Nagchat si Kim sa akin na siyang ikinainggit ko.
"May date kami ni Michael ngayon!"
Nakakainggit, 'di ba? Dati kami lang ni Kim nag d-date. Ngayon, sila na ni Michael.
Ako dapat 'yon, eh! Ako 'yon! : )
"Talaga? Sama ako!"
Pambibiro ko.
"Tanga, date nga 'di ba? Makiki-third wheel ka?"
Natanga pa tuloy ako, bwisit!
Sakit naman no'n, Kim. Grabe ka!
May Michael kalang, nakalimutan muna ako.
Mas cute naman ako dyan sa Michael na 'yan, ano!
"Charot, ayoko makakita ng mga diSgUrtiNg shit na love birds!"
Pambibiro ko na may halong inggit sa ssrili.
"Sus, bitter ka lang kasi wala kang jowa!"
Pahabol niya pang chat na siyang ikinapikon ko.
Nampipikon talaga 'tong babaeng 'to.
"Ikaw kasi 'yung gusto ko!"
Tinype ko pero, 'di ko 'yun muling sinend sakanya.
"May nagugustuhan ka na raw!"
'Di ko sinabi kung, sino! Si Kim kasi 'yung nagugustuhan ko.
"Sino 'yon? Bakit hindi ko alam?"
'Di mo na kailangan malaman.
"Kasi, hindi nya naman ako gusto!"
Bigla kong sinabi na siyang ikinakaba ng dibdib ko.
"May iba na siyang gusto, eh!"
Pahabol ko kay Kim.
"Masaya na siya ngayon".
Pahabol kong muli sakanya sa chat.
"Masaya ka na sakanya, eh!"
Tinype message ko sakaniya pero, 'di ko muling sinend.
Ang sakit pa din talaga.
Hayssst, self! Wag pa-apekto.
Gusto kong isigaw sa harap niya na nasasaktan ako. Na sana ako nalang 'yung pinili niya : ( na sana ako nalang 'yung mahalin at gustuhin niya. : (
----------
YOU ARE READING
Paubaya (COMPLETED)
General FictionMy very first Wattpad Story Started: March 10, 2022 Ended: March 10, 2022