Chapter 4: First Kiss?

18 2 0
                                    

Niña's POV

Pagpasok ng classroom namin si Kyle, sakto't naghihiyawan kaming mga babae.

Syempre, sino ba kasing 'di ma-aattract sa gwapo ni Kyle Magdayo, ano?

Sobrang cute pa niya. Lahat ng babae gustong-gusto siya. At ewan ko ba, baliw na baliw sakanya 'yung ibang girls.

Nang bigla akong sinabihan ng kaibigan kong...

"Uy, bes! Andiyan na si Kyle, ang gwapo talaga niya ano? Bagay na bagay sakanya 'yung school uniform natin!"

Bulong sa'kin ni Veronica. Nang pinaka matalik kong kaibigan sa school na 'to.

"Oo nga, eh! Ang gwapo niya. Kahit mayabang 'yan, pinupuri ko pa rin 'yan. Bakit nga ba kasi ang yabang-yabang niyan? Porket sikat lang siya sa school na 'to? Nagyayabang na, tsk!"

Bigla kong nasabi 'yun dahil din sa kilala ko siyang sikat na mayabang sa school namin.

Bulong ko din kay Nica na siyang ikinatawa ne'to.

Ang hindi ko lang alam ay naririnig na pala nung Kyle na 'yon 'yung usapan namin.

"Excuse me, Miss? What did you say again? Can you repeat?"

Taray, ah! Kahit kailan talaga, Englishero 'tong kupal na 'to.

Nang makapagsalita siya, natahimik kaming lahat.

Inulit ko naman 'yung sinabi ko dahil inutusan niya'kong ulitin i'yon.

Napaka-kapal naman talaga ng mukha, no'h? Nagawa pa'kong utusan. Buti nalang, gwapo siya.

"Ang sabi ko, kahit mayabang ka pinupuri pa rin kita. Pasalamat ka, gwapo ka!"

Tinarayan ko siya, wala na akong paki-alam kung... ano masasabi niya sa pagtataray ko sakanya.

Pasalamat din siya dahil inulit ko pa 'yung sinabi ko. Kung, hindi? Naku! Sa sasabihin ko, kanina pa sana tumawa mga kaklase ko.

Bigla din niya akong pinagsungitan na akala mo naman, ikinagandang lalaki niya 'yon.

"Bakit? Sinabi ko bang purihin mo 'yung mayabang na katulad ko? Alam muna palang mayabang, pinuri mo pa! Pasalamat talaga ako, Miss. Dahil gwapo ako. Eh, ikaw? Maganda ka nga kaso, ang pangit ng ugali mo".

What the fu*k this boy, wala siyang karapatang sabihin sa'kin 'yon.

Buti nga kahit andiyan na sobrang yabang niya. Pinupuri ko pa din, tapos sasabihan lang ako nang ganon?

Aba-aba, ang tapang ne'tong lalaking 'to.

Tumahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Kyle.

Nagagawa niyang mamahiya ng babaeng katulad ko without knowing na napakaganda kong unika-iha nang lola't lolo ko.

Hayssst, nakakainis 'yong lalaking 'yon!

"Wala, wala kang sinabi! Pero, ang akin lang Kyle. Wag sana 'yung mayabang ka porket sikat kang tao sa school na 'to, duhhh!"

Dahil sa sinabi kong 'yon, kitang kita ko sa expression ng kanyang mukha 'yung inis na halos gusto niya akong sapakin.

Dragon na dragon siya, halatang uusok na 'yung tenga dahil sa sinabi ko.

Inawat naman ako ng mga kaibigan kong babae sa sandaling i'yon.

"Hoy, bes! Tama na 'yan, 'di natin 'yan kaya. Mahihina tayong babae, when you also remember?" Saad na pang-aawat ng mga kaibigan kong babae sa akin.

Paubaya (COMPLETED)Where stories live. Discover now