Nagsipag chat sila sa group chat naming magkakaibigan.
"When is the wedding?"
Pambubungad ni Mike na chat sa group chat.
Wow, curious lang ako ha? Kasal agad? HAHAHAHA
"Tanga, nanliligaw pa nga lang ako. Excited kayo?"
Singit nung Michael na 'yon. Makatanga, kala mo kung sino?!
Astig ka na niyan? 2joints nga dyan, weh? 'Di nga?
"Kelan mo nga ba sasagutin si Michael, Kim?"
Habol pa ni Liam na ikinaguilty ko.
"Ka'pag kinuha ka na ni Satanas".
Sagot ni Kim sa tanong ni Liam sakanya.
"Bagay nga kayo ni Michael, pareho nang masama ang ugali. HAHAHAHA!"
Singit ko naman na ikina-inggit ko.
Nasasaktan na naman ako. Ito na naman ako sa sitwasyong nasasaktan sa mga nababasa ko.
Nakikisabay na lang ako sa biruan nila kahit alam kong sobrang sakit na. Sa pagsabay ko sa kanila sa biruan nila, hindi nila alam na deep inside nasasaktan at nagseselos na ako.
Seloso akong tao, oo!
Ayaw kong makitang masaya at sumasaya sa ibang tao 'yung mahal ko.
Pero, sino nga ba ako? Kaibigan lang niya, 'di ba?
Ang hirap mag-aasume kasi, tama nga si Sean. Hindi sa lahat ng oras/bagay, ipapa-alam niya sa akin.
Selos na selos na ako.
'Di ko lang pinapahalata. Kaya kung, gaano sila magbiro. Ganoon na lang din ako sakanila.
Ang sakit man pero, sige. Kakakayanin ko!
Sabi nga nila kung, mahal mo siya. Kahit anong sakit ang iparamdam niya sayo.
Kung, mahal mo talaga. Kakayanin mo!
Kaya naman kakayanin ko 'to pero, sa oras na hindi na. Hindi na ako lalaban pa!
Ako na kusang lalayo.
----------
YOU ARE READING
Paubaya (COMPLETED)
General FictionMy very first Wattpad Story Started: March 10, 2022 Ended: March 10, 2022