Chapter 21: Tolerance

7 1 0
                                    

Nagchat ako sa kaibigan kong si Michael.

"Pre?"

Pambubungad ko sakanya.

"Ingatan mo si Kim!"

'Yon na lang masasabi ko.

"Be honest with me, Kyle. Mahal mo si Kim, 'di ba?"

Reply niya naman sa akin. Agad kong ikinagulat 'yon. Kung, bakit sa dami-dami ng itatanong niya.

'Yon pa naisip niya.

"Oo, mas nauna ko siyang mahalin. Pero, mas nauna ka lang umamin".

Sagot ko sa tanong ni Michael.

"But, it doesn't matter anymore!"

Paghahabol ko pang reply sakanya.

"Sinagot ka na niya kaya, ingatan mo sana siya!"

Pagtutuloy ko pa kahit na alam kong masakit na.

"You've seen me protecting her, sana gano'n din ang gawin mo".

"Mahal ko 'yun kahit hindi naging kami! Importante siya sa'kin".

Pagpapatuloy ko pa kahit mangiyak ngiyak na'ko lahat-lahat.

"Kung, sasaktan mo lang siya. Ibalik mo na lang siya sa akin".

Pagtutuloy ko pang muli.

'Di na ako maka'pag-pigil. Alam ko masyado na akong madrama.

Pero, which is 'yon naman ang totoo 'di ba?

"Kung, hindi mo na siya kayang intindihin nandito lang ako nag-aantay sakanya. Just don't hurt her".

Pagsunod ko sa tanong niya.

Halos tinadtad ko siya nang makatotohanang drama.

"Pleast, take good care of her. Hindi ako mang-gugulo. Just make her happy, ayos na ako roon".

Handa ko na siyang palayain para ipaubaya sa iba.

Alam ko masakit pero, wala na akong magagawa.

Best friend lang ako. HAHAHAHA : )

Sinagot na niya 'yung lalaking 'yon, ano pa bang laban ko?

Basta, ang alam ko sa sarili ko. Hindi ko siya pinabayaan.

Pinaubaya ko siya sa iba.

Sa taong makaka'pag-pasaya sakanya.

----------

Paubaya (COMPLETED)Where stories live. Discover now