Kidnapped

25 3 0
                                    

MARK KERVIN'S POV

NANG makarating kami sa police station ay agad na ginamot ang sugat ni Kister sa kamay. Pinainom din agad ng tubig sina Tita at ang Nanay ni Angel dahil sa pagtaas ng mga dugo nito.

"U-umupo tayo rito,"

"Dahan-dahan lang, Reign."

Sa kabilang banda ay naroon ang mga taong ngayon ko lamang nakilala, mga kaibigan daw ni Reign. Si Finn na lalaking may katangkaran at kaputian, at si Zhiena na may kagandahan ngunit masyadong madaldal.

Nakatuon sila kay Reign na nakatulala na lang matapos ang mangyari. Hindi pumayag si Kister na hindi niya katabi ito upang pakalmahin. Kaya naman ako ay narito lamang sa isang tabi malapit sa kanila ngunit hindi makapagsalita.

Bumabalik sa akin ang mga panahong hinihiling ko na sana ay mangyari ang kanina kong nakita kay Reign noong araw na kasagsagan ng kaso. Ngunit ngayon na nakita ko iyon ay parang sinaksak ang dibdib ko.

Parang bumalik din sa pandinig ko ang mga sinabi ni Tito tungkol sa nangyari sa kanila ni Reign matapos ang kasong iyon. Kung ganito kang nasaktan sa nangyari noon, sigurado akong hindi ko rin kakayanin makita kang miserable hanggang ngayon.

Ilang beses na kitang nakitang umiyak, humagulgol, magwala... ngunit hindi ang ganito kalala.

Naibaba ko ang ulong doon sinisi ang sarili, kung hindi sana ako naging bulag sa mga pangyayari, hindi sana naging ganito kasakit para sa iyo ang lahat. Lalo na noon na wala kang ibang malapitan na kaibigan dahil lahat ay ikaw ang nilayuan.

Napaluha akong pinunasan agad ang mga mata nang tingnan ko si Reign. Nakatulala siyang nakatingin lang sa kawalan, mababasa sa mga mata niyang luhaan ang sakit ng pagkawala ng kaniyang kaibigan.

"Mark," nakurap ko ang mga mata bago lingunin si Kuya Jordan. "Okay ka lang ba?" Nalunok akong parang bigla ay maiiyak sa tanong lang na iyon.

Pilit akong tumango at ngumiti ngunit hindi ko nagawa ang sumagot. Hinawakan ni Kuya ang braso kong doon ay parang inalo ako. "Kaya mo bang magbigay ng statement...?"

"S-saan?" Lito kong tanong.

"Nasa loob ang mga kaibigan ninyo ni Reign, o sabihin na nating dati niyang kaibigan at ang iba pang mga schoolmate niya para... Idiin siya..."

Salubong ang kilay na hinarap ko nang maayos si Kuya. "Ano'ng ibig mo sabihin, Kuya? Saan naman nila ididiin si Reign!?"

Nabuntong hininga siyang napailing, "Para pa rin patalsikin sa school ninyo, at ganoon na rin sa pagkuha kay Kister---!"

"Pero Kuya, niligtas niya ngayon si Kister? Bumalik sila, oh!" Turo ko sa dalawa na ikinalingon ng mga tao.

"Kailangan din namin ang statement ng biktimang si Kister para mas malaman ang katotohanan."

"Sir, hindi pa nakapagpapahinga ang anak ko. Ipagpaliban na muna natin iyan---!"

"Misis, naiintindihan namin ang pag-aalala ninyo ngunit..."

"Ngunit ano?"

"M-makukulong dito si R-reign hanggat hindi napapatunayan na wala siyang kasalanan---!"

"Sir!" Tumayo ang Kuya ni Khaizer at masamang tiningnan si Kuya Jordan. "Hindi ba baliktad?! Hindi siya puwedeng makulong kung hindi mapapatunayan na may sala siya!?"

"Pasensya na. Ngunit ang baril na nakuha sa kaniya noon ay tumugma sa mga balang nakuha sa katawan ng mga namatay---!"

"Imposibleee!" Nangibabaw ang boses ni Zhiena na ikinakunot namin.

The Rugged Doraemon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon