Chapter 14

1 0 0
                                    

Tanging tunog lang ng sapatos ni Matthew ang naririnig sa loob ng kwartong ‘yon habang naglalakad siya palapit sa amin. He’s wearing a white polo with red necktie. Nakasabit sa likuran nito ang kaniyang coat. Ang hula kong edad niya ay nasa edad 40 pataas na halos kasing-edad lang ni Dad.

“I heard you’re searching for me,” saad niya nang makapasok, sapat lang ang distansya para hindi maabot ni Fellin kung sakaling gumawa ito ng maling kilos.

Paano siya nakapasok dito? Marami kaming tauhan na nakabantay sa labas. Napatumba ba niya lahat ng mga ‘yon? Nang siya lang?

Nang huminto ito ay may dalawa pang lalaki na naka-itim ang lumapit sa magkabilang tabi niya. Naka-mask ang mga ito kaya hindi makita ang hitsura nila, tanging si Matthew lang ang hindi.

“Good for us, then, ikaw na mismo ang lumapit,” saad ni Fellin na ngayon ay nakangisi na. Pinunasan nito ang kamay at tinadyakan si Tyler kaya natumba ang inuupuan nito.

“I don’t need him anymore,” saad ni Fellin at lumapit kay Matthew, “Gin,” saad niya nang tumingin sa kanan at naintindihan naman agad ni Gin ang ibig sabihin nun.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Gin nang tingnan si Tyler. Hindi man ito nagsasalita pero ramdam kong ayaw niyang gawin ang kung ano mang ibig ipagawa ni Fellin.

“What’s wrong? Don’t tell me you’re hesitant,” saad ni Fellin nang hindi siya tinitingnan.

Abot langit ang kaba ko nang maramdaman ang tingin ni Matthew sa akin. Hindi ko siya kayang tingnan dahil sa kakaibang presensya niya. Mas nakakatakot ito kaysa kay Dad. Abala ako sa pagpapakalma sa sarili nang bigla na lang dumagundong ang malakas na putok ng baril. Gulat akong napatingin sa direksyon ni Gin na ngayon ay may bahid na ng dugo sa mukha. Ilang beses niya pa itong pinutok kay Tyler na hindi ko na kinaya pa at sinigawan siya.

“Gin!”

Doon lang siya natauhan. Humihingal itong naihulog ang baril at pilit na pinapakalma ang sarili dahil malalim na ang bawat paghinga niya. Napaluhod siya habang hawak-hawak ang dibdib at hindi pa rin mapakalma ang sarili. Nilapitan ko siya dahil sa pag-aalala. Nakaramdam ako ng awa nang makita ang namamasa nitong mata na nahaluan ng dugo ni Tyler. Halos maiyak ako sa isiping pagkatapos ng ilang taon nilang pagsasama sa mga misyon ay si Gin lang pala ang tatapos sa buhay ng kaibigan.

“Ow? I thought Lauriel are merciless. How come you have softie with you?” sarkastikong saad ni Matthew na nakatingin sa direksyon namin. Tiningnan ko siya ng masama pero ngumiti lang ito nang magtama ang paningin namin.

“How did you find this place?” walang emosyong tanong ni Fellin.

“Let’s just say my tool is better than yours,” nakangising sagot niya at hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita nito. Tool? You mean, human tool? You really are a monster.

“Really? Then how about this,” nagulantang ako nang may biglang lumipad na dagger sa gilid ko papunta sa direksyon ni Matthew. Nanlaki ang mga mata niya dahil hindi niya inaasahan iyon pero agad na kumilos ang isang tauhan nito at ginawa nitong pangharang ang sarili kaya sa balikat niya bumaon ang dagger.

“Woah, was that Fionna? I know you’re fast but I didn’t expect your attack just now. I’ll acknowledge you for that,” parang wala lang na nangyaring saad niya.

Tumalikod ako at nakita roon si Fion na nakasandal sa pader at naka-krus ang mga braso habang nakapikit. You almost got me there, bitch!

Nang bumukas ang mga mata niya ay seryoso na itong nakatingin ngayon kay Matthew. Naramdaman kong hinawakan ni Gin ang kanang kamay ko at hinila ako papunta sa likod.

Awakening Her Bloodlust (Sample)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon