MARK'S POV
Matapos kaming kausapin ni Sir tungkol sa nangyari kanina ay agad kaming dumiretso sa lutuan kung saan naroon ang lahat ng aming nakuhang pagkain.
Naabutan ko ang mga kagrupo ka na tuwang-tuwang naglilinis ng mga gulay na aming nakuha kanina. Lumapit ako sa kanila at umupo lang. Narinig ko ang mga reklamo ng ibang grupo. Na kesho nilahat daw namin ang pagkain, ni hindi man lang daw nagtira.
"Hindi ba parang unfair sa kanilang lahat kung tayo lang ang kakain?" Tanong ni Shelly.
"Kasalanan ba natin na sa iisang lugar nilagay lahat ng pagkain tapos saktong tayo ang nakakuha?"
"Pero..." Naibaba ni Shelly ang tingin at natigil sa ginagawa. "Wala silang kakainin, habang ito namang pagkain natin ay sobra sa atin..." Turan niya.
Huminga ako nang malalim bago tunghayan sila. "Lahat ng pagkain ay paghahatian natin. Lahat ay kakain. Lahat ay magsasalo-salo. Walang maiiwan at magugutom. Pamilya tayo rito kaya walang makakalamang at walang mahuhuli." Pahayag ko sa kanila.
Nakita ko ang pagngiti ng ibang mga estudyanteng nakarinig sa akin. Nagbulungan sila at tila tuwang-tuwa sa sinabi kong ideya.
"Maganda nga 'yan!" Nakangiting sabi ni Shelly.
"Oo! Pamilya tayo rito kaya dapat lahat pantay!" Anang ni Elaiza.
"Nag bilang anghel ka na naman Kervin, ah!?" Nagtawanan silang lahat nang ang malakas na boses ni Reywell ay nangibabaw.
Ganoon nga ang ginawa namin. Lahat ng pagkain na mayroon kaming lahat ay pinagsama-sama namin at iba-iba ang gagawing ulam. Mayroong nagluluto, nagsasaing, naghuhugas nag-gagayat at kung ano-ano pa.
Napangiti akong naiwas ng tingin kung gaano kasaya ang makita sila. Hindi sinasadyang nahagip ng mata ko ang dalawang guro namin. Naroon sila at malaki ang ngiting tinatanaw kaming lahat. Nang makita nila ako ay lalong lumawak ang ngiting napatango sila sa akin.
Nahihiya akong tumugon ng ngiti. Muli kong nilibot ang paningin at hinanap ang taong gusto kong mahagilap. Binalot agad ng kalungkutan ang buo kong sistema nang hindi siya makita.
Magkasama na naman ba sila?
"Ako ang maghuhugas mamaya, hanapin ko lang muna ang iba nating mga kaklase, ha?" Paalam ko sa kanilang lahat.
"Sus! Hahanapin mo lang naman ay si Kiss mo, eh!"
"Oo nga! Pasimple ka pa!"
"May Doraemon na 'yoon! Wala ka nang pag-asa!"
Nagtawanan sila.
"Hahahaha! Maghanap ka na lang nang iyong shizuka!"
"Nandiyan si Reywell!!"
"Jaleg, pakamatay na lang ako."
Hindi ko na sila pinansin at umalis na. Pumunta ako sa tent at hinanap sila, pumasok ako sa bahay at chineck lahat ngunit wala talaga. Nabuntong-hininga akong lumabas ng bahay nang magkasalubong ko si Gel.
"N-nakita mo ba si---"
"Hammock swing." Hindi pa ako natatapos magsalita ay sumagot na siya.
Pasiring akong tinalikuran siya at dumiretso sa tinuro niya. Naisip kong sa likod na lang dumaan dahil sa init. Doon ay natanaw ko ang dalawang taong nakaupo sa duyan na mahinang umuuga. Lumapit ako sa kanilang likuran at hindi gumawa ng kung anong ingay.
"Doraemon, n-nandito ako. N-nandito na ako p-para sa'yo. I-ipagtabuyan mo man ako ay hindi ako aalis dahil alam ko na kailangan mo ako..." Narinig ko ang sinabing iyon ni Kiss habang nakatingin sila ni Reign sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
The Rugged Doraemon
RomanceUnang pasok pa lamang ni Kister sa bago niyang school ay napahiya na siya. Iyon din ang unang nakilala niya ang kulay asul na babaeng nawiwirduhan siya. Hindi niya malaman kung bakit sa dami ng taong may ayaw sa kaniya ay iyong babaeng iyon ang nag...