Chapter 9

1 0 0
                                    

Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang masaksihan kong umiyak si Fion pero hanggang ngayon ay palaisipan pa rin para sa akin kung bakit siya umiyak no’ng araw na ‘yon. Ilang beses ko pa siyang tinanong pero ayaw niya talagang sabihin sa akin ang dahilan. Sumpa ba ‘to? No’ng kami ni gran ang pumunta sa mall, umiyak siya at nag-ayang umuwi agad, tapos sumunod si Fion? Ano ba talagang nangyayari sa pamilyang ‘to? Bakit bigla na lang silang nagiging iyakin? Tsk.

Ngayon ay tuloy ang trabaho namin ni Fion. Pero hindi tulad no’ng una, wala na siyang gana ngayon. Gusto ko siyang kausapin pero lagi niya akong sinusungitan kapag kinakausap ko siya. Well, hindi na bago pero iba kasi ngayon, seryoso talaga siya at kapag inaasar ko naman ay tumatahimik lang siya which is hindi niya gawain. Competitive ‘yan eh. Bahala nga siya diyan! Hindi lang siya ang may problema, bakit pa nga ba ako nag-aalala? Bumuntong hininga ako habang nasa loob ng sasakyan.

“Pang-ilan mo na ‘yan?” nabalik ako sa reyalidad nang biglang magtanong si Fion.

“Huh?”

“Tsk,” sagot lang nito saka binalik ulit ang tingin sa bintana ng sasakyan. See?

Hindi pa rin namin kasama sina Fellin at Gin dahil patuloy pa rin nilang hinahanap ang location ni Matthew. Gano’n ba talaga siya kahirap hanapin? Kahit pangatlong araw na naming pinagmamatyagan si Ryven ay wala kaming mahanap na lead papunta kay Matthew Verlian, may sarili siyang condo at doon lagi namamalagi. At kahit ilang araw na rin namin siyang sinusundan ay wala rin kaming makitang mali sa mga kilos niya, maliban na lang sa pagpunta ng bar gabi-gabi at uuwi nang may kasamang babae. One girl every night, walang mintis. Napailing na lang ako sa sariling isipin tungkol sa ginagawa. I also notice something from him, I don’t know kung may pinagdadaanan ba siya o ano, basta parang hindi siya masaya.

Birthday ni Jasper ngayon at tinawagan niya ako para imbitahin. Kahit na sa pangalawang araw na pag-spy ay ako lang ang tumuloy, madali kong naka-close si Jasper, approachable siya actually na may pagka-flirt. Sinama ko lang si Fion dahil trabaho namin ‘to, hindi pwedeng ako na lang palagi ang kikilos kahit pa may kung anong bumabagabag sa kaniya. Isantabi niya muna ang personal feelings niya. Halos ayaw pa ngang sumama pero blinackmail ko siya na sasabihin ko kay Fellin ang tungkol sa pag-iyak niya kung hindi siya sasama. Hindi alam ni Fellin ang nangyari noong araw na iyon at wala na siyang balak pang ipaalam ‘yon dahil panigurado ay malalaman agad nito ang dahilan. Well, kahit na gustong-gusto kong malaman, nanahimik na lang ako dahil ‘yon ang unang beses na nakiusap siya sa akin. 

Alas-nuwebe na ng gabi nang makarating kami sa resort. It’s a pool party but we didn’t plan on joining. Pumunta kami rito para sa trabaho, hindi para mag-enjoy.

Sa entrance pa lang ay tanaw ko na kaagad si Jasper na may kausap na bisita. Nang makita kami nito ay kumaway ito sa amin. Ngumiti lang ako at siniko si Fion. Mahahalata kasi rito na wala siyang gana. Umirap lang ito at nagpatuloy na sa paglalakad.

“Happy birthday,” nakangiting saad ko kay Jasper nang makalapit kami.

“Thanks. Oh, you-” hindi niya na naituloy ang sasabihin nang tingnan niya si Fion.

“Hm? May sasabihin ka?” tanong ko pero ngumiti lang siya nang alanganin at umiling.

Anong problema nun? Ipinakilala ko na lang si Fion.

“By the way, she’s my sister, Yvon,” pakilala ko. Of course fake name ang sinabi ko, hindi pwedeng may makakilala sa amin.

“Nice to meet you, Yvon, have we met before?” tinabingi pa nito ang ulo na mukhang nag-iisip.

“No,” tanging sagot lang ni Fion. Pinanliitan ko naman siya ng mata na nagtatanong kung totoo bang nagkita na sila noon.

“Oh… I guess you just look a like.” Kinamot nito ang batok. “By the way, want some drinks?” in-offer niya sa amin ang alak na hawak niya.

Awakening Her Bloodlust (Sample)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon