Chapter 31

4 1 0
                                    

"So kumusta yung lakad n'yo?" Tanong ni Vanson, at kinuha ang iilang beer sa ref. "Naging okay ba?"

"Oo," sabi ko, "E ikaw? Kumusta ka rito sa bahay? Hindi ba nagpasaway si Ranie sayo?"

"A, your cousin? Hindi naman. Nasa pool lang sila kanina. Nasa kwarto lang ako,"

"Buti naman..." napanatag ang loob ko sa narinig mula sa kanya. "O, ready na 'tong fries. Tara na," saka ko dinala ang dalawang bowl ng fries na niluto ko.

Pareho kaming pumunta ng sala at nakita na silang apat na nandodoon. Tahimik lang.

"Mag T or D kaya tayo?" Pag...anyaya ni Ranie, na sinang ayunan naman ni Astre. "Iinom ang pipili ng truth ha,"

"What the... Ranie..." I shook my head and disagreed. Ayokong uminom.

"Walang kj dapat," nakangisi niyang sabi, na medyo ikinainis ko. "Okay! Sinong unang magtatanong?"

Wala na akong magawa nang tingnan na lang ako ni Vanson at pinaupo sa tabi niya. Marahan kong pinakalma ang sarili at tinanggal ang inis na nararamdaman. Nawala naman ito, pero napalitan ng hiya kasi... inasar ako ni Astre... nope. Ako at si Vanson, inasar ni Astre.

"Sige, ako na ang unang magtatanong," sabi ni Hans, "At ang una kong tatanungin ay si Lance. Truth or Dare, Lance?"

"Dare," walang pagdadalawang isip niyang sagot.

"I dare you to twerk three times!" Sabay tawa niya, kaya napailing ako. Napatingin ako kay Astre... na sinimulan na ang pang aasar sa boyfriend niya.

"Sus! Ang dali naman niyan!" Confident si Lance na tumayo... at hindi nag alinlangan sa dare ni Hans. Nag-twerk nga siya, na ikinapikit ng mga mata ko.

Rinig ko ang tawa nila, pero ako itong nacri-cringe.

"Sheez," napakain na lang ako ng fries.

"Wag kang kj ate Snow!" Si Raneya.

"Hindi naman ako kj... umm, don't mind me, y'all enjoy playing," hindi na ako nagiging komportable.

"Ako naman ang magtatanong o magda-dare," si Lance, "at si Stella my bub Astre ang tatanungin ko!"

"Dare na rin ako," masaya niyang sabi.

"Sige, umm... I dare you na pitikin sa noo yung pinaka nakakairita rito sa atin, sa mga nandito lang ha," sabi nito.

Tumayo si Astre at... pinitik sa noo si Lance, saka natawa, "naiirita ako sayo, labyu,"

"Enebe... labyu din," nag finger heart pa. Nagpanggap na lang ako na hindi ko nakita at narinig si Lance. Goodness.

"Ako na, at sige... si Rus ang tatanungin ko," Astre said, saka kumain ng fries, "Truth or dare?"

"Truth," nagulat na lang ako nang inubos ni Vanson ang isang can ng beer, "ask me,"

"Kayo na ba ni Mareng Neige?" Diretsong tanong niya.

"Soon," humarap siya sa 'kin, and then he just smirked! What the... ba't gan'to siya ngayon? Weird. Umiling na lang ako kay Astre bilang pagtanggi pero inasar lang niya ako.

Para hindi na naman ako paringgan ni Ranie, hindi na lang ako masyadong nag-react. Hindi naman ako affected sa sinabi ni Vanson.

"Wala akong itatanong, Hans you ask," sabi ni Vanson, at nanahimik na sa tabi ko.

"Sige, Si Lacey naman ngayon. Lacey, you strip!" What the freaking damn!

"Hey! You serious?!--Ranie!" Nataasan ko siya ng boses dahil walang pagdadalawang isip nitong tinanggal ang pang itaas niyang damit! "What the heck, isuot mo ang damit mo!"

She's in her freaking sleeveless tube! Hindi niya sinuot pabalik ang damit niya.

"Wag ka ngang kj!" She... shouted back. "Ako naman ngayon," saka ito humarap kay Astre, "Truth or dare?"

"Umm... truth?--patay, i-iinom ba ako?" Ranie nodded. Pinigilan ko si Astre pero huli na ako. Nakainom na siya.

"Kaibigan ba talaga ang turing mo kay Snow?" She.. asked. What kind of question's that?

"Oo naman!" Like Astre's proud. Nginitian niya ako, pero parang nalasing siya agad kasi she's starting to act different na.

"Mag toast tayo, guys!" Nainis na ako sa kinikilos ni Ranie. Kumuha ako ng tatlong can ng beer, at nilagok ang mga ito na para bang umiinom lang ako ng tubig. Hindi ako nakipag cheers. I'm pissed.

Naiinis na ako sa pinsan ko.

"Wooh! Let's enjoy this night, guys!" My sight starts to be blur, and their voices... unti-unting nagiging echo na lang... hindi ko na maayos na marinig ang mga sinasabi nila.

"Snow..." the last thing I heard is that. And then, I lost my conciousness.

Hindi ko alam ang mga sumunod na nangyari... and if I slept already? Kung ano ba ang mga ginawa ko. Ewan, wala akong maalala. Nang nagising kasi, hilong-hilo pa ako. Pero ramdam kong may naghiga na lang sa 'kin sa kama.

I don't know if sino.

"You're stubborn," rinig ko. Who's this? "Masakit ba ang ulo mo?"

"Who.. are you?" Tanong ko at ipinikit na lang ako kasi naman nahihilo na naman ako. Pero imbis na sumagot, wala na akong narinig na salita.

"Damn you, Snow..." saka naramdamang may humaplos ng mukha ko. That's the very last I've heard, at tuluyan nang nagdilim ang paningin ko. Wala na akong natandaan.

HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon