Vacation

35 1 0
                                    

NAALIMPUNGATAN ako nang marinig ang kaunting ingay sa labas. Napatayo ako sa takot at nihanap agad si Doraemon pero wala ito ganoon din si Zhiena.

"Doraemon..." Natatakot man ay nisikap kong buksan ang pinto at nisilip ang labas.

"Magandang umaga, Iho." Nalunok akong nilingon ang isang lalaking may kaedaran. "Ipagpaumanhin mo kung ikaw man ay aking nagising," maganda ang ngiting sabi niya kaya tuluyan kong nibuksan ang pinto.

"G-good morning..."

"Nais ko lamang linisin ang likuran na ito, Iho. Pagpasensyahan mo at nakatulog ka rito sa magulo at maduming kuwarto.

"O-okay lang po, h-hindi niyo naman po ako nagising---b-bakit po...?" Nalunok ako nang makita ang pagkagulat niya.

"Akala ko ay hindi ka marunong magsalita ng Tagalog, nakatutuwa dahil mukha kang dayuhan."

"Hala! H-hindi po. Pilipino po ako..."

"Kay ganda mong lalaki, Iho!" Ngiti siyang lumapit sa akin. "Siguro ay ang ingay sa labas ang nakapagpagising sa iyo, "

"A-ah... B-bakit po maingay? M-may nangyari po ba?"

"Ganoon naman talaga kapag piyesta, Iho."

"P-piyesta...?"

"Oo, Iho. Piyesta rito, hindi ba at kaya kayo pumunta rito ay para roon? Iyon ang ika ni Ina."

"I-ina...?"

"...Tila ikaw ay tulog pa ang diwa," tawa nito. "Mas mabuti pa ay lumabas ka upang makita mo ang ganda ng aming hacienda." Akbay niya akong nilabas agad.

Nasilaw ako nang tumama sa mga mata ko ang sikat ng araw. Nang makabawi ay agad akong namangha sa ganda ng mga nakita. Ang malaking lupain na nipalilibutan ng berdeng mga dahon ay parang masayang nisalubong ako.

"A-ang ganda..." Napaangat ako ng tingin sa mga punong may iba't-ibang taas. Doon ay may iba't-iba ring uri ng ibon ang nakadapo at humuhuni.

"Sinabi ko na at magugustuhan mo itong aming hacienda,"

"A-ang ganda po!" Masaya kong sabi na ikinatawa niya.

"Mang Allan, pumarito kayo! Nakakuha 'ho ng malaking bayawak sina Miguel!" Sabay kaming napalingon nang may sumigaw hindi kalayuan sa amin.

"Hahaha! Kita mo nga naman itong mga batang ito, tila ginawa ng trabaho ang panghuhuli."

Nanliit ang nga matang nitanaw ko ang mga batang nisasabi niya. "M-mga anak niyo po ba sila...?" Magalang kong tanong pero nitawanan niya lang ako.

"Iho, kay rami naman niyang mga batang iyan para maging anak ko, lalo na at hindi nalalayo ang mga edad ninyo."

"S-sorry po,"

"Ayos lamang iyan. Halika, ipakikilala kita sa kanila."

"P-po?" Hindi pa ako naghihilamos, nagsisipilyo at nagbibihis ng damit. Nakakahiya.

"Hala, may kasamang lalaki si Mang Allan!"

"Sino kaya iyan?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Rugged Doraemon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon