rin ‘yon. Nanatili kami sa gano’ng posisyon ng mga ilang segundo.
“Jiro.”
Sabay kaming napatingin sa kinaroroonan ng boses ng sumigaw na ‘yon. Nang makita naming si Ryven ‘yon ay pareho kaming napaayos ng tayo. Nakahinga na rin ako nang maluwag dahil sa wakas ay nawala na rin ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Umiwas lang ako ng tingin nang makita ang pagtataka sa hitsura ni Ryven.
“What are you doing here?” tanong niya.
Tumikhim muna si Jiro bago sumagot. “May pinag-usapan lang kami.”
Hindi nakatakas sa akin ang makahulugang tingin ni Ryven. “Too close,” saad nito na pinagtakhan ko.
“Huh?” Pati si Jiro ay hindi rin nakuha ang ibig niyang sabihin.
“Nothing. I’ll go ahead,” paalam niya na pinagtakhan namin.
“Is there any problem, Ry?” tanong ni Jiro nang tumalikod ito. Napahinto siya na parang may naalala saka muling humarap sa amin.
“Ah yeah, I remember I have something to tell you, dude. Pero naistorbo ko yata kayo. I’ll just tell it later,” sagot niya.
“We’re finished. You can talk with him now, I’ll go ahead,” saad ko saka nag-umpisa nang maglakad paalis. Naramdaman ko pa ang pagsunod nila ng tingin sa akin habang naglalakad ako kaya naman mas binibilisan ko ang paglayo doon.
I challenged Jiro. At alam kong hindi niya palalagpasin ‘yon. Mas lalo lang nitong babantayan ang bawat galaw ko.
Nang makauwi ako sa mansyon ay pabagsak akong humiga sa kama. Ang daming nangyari ngayong araw. Unang pasok ko pa lang pero grabeng kaba na ang dinulot ni Jiro, para akong aatakihin sa puso dahil sa pangongompronta niya.
Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya pero may kakaiba sa mga mata nito. Parang may alam siya tungkol kay Ryven at sa amin pero nag-iingat ito sa binibitawan niyang salita.
Ito ang isa sa mga risks na kahaharapin ko oras na pumasok ako sa university. Isang malaking pasanin talaga ang misyon na binigay sa akin ni Fellin. Bwesit!
Nagising ako nang maaga kinabukasan. Hindi naging maayos ang tulog ko dahil paputol-putol ito. Nagdesisyon na lang akong bumangon nang makaramdam ng gutom. Nakalimutan ko nang kumain kagabi dahil sa kaiisip kaya ayan, parang may hangin sa tiyan ko.
Nang matapos kumain at magbihis ay ako na mismo ang nagtawag kay Gin para ihatid ako. Nagtaka pa ito dahil ang aga ko raw ngayon. Well, ayoko nang ma-late pa dahil hindi ko alam kung anong klaseng consequence ang kahaharapin ko.
Na-realized ko rin na masaya nga ang mag-aral sa isang school mismo. May ilang mga estudyante ang nakikipag-usap sa akin at gustong makipagkaibigan. Natutuwa ako at natututong makipag-socialize nang maalala ang misyon ko rito. Mapait akong napangiti dahil hindi nga pala ako pwedeng mapalapit kahit na kanino dahil ang ipinunta ko rito ay misyon at hindi saya.
BINABASA MO ANG
Awakening Her Bloodlust (Sample)
ActionA family of assassin who does killing, the merciless people who do not spare a single life of their target. This is where Fevianna Lauriel was born. She only wants one thing; to be acknowledged by her Father. But how would she achieve that if she ha...