Food

48 2 2
                                    

"May limitasyon ang lugar na inyo lamang pupuntahan, kung may makikita kayong pulang tali na nakahaba ay hindi kayo roon lalampas."

"Ang pagkain na makukuha niyo ay siyang magiging tanghalian at hapunan niyo na. Maging matiyaga at masikap sa paghahanap, huwag makipagkompitensya sa kahit na sino man."

"Ngayon ay kailangan niyong bumunot para malaman kung sino ang inyong magiging kagrupo." Hinalo ni Sir Abuel ang mga papel na nasa loob ng bilog na lalagyan.

Nakapila kaming nagkaniya-kaniyang bumunot ng papel. Nang buksan ko ang akin ay lumabas ang number five. Nilingon ko agad ang mga kaklase ko, hinanap ko si Mark na nakatingin na pala sa akin.

"Ano'ng number ka?" Bungad niya sa'kin nang makalapit.

Pinakita ko ang papel. "Five. Ano iyo?"

Malungkot niyang ipinakita ang kaniya. "One." Napanguso ako. "Gusto ko magkagroup tayo!" angal niya.

"Hindi puwede, magkaiba tayo ng number."

"Dayain na lang natin." Mahinang sabi niya.

"A-a-ano!? H-hindi puwede 'yon, Mark. Bad!"

Napaasim si Mark. "Hindi kita mababantayan! Baka mamaya mapaano ka---"

"Ako ang bahala sa kaniya." Nagulat kami ni Mark nang biglang sumulpot sa tabi namin si Doraemon.

"Mas lalo akong nag-alangan!" Sabi ni Mark. "Bakit, ano ba numero mo, ha!?" Taas ang kilay na tanong pa niya.

Nakangising pinakita ni Doraemon ang kaniyang maliit na papel. Nagliwanag ang mukha ko nang makitang pareho kami ng number. Inilapit ko ang papel ko sa kaniya.

"Tulad tayo, Doraemon!!" Masaya kong sabi. "Magkagrupo tayo!" Napapatalon akong lumapit pa sa kaniya

"Oo, Hahahhahha!"

Natigilan kami ni Mark pareho. Nalunok ako nang maging mabagal na naman sa paningin ko si Doraemon, ni ang pagtawa niya ay mabagal kong pinagmasdan.

Tug dug.

Tug dug.

Tug dug.

Napahawak ako sa dibdib nang ang bawat pintig ay talagang rinig na rinig ko sa loob ng tainga. Nakunot ko ang noong kinalma ang sarili ngunit sobrang bilis talaga. Parang gustong lumabas ng puso ko sa dibdib.

"D-dinaya mo lang yata 'yan, eh!"

Nagtataka niyang tiningnan si Mark. "Bakit ko naman kailangan pang dayain ang papel na 'to?"

"Malay ko ba. Baka gusto mo lang masolo si Kiss."

"Kung ang kagaya niyang walang kuwenta ang makakasama ko, baka ubos na ang oras ay wala pa kaming nakukuhang pagkain."

"Oy! Ang sama ng bibig mo!"

"Hindi ako sanay sa lipstik ni Nobita, e."

"Lipstick?"

"Tsk! Bakit ba hindi mo na lang matanggap na 'ako' ang makakasama niyang 'talaga' sa trip na 'to?"

"Pinaplano mo ang lahat! Mapagpanggap ka!"

"Ulol!"

"Ano'ng sabi mo!?" Nihawakan ko si Mark sa braso nang akmang susugudin niya si Doraemon. "Iyan ang makakasama mo, Kiss? Bastos ang bunganga. Palamura at palaaway pa! Tuturuan ka lang niyang maging bad!" Baling niya sa akin.

"P-pero Mark ka-group ko siya..."

"Mag-ipon na ang mga bawat grupo upang makapagsimula na tayo!!" Anang ng guro kaya naging magulo ang mga estudyante.

The Rugged Doraemon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon