Chapter 5: Our First Convo

13 1 0
                                    

"Kyle? May tanong ako!"

Panimula ni Kim sa convo namin.

Sa loob ng ilang buwan, ngayon lang kami nagkaroon ng unang convo ne'tong babaeng 'to.

Alas tres na din nang madaling araw ng magchat si Kim sa akin.

"Hoy, alas tres na gising ka pa?"

Paninita ko sakanya dahil sa alas tres na nang madaling araw, gising pa din.

Mabilis na reply ko sakanya. At mabilis din naman agad itong nagreply.

"May tanong kasi ako!"

'Di ko alam kung, ano.'yon pero ito ang sinabi ko sakanya.

"Alam kong kagaguhan na naman 'yan, matulog kana maawa ka naman sa akin. Malapit na akong ipasok sa mental dahil sayo".

'Yon nalang ang nasabi ko. Close na close na kasi kami ni Kim.

Alam ko din ang mga katarantaduhan niya.

Hay naku! Ito talagang babaeng ito, oo!

"Ka'pag ba naging langgam ako, bubuhusan mo rin ako ng mainit na tubig?"

Naguguluhan ako sa tanong nya pero, ito ang sinabi ko.

"MATULOG KA NA PARANG AWA MO NA!"

She's my gir best friend, Kimberly Rivas for short Kim. Kung, natatandaan niyo pa.

And... I am inlove with her so much simula nung naging mag-kaibigan kami.

"Swerte ko".

Chat niya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko naman ng matipid.

"Kasi, kaibigan kita!"
"Ka'pag wala akong pera may taga-libre ako".

Pahabol niya pang chat sa akin. Jusko! Talaga 'tong babaeng 'to!

"Aba-aba! So, 'yun lang ang purpose ko para sayo? Sa gwapo kong 'to, ginawa mo akong banko?"

Natatawa kong reply sakanya.

"Gwapo? The ACIDITY!"

Chat niya pa na mas lalo kong kinatawa. HAHAHAHA

Grabe na talaga ang epekto ni Kim sa kakawattpad niya. HAHAHA

"B*b*! Audacity 'yun!"

Chat ko na may halong pampipikon sakanya.

Nakakatawa kasing pikonin si Kim, sobra!

"MY LIFE IS NOT A JOKE!" Bulong ko sa sarili ko. Habang natatawa ako.

Sometimes, hinihiling ko na...

Sana, hindi na lang kami magkaibigan so, I could tell her how much I am inlove with her.

Inaamin ko, masaya naman ako na naging magkaibigan kami simula noong una. Pero, iba pa din pala ka'pag nagustuhan mo 'yung tao.

Nalulungkot tuloy ako.

----------

Paubaya (COMPLETED)Where stories live. Discover now