Hidden Identity

38 3 0
                                    

KISTER'S POV

NAGULAT ako sa sinabing iyon ni Father. Hindi man siya nakatingin sa akin ay nararamdaman ko talaga ang pagtataasan ng maliliit kong balahibo sa katawan. Natatakot ako na baka malaman niya ang totoo.

Sabi ni Doraemon hindi raw puwede malaman ng kahit na sino ang totoong nangyari sa amin sa gubat.

"Kahanga-hanga ang talas ng inyong isipan," nang muli kong lingunin si Doraemon ay natulala ako. Ang mga mata niyang palaging parang antok ay mulat na mulat ngayon.

Malalaki ang matang nakatingin siya kay Father na para bang sila lang dalawa ang nandito. Napanguso akong kaunting dinanggil siya ngunit hindi niya ako nipansin.

"Doraemon," maunti niyang iginilid ang ulong parang pinapakinggan ako. "T-tama na," hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.

"Ngunit sabi mo nga ay tama ang aking asawa,"

"Humahanga pa rin ako sapagkat iyon ang naisip ninyo."

"A-ah, F-father...?" Nilingon niya ako kaya nagbaba agad ako ng ulo. "M-may sasabihin lang po ako sa kaniya k-kaya---" kinuha ko ang pulsuhan ni Doraemon at agad na itinakbo siya papuntang likuran namin.

Nang may kalayuan na kami sa loob ay saka ko siya nitigil. "Doraemon!" Hinarap ko siya na ikinagulat niya. "Bakit mo ba 'yon ginawa? Bakit ka ganoon makipag-usap sa kaniya?!"

"Ano ba dapat ang gawin ko?" Takang tanong niya. "Paano ba siya dapat kausapin?" Parang interesado talagang tanong niya.

"Doraemon..."

Naging malambot ang ekspresyon niya nang tawagin ko siya. Nalunok ako nang lumapit siya sa akin nang sobrang lapit at hawakan ang pisngi ko. Hindi agad ako nakapagsalita.

"Sinabi ko naman sa'yo na huwag mong ibaba ang ulo mo sa harap ng iba," Napaiwas ako ng tingin. "Sinabi ko rin sa'yo na huwag kang magso-sorry kung wala ka namang ginawang kasalanan, nakalimutan mo na ba?"

Nalilito ako sa nikikilos ni Doraemon, lalo na kung paano siya magsalita ngayon. Mas sanay akong galit ang boses niya, na sumisigaw siya, na maunti ang pasensya niya.

Nag-iiba na siya kase siguro iiwan na niya ako...

"Tingnan mo ako." Natakot ako nang bigla ay nag-utos siya. "Kister." Mas ikinabigla ko ang pagtawag niya sa tunay kong pangalan.

"B-bakit?"

"Nakalimutan mo na ba ang lahat?"

"A-ang alin?"

"Lahat ng nangyari? Lahat ng pinangako natin sa isa't-isa? Lahat ng mga aral na binigay nating dalawa? N-nalimutan mo na ba o k-kinalimutan mo na?"

"H-hindi ko alam," nakagat ko ang dila sa loob ng bibig.

"Anong hindi mo alam!?"

"A-ano..."

Napakurap akong umayos ng tayo na ikinaalis ng kamay niya. Naging malikot ang mga mata ko habang tinitingnan siya. Hindi ko na yata kaya ulit pa ang tingnan siya ng deretso sa mga mata.

"A-ah, ito..." Niabot ko sa kaniya ang Jacket niyang nipahiram niya sa akin. "Bagong laundry 'yan, pinaayos ko rin kase may kaunting sira."

Tiningnan niya lang iyon nang matagal. "N-nangangalay ako..." Nakunot ako nang bigla ay kumurap-kurap ang mga mata niya.

Tumingin siya sa gilid bago dumukot sa sariling bulsa. Ilang sandali lang ay nalunok akong makita ang panyo kong hindi niya binalik noon. Naging mabagal ang pag-angat niya roon upang iabot sa akin.

The Rugged Doraemon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon