Bad News

32 3 1
                                    

NAALIMPUNGATAN ako nang bigla ay may sumampal sa akin nang malakas. Nangiwi akong bumangon at masamang tiningnan si Reign.

"Ano? Ayos ka na?"

"Araaaaaay!" Sumigaw ako mismo sa harapan niya habang hawak ang pisngi. "Ang sama talaga ng ugali mo kahit kailan! Bakit mo ako sinampal!?"

"Tss."

"Wala pang kalahating taon tayo nagkakahiwalay ay ang laki na ng pinagbago mo, ha! Nananampal ka na ng magagandaa!"

"Kung hindi kita sasampalin, hindi ka magigising sa bangungot mo."

Nagulat akong tiningnan siya. "Binabangungot ako?!" Imposible.

"Sigaw ka nang sigaw at parang may inaaway. Alas-singko na, baka kung ano ang isipin nila kung hahayaan kita."

Napalabi akong tinitigan siya. "Sandali, natulog ka ba?" Maga ang mga mata niya at parang pagod na pagod.

"Mamaya na lang ako babawi ng tulog pagtapos ng exam," tumayo siya at binuksan ang kuwarto ng aking pinto. "Pag-usapan din natin mamaya kung sino ang babaeng iyon,"

"S-s-sandali!" Pigil ko sa paglabas niya. "Sinong babae?!" Nagtataka kong tanong.

"Ang Zhai na binabanggit mo,"

Naiwan akong tulalang nakatingin sa puwesto niya. Napakurap ako ng ilang beses upang iklaro ang narinig. Ngunit ilang sandali pa ay makaramdam ako ng pagbaliktad ng sikmura.

"Bleurgh!" Agad akong dumeretso sa banyo at nagsuka. Naalala kong hindi ako kumain ng hapunan bago uminom ng alak.

Pagod na pagod akong natapos sa stage ng pagkakaroon ng hangover. Bumaba ako para magluto ng umagahan ngunit nagulat ako nang maabutan si Reign na nagluluto.

Natawa pa akong makita ang todong pag-iwas niya sa tilamsik ng langis. Nakakagulat dahil ang alam kong alam niyang lamang lutuin ay canton, wala ng iba pa.

"Ang bango naman niyan!" Nakangiti kong pinasadahan ng tingin ang iba pa niyang niluto. "Iba ka talaga, Reign! Ikaw lang ang kilala kong nakapagluluto ng itlog na nagiging itim! Bravo!" Palakpal ko pa. "Nagagawa mong i-change ang color nila!" Sulyap ko pa sa kanin niyang kulay pink. "Kita mo, oh! Penk na penk ang ating kanin." Kalma kong sabi.

Kakamot-kamot naman siyang nilingon ang kanin. "Isinabay ko rin kase 'yung itlog na maalat, h-hindi ko naman alam na kukulay..." Pahinang-pahinang pagdadahilan niya.

"Hindi! Oks lang 'yan! Ganda nga, eh! Next time, puwede blue naman? Peyburit natin color 'yon, 'di ba?"

"Hampas ko kaya sa'yo 'yang takip ng kaldero?" Masama na ang tingin niya kaya naman iniiwas ko na ang paningin at nagpigil na matawa.

Tangina! Pink na kanin! Itim na itlog? Galing talaga niya!

Natigil ako sa pagbungisngis nang makita ang isang bag. "Ano 'yon?" Lumapit ako rito. "Gitara???" Gulat kong tanong. "Nagbili ka ulit? Or Electric Guitar ito?? Ay! Hindi! Bass Guitar?! My Goood! Pustahan maganda 'too!"

Akma ko itong hahawakan nang tampalin niya ang kamay ko. Nakakagulat na ang bilis niyang makarating sa tabi ko. "Ay, ang damot! Para titingnan lang, eh!"

"Hindi sa'kin 'yan."

"Eh, kanino? At'saka saan galing iyan? Kagabi naman ay wala iyan, ah?"

The Rugged Doraemon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon