Hindi nagsalita si Doraemon. Nanatili siyang nilalaro ang panlis na hawak. "A-alam ko n-na kasalanan ko, Doraemon..."
"Ikaw ba ang sumipa?"
"Dorae---" Nang akma akong lalapit ay hinara niya muli sa harap ko ang kawayan.
"Lumapit ka, uuwi ako." Aniya na ikinahinto ko.
"S-s-sorry..."
"Mga bata! Naisip ni Miss Encomienda na gawin na natin ngayon ang Tree planting doon sa nadaanan niyo kaninang bakanteng lupa. Bibigyan namin kayo ng limang minuto para makapag-ayos!" Natutuwang sigaw ni Sir bago sila mag-usap ni Miss Encomienda.
"Sir, Ten Minutes pa! Mainit-init pa, eh!"
"Oo nga, Sir!" Umingay ang mga kaklase ko.
"Oo, siya! Sige na! Hintayin nating maging handa kayo." Nakangiting turan ni Sir. Natuwa naman kami dahil doon.
"Tss."
Nilingon ko si Doraemon. Napanguso ako nang makita na naman ang galit niyang mukha. "G-gusto mo ng tubig, Doraemon?"
"Gusto ko nang umuwi."
"H-hindi puwede, Doraemon." Pinukaw niya sa akin ang masamang tingin.
"Kasalanan mo! Tsk!"
"M-magkasama pa rin naman tayo, Doraemon. Basta h-huwag mo na lang ulit akong iiwan..."
"Gusto ko ang tanawin, iyon ang dahilan kung bakit ako sumama. Huwag kang asyuming!"
Kinuha ko ang bag sa tabi at umupo ng indian sit. Inilabas ko roon ang dala kong sombrero na may may mukha ni Nobita. Inihaba ko ang brasong inabot iyon sa kaniya.
Kunot ang noong tiningnan niya iyon bago nag-angat sa akin. "N-nang malaman ni Mommy na k-kasama tayo dito ay binili niya tayo ng sombrero p-para daw hindi tayo mababad sa init kapag magtatanim na. Tatlo ito, tingnan mo." Inilabas ko ang dalawa pang sombrero. "Ito si Hidetoshi dekisugi or Ace goody sa English dub. Ito naman ay si Doraemon!" Nakangiti kong pinakita ang magkakatulad na design niyon.
"Ha!" Nasinghal siya ngunit nakita ko ang pag-usli ng maliit niyang ngiti. "Ito 'yung matalino sa Doraemon, 'di ba?" Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at kunin si Hidetoshi. "Ano'ng pangalan niya kapag sa pilipino?" Inosente niyang tanong.
Napaisip ako. "Hindi ko na matandaan, eh. English dub kase ang madalas kong panuorin."
"Heh!" Tinitigan ko ang magandang pag-ngiti ni Doraemon habang pinagmamasdan iyon. "Bakit si Nobita ang ibibigay mo sa'kin?" Taas ang dalawang kilay na tanong niya.
Mukha siyang inosente!
"K-kase sabi ni Mommy iyo raw si Nobita at sa akin si Doraemon, habang si Hidetoshi ay kay Mark." Aniko.
Kinuha niya sa kamay ko ang may pintang Nobita at pinagmasdan iyon. "G-g-gusto mo ba, Doraemon?" Nahihiya kong tanong.
"Hahaha! Oo naman! Napanuod ko na sila at nakilala ko na rin ang iba."
Tug dug.
Tug dug.
Tug dug.
"S-s-sa'yo na 'yan, Doraemon." Nakangiti kong sabi. Nakangiti niya rin akong inangat ang tingin ngunit mabilis din iyong nawala. "B-b-bakit?"
Nagsalubong na naman ang kilay niya na ikinatakot ko. "Hindi ka pa nabababad sa init namumula ka na!?" Napakagat ako sa labing natungo. "Baka mamaya, himatayin ka ay kardo de konsensya ko pa?!"
"H-huh?"
"Tsk!" Hinalungkat na naman niya ang bag ko at kinuha ang bote ng tubig. "Oh! Uminom ka. Kung kaya mong ubusin ay ubusin mo para makasama ka talaga!"
BINABASA MO ANG
The Rugged Doraemon
RomanceUnang pasok pa lamang ni Kister sa bago niyang school ay napahiya na siya. Iyon din ang unang nakilala niya ang kulay asul na babaeng nawiwirduhan siya. Hindi niya malaman kung bakit sa dami ng taong may ayaw sa kaniya ay iyong babaeng iyon ang nag...