Savior

29 2 0
                                    

ZEN'S POV

"Oo nga! Papunta na 'ko doon kaya magtigil ka na d'yan baka tadyakan kita, eh!"

"Galit ka na naman,"

"Bossy ka na naman!"

"Gusto ko lang makasiguro na okay siya."

"O, eh, bakit hindi ikaw ang pumunta, aber!?"

"Sige ba, ikaw dito."

"Che!" Mabilis kong ginayak ang lahat ng mga gamit na kakailanganin ko na naman papunta sa hospital para kay Reign. "Ibababa ko na 'to para mas mabilis akong makapunta roon!"

"Sige, tawagan mo ako later, ha?"

"Siya! Siya! Sige na---Ay! Palakang pagong na ina ng kambing!" Nagulat ako nang marinig ang malakas na lagabog sa ibabang bahay.

"Ano 'yon?"

Nalunok ako. "H-hindi ko alam. S-sige na, mamaya na lang---"

"Sandali, baka kung sino iyan. Mag-ingat ka."

"Ako pa?"

"H'wag ka ng magyabang---" agad kong pinatay ang tawag. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa likod ng pinto ng kuwarto ko at pinakinggan ulit ang ingay sa baba.

Pinakiramdaman ko ang buong bahay pero nakunot akong wala namang ibang kakaiba o ibang presensya ng kahit na sino. Kampante akong lumabas sa kuwarto at agad na bumaba para makita iyon.

Hindi ko na ikinagulat ang makita si Reign na humahangos sa paggayak ng mga gamit niya. Nagpanggap akong gulat na gulat na bumaba sa hagdan habang nakatingin sa kaniya.

"Oh my Gosh! R-reign! A-ano'ng ginagawa mo rito!?" Sigaw ko habang sapo ang bibig. "Hindi ka pa magaling! Namumutla ka! Puro pasa ka pa rin---!"

"Kailangan ko ng mga gamit, Zhiena." Natigilan akong pinagkatitigan siya.

"A-ano'ng...?"

"Nawawala si Kister! Kailangan natin siyang mahanap bago magdilim!"

"H-ha? Si-sinong Kister?"

"Iyong lalaking binabanggit ko sa'yo---!"

"Omg! 'yung lalaking nagpatibok ng puso mo!?"

"Ano!?"

"Kister! Siya iyong lalaking sinto-sinto na bakla na tungaw na nagpangalan sa'yo ng---!"

"Oo na! Siya nga! Kaya nga pumunta ako rito para humingi sa'yo ng tulong..." Nagulat akong marinig iyon mismo sa kaniya. "Zen," hirap siyang naglakad palapit sa akin. "Sinabi mo sa akin na kakampi kita," hinawakan niya ang mga braso ko bago tingnan sa mga mata. "Sa pagkakataong ito, gusto kong malaman kung totoo ang sinasabi mo."

Hindi agad ako nakasagot sa sobrang pagkagulat. Ngayon lamang niya ginawa ito sa dami ng taon na naging kaibigan ko siya at pakiramdam ko ay maluluha ako dahil sa wakas ay kinailangan niya rin ang tulong ko.

"B-bakit?" Nalilito niyang tanong sa akin.

Mabilis kong pinahid ang mga luhang nag-uunahan sa pagpatak. "Siyempre naman." Nalunok akong ngumiti sa kaniya. "Tutulungan kita."

Nagliwanag ang putla niyang mukha, napangiti siyang yumakap sa akin na mas ikinagulat ko. Parang bigla ay nakaramdam ako ng pagmamahal na kay tagal kong kinasabikan. Naiiyak akong akmang yayakap nang bigla ay humiwalay na siya.

"Akin na ang selpon mo," naguguluhan man ay mabilis ko iyong ibinigay. "Sige na, kumilos ka na."

"A-ah! O-oo! Sandali!" Mabilis akong muling umakyat sa taas papuntang kuwarto upang kunin ang maaring makatulong sa amin. Isa na roon ang Nano earpiece kung saan maari kong makausap si Reign para sabihin ang lokasyon kung saan siya pupunta.

The Rugged Doraemon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon