“Wooh! What a life!” sigaw ni Jasper nang makarating kami sa isla. Nakakamangha ang lugar, tahimik at payapa.
“Sigaw pa, Jasper, nang ma-engkanto ka,” bara sa kaniya ni Emma. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jai. Narito pala siya sa likod ko.
Naglakad ako palapit sa kubo at pinagmasdan ang paligid. Napaka-peaceful.
“Ang ingay mo!” rinig ko ang sigaw ni Emma.
“Wow, mas malakas pa nga ‘yang boses mo!” sagot din sa kaniya ni Jasper. At nagbangayan na naman silang dalawa.
Sumunod si Jai sa direksyon ko at ngumiti siya nang makalapit. Tumango lang ako dahil naiilang pa ako sa kaniya. Sina Ryven at Jiro naman ay magkasama na ngayon habang seryosong nag-uusap.
“Oh, Vanna. Why don’t you join them?” tanong sa akin ni Jai at tiningnan ang direksyon nina Emma at Jasper na nagsasabuyan na ngayon ng tubig. Pilit lang akong ngumiti at umiling.
Umupo lang ako sa loob at pinanood ang ginagawa ni Jai. Naglagay siya ng sunblock at ngayon ay litaw na ang itim nitong swimsuit. Maganda ang kurba ng katawan nito. Halatang alagang-alaga. Matangkad din siya na halos kapantay ko lang at hula ko ay nagmo-modeling ito. Maya-maya ay lumapit si Ryven sa direksyon namin. Hindi ko nagustuhan ang tensyon doon dahil pareho na sila ngayong nakatingin sa isa’t isa. Sa irita ko ay umalis ako doon nang walang paalam.
Ewan ko ba, bigla akong nainis. Umupo na lang ako sa malaking bato malapit sa kinaroroonan nina Jasper. Ilang minuto pa akong nakatingin doon nang may maramdaman akong tumabi sa akin.
“Salubong na naman ‘yang kilay mo.” Narinig ko ang boses ni Ryven. Tumikhim ako at umayos ng upo. Maya-maya ay may naamoy akong pagkain. Napalunok ako nang makita ang hawak niyang barbeque. Anong oras na ba? Hindi kasi ako nakakain sa bahay kanina.
Pinanood ko na lang sina Jasper at Emma na halos magrambulan na sa dagat. Ewan ko ba sa dalawang ‘to. Mga aso’t pusa. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ryven. Taka akong napatingin sa kaniya.
“Bagay sila,” natatawang sabi niya habang kumakain.
“Hmm. Patayan muna bago mahalan,” tumatangong saad ko. Halos hindi na maidilat ni Emma ang mga mata dahil sa talsik ng mga tubig na gawa ni Jasper. Bente-tres anyos ba talaga ‘to? Bakit parang mas isip bata pa siya kaysa kay Emma?
“By the way, about earlier—” napatigil siya dahil sa biglang pagtunog ng tiyan ko.
Na-estatwa ako at halos hindi siya malingon. What the f*ck! Sa harap pa talaga ni Ryven! Traydor na tiyan ‘to. Narinig ko siyang mahinang napatawa kaya naman sinamaan ko ito ng tingin.
“Oh, easy. You can have this.” Iniabot niya sa akin ang kinakain niyang barbeque meat. Tiningnan ko lang iyon pero hindi ko kinuha. “Ayaw mo? Okay, then.” Kakainin niya na sana iyon nang bigla ko itong agawin.
“Wala akong sinabi,” sagot ko. Mahina itong napatawa nang kainin ko ‘yon. Bakit ba kasi nakalimutan ko pang kumain? Para tuloy akong may sama ng loob sa karne sa bawat pagkagat ko rito.
“Ry, Vanna, join us!” sigaw sa amin ni Jasper. Ngumunguya pa ako nang bigla akong hilahin ni Ryven palapit doon. Seriously? Kumakain pa ako, baka magka-appendicitis pa ako nito!
“Where’s Jiro?” tanong nito nang makalapit.
“Ewan ko ba do’n. Nagsosolo,” sagot ni Jasper habang nakatingin sa isang direksyon, “nasobrahan sa sipag.” Nang sundan ko ang tingin niya ay nakita ko si Jiro na may hawak nang libro at nagbabasa. Hanggang dito ba naman?
“Yeah right,” saad naman ni Emma.
Nakatingin lang ako doon nang maramdaman kong may tumalsik na tubig sa akin. What the hell!
“Come on! Ikaw na lang ang hindi pa nababasa,” natatawang saad ni Jasper nang basain ako.
Napansin kong nasa tubig na rin si Ryven at ngayon ay kausap na si Emma. Umirap lang ako kay Jasper at naglakad papunta sa tubig.
“Hep hep!” pigil nito sa akin, “maliligo ka nang ganiyan ang suot?” tanong niya habang tinitingnan ang suot ko. Great. Naka-dress pa nga pala ako.
Umirap ako kay Jasper saka siya iniwan doon. Pumunta ako sa kubo kung saan nakalagay ang mga gamit at naglagay ng sunblock saka tinanggal ang dress. Ngayon ay nakalitaw na rin ang pulang pula kong swim suit. Nagdalawang isip pa ako kung tutuloy pa ba ako doon dahil bigla akong nailang.
“Hey, tara sabay na tayo,” pag-aya sa akin ni Jai. Nakahanda na rin ito at hinihintay na lang ako. Lumabas na rin ako ng kubo at pinasadahan niya ako ng tingin habang namamangha. “OMG! Ang sexy mo!” komento nito pero pilit lang akong ngumiti.
“T-thanks,” naiilang kong saad.
Nang makalapit kami ay manghang nakatingin sa akin si Jasper.
“Hi, sexy ladies!” sigaw nito kaya naman napatingin sa direksyon namin si Emma. Pati si Ryven na kaaahon lang sa dagat ay napatingin na rin. Narinig ko pa ang pito ni Jasper kaya naman mas lalo akong nailang. Naunang maglakad si Jai papalapit at nakipag-asaran din kay Jasper. Maya-maya lang ay binato siya ng buhangin ni Emma. Natawa ako dahil saktong sa mukha nito tumama ‘yon at pati mata niya ay nadamay kaya naman lumubog ito sa dagat. Nice! Serves you right, pervert.
“Ikaw, Emma, namumuro ka na talaga!” inis nang sigaw ni Jasper dito. Mahina akong napatawa dahil mukhang magbabangayan na naman silang dalawa.
“You have a nice body.” Bigla akong napasinghap at awtomatikong napaabante nang maramdaman ang hininga ni Ryven sa likod ng tainga ko.
“Ano ba, b-bigla-bigla ka na lang sumusulpot!” bulyaw ko sa kaniya pero ngumisi lang ito.
“You’re welcome,” sagot lang nito saka naglakad papuntang kubo. Sandali ko lang siyang sinundan ng tingin dahil naramdaman ko na naman ang mapagmatyag na titig ni Jiro. Ano bang problema nito?
Hindi ko na siya tiningnan pa at agad nang naglakad palapit sa kinaroroonan nila Jasper.
“You have a nice body, Vanna. Bakit hindi ka magmodel?” tanong sa akin ni Jai nang makalapit ako.
“Oo nga, siguradong pagkakaguluhan ka roon,” singit ni Jasper.
“Not interested,” tipid na sagot ko.
Nagbabad lang kami doon hanggang sa makaramdam ng gutom at kumain. Pagkatapos ay balik ulit sa dagat at nagbabad ng mga ilang oras. Saka lang namin napagdesisyunang umuwi nang palubog na ang araw.
Pag-uwi ko ng mansyon ay taka akong napatingin dahil may bisitang naka-upo sa sala. Kaharap nito si Dad na may hawak na papeles. Pinasadahan ko ng tingin ang bisitang ‘yon. Ngayon ko lang nakita ang mukha nito. Nang mapansin niya ako ay agad itong napatayo at uutal-utal na bumati sa akin.
“G-good evening, L-lady Fevianna,” bati nito at marahang yumuko. Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko kilala ang lalaking ito.
“You don’t have to do that, Mr. Winston,” saad ni Dad at pina-upo ang tinawag nitong Mr. Winston. Hindi na lang ako sumagot at nagdire-diretso sa paglalakad nang bigla akong tawagin ni Dad.
“Fevianna, stay here,” utos nito sa akin. Napahinto ako sa paglalakad at taka siyang tiningnan.
“For what?” I asked.
“I’d like you to meet Mr. Winston,” saad nito. Tipid akong ngumiti sa lalaking pinakilala niya na ang hula kong edad ay nasa 60 pataas. “Give some respect, he’s the dean of Southville International University,” ma-otoridad na saad niya na nagpalaki ng mata ko. Dean?! Dean ng University na pinapasukan nina Ryven?!
“W-what?!” ‘yon agad ang naging reaksyon ko. Hindi ko inaasahang pupunta rito ang dean ng University. Pero para saan? Bakit alam nito ang pagkakakilanlan namin?
May iniabot si Dad na isang envelope. Kinuha ko ‘yon pero hindi ko muna binuksan.
“Your sister asked my permission for this and Mr. Winston approved your admission,” saad niya na mas lalong nagpagulo sa utak ko. Ano bang ibig niyang sabihin? Nagtataka man ay binuksan ko ang envelope at mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makitang nandoon ang documents ko na required para mag-enroll.
“A-admission? Y-you mean, papasok ako dito sa University?!”
BINABASA MO ANG
Awakening Her Bloodlust (Sample)
ActionA family of assassin who does killing, the merciless people who do not spare a single life of their target. This is where Fevianna Lauriel was born. She only wants one thing; to be acknowledged by her Father. But how would she achieve that if she ha...