End

4 2 0
                                    

A/N: Thank you so much for reading! T'aime~

The next morning, nalaman na lang namin na wala na si Ranie sa kwarto niya. She... left. I tried to contact her, but no use. Tinawagan ko si tito at tita pero wala pa rin. Hindi siya umuwi ng bahay nila. Pero, na-track ko yung phone niya.

"So, where's she?" Napatingin ako kay Vanson, "Baka naman mambikitma siya ulit--"

"Ano ba..." umiling ako, "She's in their resort, Kersav. Around Manila lang. I think she's okay,"

"I hope she ask sorry first bago siya umalis--"

"Kakausapin ko siya ulit. For now, hayaan muna natin siyang mag-isip," and then I turned off my phone. Saka uminom ng kape.

"Mare, so ano? Ready na kayo? Kanina pa naka-impake ang gamit namin," si Astre. I nodded, and finished my pancake. "Sana naman sa susunod na meet and stay natin, maging maayos na ang lahat,"

"It'll be," I sighed, "But I enjoyed staying with you again, guys. So much. Pinalabas n'yo 'ko sa comfort shell ko. Thank you,"

"You're welcome, Mare!" Natutuwa niyang sabi, "nga pala, para hindi na kayo mahirapang maghatid sa 'min, tumawag na ako kay papa. Siya na ang susundo sa 'min dito,"

"Okay..."

"Ako rin, masaya akong makilala kayo," si Hans, "hoping maulit pa 'to?"

"Time will come," sagot ko.

We just had our breakfast, at pagkatapos no'n ay nag-iwan din kami ng remembrance para sa stay na 'to. Medyo nalungkot lang kasi wala si Ranie. Sana lang sa pagta-try kong makausap siya after nito ay magkasundo na sila.

We took pictures, and left our real accounts with each other. I met Astre's papa, too. He seems nice. After all of that, we bid our goodbyes.

Dahil sinundo na ng papa niya sina Astre, kami na ang naghatid kay Hans sa tinutuluyan niyang boarding house. And as what I'm not expecting, ang dami niyang tanong sa 'min.

"Kayo na ba?" Rinig kong tanong niya, mula sa backseat, "Ano, Neige? Kayo na?"

"H-hindi..." pag-iling ko.

"So may chance ako?" Para bang na-excite si Hans.

"Sa'n ka may chance? Kay Snow o sa 'kin?" Tanong naman ni Vanson. Ewan ko kung tatawa ba ako. Nakakatawa kasi ang dating ng tanong na 'yon sa 'kin. Pero seryosong-seryoso naman si Kersav. Kaya hindi na lang ako tumawa.

"Eto naman, joke lang..." sabi niya, "hindi... kasi naman, pansin kong parang close kayo kasi. Mag-on na kayo no? Pero tago lang?"

"Hindi, walang kami," pagtanggi ko. "Magka--"

"Magkaka-label din. Y'all just wait," si Kersav. Seryoso ba 'to sa sinasabi niya?

"Malapit na ako sa boarding house, diretso lang," pagpapaalam niya.

Nag-drive lang si Vanson. Ako naman ay itinuon na lang ang atensyon sa phone. Si Hans, ang dami pa ring tinatanong, at tungkol sa 'min lang... yung tipong pinapaamin niya kami na may relasyon kaming dalawa.

Ewan ko dito.

"Ayan, dito na ako," sabay hinto sa tapat ng isang boarding house. "Nagbo-boarding ako para mas malapit sa school. By the way, salamat sa paghatid at i-add n'yo lang ako sa account ko," lumabas siya't kinuha ang mga gamit niya.

"Welcome," ako na ang sumagot. Hindi na kasi nagsalita si Vanson.

"Salamt ulit! Sana maulit pa 'yon! Nice knowing and staying with you!" Pagkaway niya. Isang ngiti ang iginanti ko. Siya nama'y pumasok na sa boarding house nila't nagdrive na paalis ni Van.

"Talaga bang ide-deny mo na ako?" Napalingon ako kay Vanson. Nagda-drive lang siya, pero parang naghihintay siya ng sagot ko.

"Wala naman talaga tayong label--"

"Lalagyan ko nga," like he's insisting. "Bahala ka kung itatanggi mo, o kung itatago mong may feelings ka na sakin. Hindi kita titigilan hanggang sa mapa-oo kita,"

"Grabe ka, ano bang nangyayari sa 'yo?"

"Damn, Snow... gusto nga kita diba? And I'm courting you," para bang dineretso na niya ako. "Lalagyan ko tayo ng label,"

"Ewan ko sayo," umiling na lang ako at tiningnan ang pictures namin nina Astre.

Napangiti ako.

Parang kailan lang ako pumasok ng rp. Akala ko, ordinaryo lang ang mararanasan ko pero hindi. I met different people in different ages... and I had people I can now call my friends.

"Magkape tayo," pagyaya niya, "and then haharap ako sa daddy mo... at sa pamilya mo,"

Natawa ako, "okay ka lang?"

"Wag mo na kasi akong itanggi--"

"Gaga ka ba? Saka na kita hindi itatanggi pag mag label na. Pero wala pa naman," pang aasar ko sa kanya.

"Damn you Snow. You just wait," he's now... pissed. Pero tinawanan ko lang niya.

And just sighed, nang hindi na niya ako kinausap buong biyahe. Tampo lang yan pero mawawala rin yan mamaya.

Nag-cellphone na lang ako, and then just think of some things. And inisip ulit lahat ng nangyari... then concluded that all of it was nice. It's like I found a part of me.... and I'm building something with them. The warm and excitement and the happiness. It's like home.

HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon