And here we're playing 'truth or dare.' Naalala ko tuloy yung laro ni Rus, yung truth or dirty truth, like damn. I tried to cross it out on my mind, at nag concentrate na lang sa laro.
"Let's make it dare or drink kaya?" Si Kollene, "para mas exciting--"
"No," pagsalungat ko, "minor ka pa--"
"I'll be eighteen next week," she said. Pero kahit na-- "besides, I'll do nothing bad. Remember we drank beer together last friday,"
Damn. "Okay fine, pero tatlong baso lang--hindi, dalawa--"
"I can manage, Neige. Don't worry, high tolerant ako," sa sinabi niya ay wala na akong nagawa. Hindi naman siya nagpaawat nung pinigilan ko siya ulit, so I stayed quiet na lang.
"Let's start?" She asked. Astre nods, and then ordered something. Hinintay lang namin 'yon, at napailing na lang dahil mostly sa inorder nila ay beer. May soju din.
Damn heck.
"Since si Rus ang pinakamatanda sa ting lahat, siya na kaya unang magtanong?" Si Kollene at nagbukas siya ng isang soju, "game?"
"Game," dito'y humarap siya kay Astre, "dare or drink?"
"Ha? Ako talaga?" Gulat si Astre. And I know why. Di pa siguro niya nakalimutan yung kanina. "Okay, umm, drink na lang," at walang pagdadalawang isip niyang tinungga ang isang bote ng soju. Nang nangalahati ay tumigil na siya sa pag-inom, at humarap kay Kollene, "dare or drink?"
"Dare!" Cheerfully said.
"Confess something on someone here," astre dared, "kahit sino sa 'min,"
"Simple," dito'y humarap siya sa 'kin, "confession to ha. You know Neige, I was little jealous on you,"
"What?" Pagtataka ko, "why?"
"Kasi naka in a relationship status kayo ni Rus," oh, so hindi pa niya yon tinatanggal?
There stared at him and he was just staring at me, too. "Hindi mo pa yon tinatanggal?"
"Hindi," simple niyang sagot.
"The heck, Rus," I cleared my throat and look at Kollene, "Kollene, it's just for their activity--"
"I like Rus," at natahimik kaming lahat... dahil sa sinabi ni Kollene. Kinuha na lang ni Kollene ang isang bote ng soju na binuksan niya saka ininom. I called her but she didn't let me stop her. Naubos niya ang isang bote nang hindi man lang nahihirapan.
Damn freaking heck?!
"Ge ako na," hearing it from Brent, whom I guess noticed the akward atmosphere between us, "tanungin niyo na ako,"
"Dare... or drink?" Pagtatanong ko.
"Dare para masaya!" Saka siya tumayo at sumayaw-sayaw. Dito'y nagsitawanan sila. It calmed me.
"Sige, sumayaw ka ng careless whisper habang nasa ulo mo yung isang lata ng beer. Pag nahulog yung lata, laklakin mo yung soju!" What the... napatingin na lang ako kay Lance at nag thumbs up lang siya sa 'kin. The heck is that dare!
Ginawa naman ni Brent yon ng walang kahirap hirap. Yun nga lang, nahulog yung lata kaya inubos niya ang isang bote ng soju. Naalala ko tuloy ang ginawa ni Kollene, and her instant confession.
I don't know. Maybe I just didn't expect that. Kasi nung nagmeet kami, she's so cheerful, at madaldal, yet you'll have thoughts of her being fine. But as I saw those, ewan ko. She's kind of... showy.
Tinanggal na lang ni Kollene ang glasses niya't naki-jam kay Brent. And she's doesn't have high tolerance. Lasing na siya agad.
Pinigilan ko siya, pero hinawi lang niya ang kamay kong nasa kanyang braso nakahawak, "let go of me," saka siya humarap kay Brent at ginaya itong kanina pang sumasayaw.
When I turned my gaze to Astre, todo pigil siya kay Lance na wala na ring tigil sa pag-inom ng beer.
"Hey," si Rus, "let's get out of here,"
"What? But si Astre..." pag aalala ko.
"She'll be fine. If not, papatayin ko ng suntok ang boyfriend niya," sabay tingin kay Lance, at bumalik din sakin, "let's go,"
Hindi na ako nakaangal nang hinawakan niya ang kamay ko. Dinala niya ako sa labas ng bahay. He sat on the gate, saka tumingin sa 'kin.
"Dito," sabay tapik sa tabi niya. I sat there and sighed.
"Hindi ko expect yung sinabi sa 'kin ni Kollene," sabi ko.
"Did it bother you?" Tanong niya.
"Hindi naman, medyo lang," saka ako humarap sa kanya, "hindi mo pa pala tinatanggal yung rs. Bakit? Diba three days lang effectivity no'n?"
"Nah. I like it that way," what? What does it mean?
"What?"
"Just let it like that, Neige. And by the way," inilapit niya ang mukha niya sa 'kin. Uusog na sana ako nang hawakan na lang niya ang braso ko, "stay there," at bumaba ang tingin niya sa labi ko, "I want to be your first kiss,"
I can smell the alcohol from him. Nasasabi lang niya yan kasi lasing siya, kaya lumayo ako. But I guess he guessed first what I'm thinking.
"Lasing ka lang--" without hesitation, he pressed... his lips.. on mine. Para bang natanggal ang kaluluwa ko sa katawan ko, with that kiss he did. Hindi ako nakagalaw agad. My eyes are wide and shocked.
Yung puso ko... damn of the freaking heck!
Marahan niyang inihiwalay ang labi niya, "Neige, what if... tayo na lang?" There, it stopped all of me.