Chapter 10: Our Fourth Convo

8 1 0
                                    

Bigla naman napachat si Kim sa akin.

Halos this time, hindi ko talaga siya maintindihan sa mga pinag-sasabi sabi niya.

"Hindi ko maintindihan ang mundo!"

Nang mabasa ko 'yon, may naisip ako agad.

"Ka'pag nagbigay ka ng sobrang pagmamahal sa isang tao, masasakal ka".

Pahabol pa niya na siyang naisipan ko na baka sinaktan siya ni Michael.

"Ka'pag nagkulang ka, iiwan ka!"

Habol pa niyang reply sa'kin..

"Ka'pag sakto, balance. Sasabihin namang boring ka!"

'Di ko talaga maintindihan si Kim sa part na 'yon, kaya naman nagreply agad ako.

"Sinaktan ka ba ni Michael?"

Tanong ko sakanya.

"Hindi, nagbabasa lang ako ng Wattpad. Kakainis!"

Galit na galit na sabi ni Kim sa akin.

Ang buong akala ko, sinaktan siya ng walang hiyang Michael na 'yon.

Wag lang talaga niyang sasaktan si Kim. Ako na mismo makakalaban niya.

"Tangina, sabi ko sayo tigilan mo na kakawattpad mo 'di ba?"

Napamura ako sa reply ko sakanya.

Nakakainis kasi.

Kahit kailan, 'di nagbabago si Kim sa pagwa-wattpad.

Kaya naman may iginanti ako sakanya.

"Kung, papipiliin ka between isang milyon o ako. Alin ang pipiliin mo?"

Pang gaganti ko sakanya.

"Syempre, ikaw!"

Noong nabasa ko chat niya. Nabuhayan ako nang lakas ng loob.

"Talaga? Grabe, mahal na mahal mo tslaga ako".

Pampipikon kong chat kay Kim.

Pero, totoo 'yong sinabi ko.

"Ikaw ang hindi ko pipiliin!"

Nung bumungad sa akin ang reply niya, nasaktan ko aaminin ko.

Pero, okay lang. Sanay na ako sa pambibiro na ganyan ni Kim.

"Kukunin ko na lang 'yung isang milyon tapos bibili ako bagong kaibigan!"

Pahabol niyang reply na ikinadurog na naman ng puso ko.

"Pakyu, Kim. Pakyu!"

Sa inis ko, napachat ako sakanya ng 'di karapat dapat.

Nagchat lang yata 'tong babaeng 'to para mang-inis, tangina.

Ang unfair talaga ng mundo. Bakit hinahayaan niya tayong mahulog sa taong hindi naman tayo kayang saluhin?

----------

Paubaya (COMPLETED)Where stories live. Discover now