Matapos ang simba ay iginala kami ng mga barkada ni Doraemon sa buong lugar na alam nilang magagandahan kami. Hindi naman sila nabigong pahangain kami dahil sobrang sulit ng pamamasyal namin.
"Sobrang ganda ng lugar niyo. Ang dami na nating picture! Sigurado na maraming puputak na marites!"
"Tita, ang cool niyo po talaga!" Sabi ni Yan-Yan, iyong panlalaki ang buhok.
"Oo nga! Ngayon lang kami nagkaroon ng barkadang Mommy na cool!" Sabi naman ni Mica. Nagpakilala sila kay Mommy kaya nalaman ko na ang mga name nila.
"Really? Wow! Barkada niyo na rin ako!? Gosh!!" Nato-touch na inihaba ni Mommy ang kaniyang mga braso at nagyakapan na naman sila. "Mga new babies ko!!"
"Beybi damulag po," komento ni Johnsel.
"Si Reign lang mataba sa atin, no!"
"Hahahahah!"
"Hoy, sobrang cute kaya ng kaibigan niyong ito!" Ipinatong ni Mommy ang kaniyang kamay sa ulo ni Doraemon. "Siya ang girl version ng paboritong manga ng baby ko!"
"Ang DORAEMON!" Sabay-sabay nilang sabi bago magtawanan.
"Tsk!"
"Huwag niyo pong i-bully si Dorae---Rain po."
"Hindi namin siya binubully, anak! 'di ba nga?"
"Oo po!"
"Hahahahaha!"
"Saan ang next natin, hmm?" Nakangiting tanong sa amin ni Mark.
"Langoy tayong malinaw?"
"Sa batis aramin na lang!"
"Tanga, sa latiti na lang at libre!"
"Huh?" Nagtaka kaming tatlo nina Mommy.
"Mga languyan po ang binanggit nila." Anang ni Allaine, siya 'yung mabait na babae.
"Ay! Bet ko iyan kaso may pasok kayo bukas kaya hindi kayo puwedeng mapagod. Siguro sa ibang araw na lang?"
"Seryoso po ba 'yan, Tita?" Paniniguro ni Sandy, iyong matangkad na babae.
"Libre niyo na naman ba uli?" Si John Paul, may pagkababae siya kumilos pero malinis lang talaga siya sa katawan.
"Hoy! Ang kakapal na ng mukha niyo!" Sabi ni Mica. "Inyo po ba entrance at pagkain?" Baling niya kay Mommy na ikinatawa namin.
Binatukan siya ni LJ. "Kala ko naman ay tunay na!" Masama siyang tiningnan ni Mica dahilan upang mabilis na tumakbo ito patago sa malaking katawan ni Doraemon.
"Shield!" Panghara pa niya rito. Busangot lang naman ang mukha ni Doraemon kaya napatigil si Mica.
"Hahahahha! Gusto niyo ba na kumain ulit tayo?"
"Kakakain pa lang natin, Tita!"
"Oo nga po, sasabog na ang tiyan namin, eh!"
"Ikaw ba Doraemon, hindi ka ba talaga kakain?" Kinausap ni Mommy si Doraemon. "Nagtatampo ako sa'yo, hindi mo tinanggap ang inaalok ko." Napanguso si Mommy.
"A-ah, b-busog pa kase talaga 'ho ako. P-pasensya na." Nahihiya si Doraemon.
"Ayos lang, Doraemon. Baka sumakit din ang tiyan mo kapag pinilit mo." Anang ko sa kaniya na ikinatango niya.
Nginitian ko siya ng malaki ngunit sinuklian niya ako ng masamang tingin. Napanguso akong nag-iwas. Akala ko bati na kami.
"Tita, hihintayin niyo po bang magkailaw ang mga iyon bago kayo umalis?" Tinuro ni Jeffrey ang daan kung saan mayroong mga bombilya sa taas.
BINABASA MO ANG
The Rugged Doraemon
RomanceUnang pasok pa lamang ni Kister sa bago niyang school ay napahiya na siya. Iyon din ang unang nakilala niya ang kulay asul na babaeng nawiwirduhan siya. Hindi niya malaman kung bakit sa dami ng taong may ayaw sa kaniya ay iyong babaeng iyon ang nag...