Nagchat sa'kin ang kaibigan kong si Sean.
"Hindi ka magpapaalam sakanya?"
Pambubungad sa akin ni Sean.
"Hindi ko kaya, tol!"
"Sure akong iiyak 'yon ka'pag nalaman niyang aalis ako".
Reply ko sakanya.
Tumulo naman agad ang aking luha.
'Di na ako aasang makakabalik pa 'yung dating kami ni Kim.
Kaya tama lang 'tong gagawin ko.
Alam ko sa sarili kong masakit pero, kakayanin ko.
'Di ko mapigilang 'di lumuha. Kaya nagpatuloy sa pagluha ang mga mata ko.
Andito ako sa Airport ngayon. Uuwi muna ako kina Mommy. Baka sakaling makalimutan ko ang lahat.
Nagsubok ako nang nagsubok.
"At alam mo na siya ang kahinaan ko".
"Kailangan ko munang pagpahingain 'yung puso ko, kahit saglit lang!"
Pagpapatuloy kong chat.
Nasasaktan na naman ako pero, pinigilan ko.
"Sobrang sakit na, eh! Namamanhid na ako sa sakit!"
I left without saying good bye. Hindi ko alam kung, makakaalis ako ka'pag nagpaalam ako sakanya.
>THE NEXT DAY<
I chatted with Sean
"Kamusta si Kim, tol?"
"Masaya ba siya?"
"Inaalagaan ba siya ng maayos ni Michael?"
"Baka naman kasal na sila tapos hindi ako invited?"
"Mas lalo siyang gumanda, ano?"
"Miss ko na 'yung alien na 'yon!"
"Miss na miss ko na siya!"
Sunod sunod ang pag-chat ko kay Sean.
Pero, halos wala siyang bahid ng reply sa'kin nung mga oras na 'yon.
Tinadtad ko si Sean ng chat pero, wala pa din talaga siyang chat ni isa.
Kahit sinabi kong kakalimutan ko na siya. I can't deny the fact that I will be forever inlove with her.
Tangina, ba't gano'n?
Ganito ba talaga epekto ni Kim pagdating sa'kin?
Halos gawin ko na lahat para lang makalimutan siya pero, ang hirap!
Jusko...
Hayssst, self!
----------
YOU ARE READING
Paubaya (COMPLETED)
General FictionMy very first Wattpad Story Started: March 10, 2022 Ended: March 10, 2022