Weird

46 3 0
                                    

"Inhale, Exhale." Paulit-ulit iyong sinabi ng doktor na sinusunod ko naman. Matapos niyang tumigil ay inalis niya ang nakapasak sa tainga bago tunghayan si Mommy na kanina pa nag-aalala.

"Wala akong makitang deperensya sa anak niyo, Mrs. Agnello." Anang niya na ipinagtaka namin lahat.

Wala kaming guro kaya nandito ang ibang mga kaklase ko. Hindi nga sila pinayagan pero namilit sila na nag-aalala rin sila sa akin kaya gusto nilang sumama. Si Doraemon lang ang walang care sa akin dahil siguro may boyfriend na siya.

Napatungo akong huminga nang malalim. "Wala ba siyang hika, dok? O 'di kaya ay nerbyos? Sakit sa puso o kung ano-ano pa?" Anang ni Mommy.

Umiling ang doctor. "Bibigyan ko siya ng gamot na puwedeng niyang inumin para maiwasan niya ang gano'n." Sabi nito bago tumingin sa akin. "Bago ka makaramdam ng ganito, ano ba ang nangyayari sa paligid mo, ano ang napapansin mong dahilan kung bakit nagkakaganiyan ang paghinga mo?" Tanong niya sa akin.

Inalala ko ang unang nangyari nang maramdaman ko ang pagbilis ng tibok. "N-nang una ko pong p-pasok sa room namin..." Natungo ako sa kamay kong magkahawak. "N-nang p-patabihin ako ng lecturer namin d-doon sa b-babaeng k-kulay a-asul..." Pahinang-pahinang turan ko. Baka isumbong nila ako kay Doraemon.

"Kasunod ay?" Sinilip ko ang doctor at nakitang lahat sila ay tutok sa akin.

Nipagkuskos ko ang mga kamay. "P-pangalawa po a-ay nang..." Nangunot kong inalala iyon. "N-nang may nang a-away po sa amin ni Mark tapos---"

"May umaway sa'yo!?" Nagulat ako nang makitang salubong ang kilay ni Mommy.

"K-kasalan ko po 'yon, Mom."

"Ano pa ang nangyari, Iho?"

"H-hindi po ako makahinga nang maayos n-nang a-abutin ni Doraemon ang kamay niya p-para tulungan ako..." Hindi sila sumagot kaya nagpatuloy ako. "Bigla-bigla na lang pong nalakas 'yung tibok. T-tapos n-ngayon naman po ay h-habang kausap ko si Doraemon ay bigla na lang umatake. Sobra pong nakakatakot."

"Sino ba ang Doraemon na binabanggit mo?" Tanong ng doctor.

"Kaklase niya 'yon, dok." Anang ni Mommy.

"Ito bang batang ito ay kaaway mo?"

Mabilis akong napailing. "Hindi po! Mabait po si Doraemon! Kinakausap niya po ako kahit bad po siya magsalita."

"Sa tatlong beses na naramdaman mo ito ay katabi mo lagi si Doraemon?"

Tumango ako. "A-ang totoo po ay pang-apat po i-ito. 'Yung pinaka-una po ay sa hallway. D-doon ko po siya unang nakita, t-tapos sinamaan niya po ako ng tingin. Sobrang nakakatakot po kaya siguro lumakas---"

"May gusto ka ba sa batang ito, iho?"

"P-po?"

"I seem to know your son's problem, Mrs. Agnello." Baling niya kay Mommy.

"Po?" Tanong ni Mommy. Nabuntong hiningang nagsulat ng guri-guri si Doc bago muling magsalita.

"Your son has an adrenaline rush, Mrs. Agnello." Tiningnan niya si Mommy sa mata. "The adrenaline rush is a feeling of excitement, stimulation, and enhanced physical ability produced when the body secretes large amounts of adrenaline in response to a sudden perceived or induced stress situation. Adrenaline, also known as epinephrine, is a stress hormone. An adrenaline rush can feel like anxiousness, nervousness, or pure excitement as your body and mind are preparing for an event. Madalas natin itong maramdaman sa tuwing manunuod tayo ng horror movie o 'di kaya ay kapag magcli-cliff jumping tayo. Ang kaso lang sa anak niyo ay sa tuwing nakikita niya o malapit sa kaniya itong si Dorameon." Sabay sulyap niya sa akin. "Wala akong ibang alam na gamot tungkol sa kakaibang sakit ng anak niyo pero isinulat ko dito ang gamot sa mga kagaya niyang nakakaramdam ng adrenaline. Maaring hindi ito gumana pero huwag kayong mag-alala, gagawa ako ng research para dito." Mahabang lintanya niya bago titigan ulit si Mommy.

The Rugged Doraemon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon