Dalawang linggo matapos ang insidente sa hideout kung saan bigla na lang lumitaw si Matthew ay palaisipan pa rin para sa amin ang sinabi niya. Anong kailangan niya sa akin? Bakit niya ako gustong kunin?
Nakahiga ako ngayon sa kwarto habang nag-iisip nang may maalala ako. Bumangon ako at kinuha sa drawer ang litrato ng magpapamilya kasama ng pendant. Habang tinititigan ang lalaki ay nanlaki ang mga mata ko. I knew it! Kaya familiar ang batang lalaki rito ay dahil siya si Matthew! Hindi nalalayo ang hitsura ng batang ‘yon sa hitsura ngayon ni Matthew kaya nakilala ko agad ito. So Verlian nga ang mga ito, sino naman ang batang babaeng katabi niya? Halatang close sila roon.
Itinago ko ang litrato at nagdesisyong lumabas. Nagbihis muna ako ng pang-alis bago walang paalam na umalis sa mansyon. Wala si Gin ngayon dahil may ibang inutos sa kaniya si Dad. Si Fellin at Fion naman ay nasa hideout. Wala rin naman akong gagawin sa mansyon kaya nagdesisyon akong puntahan ang University na pinapasukan ni Ryven.
Alas-singko na ng hapon nang makarating ako roon. Nagsisilabasan na rin ang mga estudyante at hindi ko alam kung narito pa rin ba si Ryven. Maya-maya lang ay namataan ko si Jiro na may hawak na libro. Nasa loob ako ng sasakyan kaya hindi niya ako makikita liban na lang kung maramdaman niya ang masamang titig ko. Nang i-check kasi namin ang background nito ay nalaman naming galing siya sa pamilya ng mga lawyer at nag-aaral din siya ng law. Kinakailangan naming mag-ingat sa kaniya.
Tila naramdaman niya ang titig ko kaya bigla siyang napalinga-linga pero mabilis ko agad pinaandar ang sasakyan at umalis doon. Dumiretso muna ako sa mini mart malapit sa University para bumili ng makakain.
“I still can’t believe it. They’ve been together for 2 years tapos bigla na lang maghihiwalay. Kinikilig pa naman ako sa love story nila,” rinig kong saad ng babaeng nakasuot ng school uniform habang nakapila sa cashier.
“Ay oo be. Tapos nakita mo ba ‘yong nangyari kanina? I don’t like what the guy did,” sagot naman ng isang kasama niya. Ano ba naman ‘to, kung saan-saan lumalaganap ang chismis.
“Yeah, naawa nga ako kay Ryven e,” sagot ng isang babae. Biglang nanlaki ang tainga ko nang marinig ‘yon.
Ryven’s quite famous, huh? Bigla akong na-curious sa pinag-uusapan nila pero ako na pala ang sunod sa pila kaya na-distract ako at hindi na napakinggan pa ang sumunod na sinabi nila. Tsk.
Umupo ako sa pang-isahang table malapit sa glass wall habang kumakain ng yogurt nang bigla kong mamataan si Ryven na naglalakad papunta sa direksyon ko. Agad akong tumayo para magtago sa likod at naiwan sa table ang kinakain kong yogurt. Nakakakaba namang sundan ang lalaking ‘to, bigla-bigla na lang sumusulpot.
At tingnan mo nga naman oh, doon pa siya umupo sa inuupuan ko kanina. Nagtaka siya nang makita ang yogurt na nandoon. Kinuha niya ‘yon at tinapon sa…. Basurahan?! Tang*na! Hindi ko pa nakakalahati ‘yon!
Inis akong naglakad papunta sa pinto. Mabuti naman at hindi niya na rin ako napansin kaya dumiretso agad ako sa sasakyan. Padilim na nang mamataan ko ang sasakyan ni Ryven. Sinundan ko agad iyon at habang nasa ruta ay nagtaka ako dahil hindi sa condo ang punta niya. Sa ilang linggo ko na kasing pagsunod-sunod sa kaniya ay kabisado ko na ang daan papunta sa condo nito kaya ngayon ay nagtaka ako nang hindi roon ang punta niya.
Pero mas nagtaka ako dahil ang ruta na ‘yon ay papunta sa hospital. Patuloy ko lang siyang sinundan hanggang sa tama nga ako. Nakarating kami sa isang private hospital. Nang makababa siya ay pasimple ko siyang sinundan. Sinong bibisitahin niya rito? Si Matthew? Hindi. Dalawang linggo na ang nakararaan kaya imposibleng narito pa siya dahil galos lang naman ‘yon.
Wait… Hindi kaya dahil sa sakit niya? Pero bakit may dala siyang bulaklak? O baka naman may nililigawan siyang doctor? What the heck! Sa hospital pa talaga?! Patuloy ko lang siyang sinundan hanggang sa makapasok ito sa isang kwarto. Umiling-iling ako. Pasyente ang binisita niya at hindi doctor. Pero sino ‘yon? May nangyari ba kay Matthew?
BINABASA MO ANG
Awakening Her Bloodlust (Sample)
AzioneA family of assassin who does killing, the merciless people who do not spare a single life of their target. This is where Fevianna Lauriel was born. She only wants one thing; to be acknowledged by her Father. But how would she achieve that if she ha...