Nag chat si Kim sa akin.
Sa pagkakataong 'yon. 'Yon ang tanong niya ng una na hindi ko sinagot pero, sineen ko nalang siya.
"Bakit parang iniiwasan mo ako?"
Bungad niya sa akin.
"Ka'pag may problema ka, don't hesitate to tell me".
"Ang hirap kasing manghula : (".
'Yon ang sabi niya sa akin.
"Hindi ko alam kung, bakit bigla kang dumidistansya sa akin!"
"Sa school, halos gawin ko na ang magpapansin sayo pero snob lang nakuha ko".
"May problema ba, Kyle?"
"May nagawa ba ako?"
"Haysst, seen na lang talaga?"
"Sabagay, Sean. Siguro nga may nagawa ako, kaya ka ganyan".
"Miss na kita, Kyle!"
"Miss na miss na talaga kita!"
"Magchat ka naman na, oh".
"Kyle? Hoy, chat ka na!"
"Master ko? : (".
"Hindi ko kaya pag ganito tayo!"
Sunod-sunod niyang chat sa akin. Pero, sineen ko na lang ng sineen.
Panay seen lang ako at 'di ko siya nirereplyan.
"Okay, fine! Magchachat ka din naman at alam ko hindi mo'ko matitiis".
"Kyle? Sorry kung, may nagawa man akong pagkakamali. I'm really sorry : (".
Paseen seen pa din ako at naramdaman kong unti-unting tumutulo ang mga luha ko galing sa mata ko.
Oo, dati hindi kita natitiis Kim. Pero, ngayon. Pasensya ka na kung, natitiis kita.
May mga bagay-bagay na kasi akong naintindihan.
Nagising ako sa katotohanan.
Pasensya ka na!
----------
YOU ARE READING
Paubaya (COMPLETED)
General FictionMy very first Wattpad Story Started: March 10, 2022 Ended: March 10, 2022