4:36 a.m., February 24, Manila
'Di ako nakaimik agad. Kahit nanlalamig sa kaba, pilosopo kong bawi, "Kita mo 'ko kasi may mga mata ka." Akmang sisingit ako sa may gilid niya nang humakbang siya patagilid. Lintik! Sa inis, kunot noo ko siyang tinignan. "May problema ba?"
Biglang umarko ang dulo ng labi niya. Makahulugan niyang sagot, "You know what I mean. Back there where you left with somebody else's money..." Binigyang diin pa ang huli.
Nawala ang pagkakakunot ng noo ko dahil sa narinig. Napalunok na lang ako ng laway habang nag-iisip ng sasabihin ko. Pero kahit anong halukay ko sa utak ko, wala akong mapulot. Napaiwas na lang ako ng tingin sabay tanggi, "'Di ko alam 'yang binibintang mo."
Bigla siyang natawa kaya napaangat muli ang tingin ko sa kaniya. "Really?" Nanliit ang mga mata niya na tila sinusuri ako. "Pinaghahanap ka na nga ng mga inisahan mo sa palengke kanina. What would you do if I call the police now?"
Tumaas ang mga balahibo ko't napaawang ang mga labi ko. Para 'kong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa sinabi niya. Hindi 'to pwede! Hindi 'to pwedeng mangyari. Pailing-iling ako habang ang mga mata'y nag-iinit at nagtutubig na. Nag-aalab na rin sa galit at takot ang puso ko. Naikuyom ko ang mga palad ko. Mariin kong sambit sa nanginginig na boses, "Wala kang pruweba sa binibintang mo." Natawa lang siya; sa puntong 'yon, alam kong mahihirapan akong lusutan 'to.
Lintik na 'yan, Kiestalyn. Unang salang, palpak agad! Kusa na lang tumulo ang luha ko. "Kailangan ako ng kapatid ko..." bulong ko sa nagmamakaawang tono, 'di na alintana ang paggamit ng totoong boses. Pero bwelta niya, "Kailangan din ng ninakawan mo ang pera," sabay lahad ng kamay niya sa harap ko.
Garalgal na ang boses ko nang tuloy-tuloy kong ikwento, "Na-dengue 'yong kapatid ko. Wala kaming ibang malapitan. Matagal na kaming iniwan ng tatay namin. At 'yong nanay namin? Sumama na sa syota niya matapos ang lockdown." Malungkot akong natawa. Habang siya, kita kong nag-iba ang emosyon sa mukha. "Please... maawa ka sa 'min."
Napaismid siya't napaiwas ng tingin. Halatang nag-iisip nang malalim. "Sa taas, puntahan natin 'yong kapatid ko," aya ko sa kaniya sabay punas ng luha. Kahit 'di ko pa nakukuha ang sagot niya, dumaan na 'ko sa gilid niya. 'Di naman na niya 'ko hinarangan.
Dumiretso kami sa second floor, sa loob ng unang kwarto. May limang hilerang kama sa tapat namin, tinuro ko ang nasa dulo. "'Yon si Nognog," bulong ko sa kaniya para 'di magising ang mga pasyente. "Kailangan niyang masalinan ng dugo mamaya," malungkot kong balita't muling naiyak. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Dumiretso 'ko sa dulo ng pasilyo't hinayaan ang sarili sa paghikbi.
"Naghanap ka sana ng legal na trabaho," seryoso niyang saad nang lapitan ako. Kunot-noo ko siyang nilingon. Ang umiiyak na mga mata kanina, nanlilisik na ngayon. "Anong akala mo, ito lang ang choice ko? Naghanap ako, mister. Pero dahil maraming negosyo ang nagsara buhat ng pandemya, sa tabi-tabi lang ako natatanggap. Gamot pa lang, kulang na 'yong sweldo."
Umiwas siya ng tingin. Sa mababang boses, suhestiyon niya, "Humingi ka sana ng tulong sa mga organisasyon." Sarkastiko akong natawa. Nanginginig na ang mga labi ko nang isupalpal ko sa kaniya, "Anak ng tokwa! FYI. Ginawa ko, mister. Pero sa hinaba-haba ng proseso, wala 'kong napala dahil panay hanap nila ng ID at dokumentong dagdag gastusin! Eh naghahagilap nga 'ko ng kwarta, 'di ba?" Huminto 'ko sandali para huminga. "Lintik na mga 'yan. Lahat nilapitan ko! Lahat ginawa ko. Pero anong nangyari? Pinandirihan, pinaasa, at pinahirapan lang ako!" Pumiyok na 'ko sa huli.
Nang lingunin niya 'ko, halata sa mga mata niya ang awa at pagkakonsensya.
Tahimik lang kami habang umiiyak na naman ako. Mabilis at mabigat ang bawat hinga ko.
"Sorry... sorry..." basag niya sa katahimikan bago siya napahinga nang malalim. "Ganito na lang. Isipin mo, dahil sa ginawa mo, nilagay mo ang sarili mo sa alanganin. What if you were put at risk? P'ano na ang kapatid mong may sakit? Sa tingin mo, magugustuhan niyang makulong ka? Would he even like to know that the money you used for his medicines came from illegal?"
Napayuko ako sa sakit at kahihiyan. Totoo naman. Sinampal niya lang sa 'kin ang realidad.
"Give me the money and I'll turn it over to the owner. 'Di kita ilalaglag," pag-a-assure niya sa 'kin. Nang wala akong kibo, pagpapakilala niya, "I'm Dust Creus, easy to find."
Ilang minuto kaming natahimik, pinag-iisipan ko nang mabuti ang deal na 'yon. Pero sa huli, binuksan ko ang hawak na supot para kunin ang tatlong libo sa kanang bulsa ng shorts ko. Nagdadalawang-isip pa 'ko n'ong una. Nayupi ko pa nga ang hawak na pera pagkakuyom ng palad ko. Pero, buo na ang loob ko, inabot ko 'yon sa kaniya na ikinaangat ng sulok ng labi niya.
"You know, I am left with my sister. I quit military last month to take care of her. Our father died years ago in a mission, our mother was killed by COVID-19 last month," malungkot niyang kwento kahit nakangiti. Ibinulsa niya na ang pera; nakasunod ang tingin ko r'on.
Mapait akong napangiti. "At least kayo, 'di kayo iniwan by choice," kumento ko na mahina niyang ikinatawa. Mura niya, "Damn COVID-19. Damn wars." Nalasahan ko ang pait sa dila ko pagkarinig n'on. Lintik talagang pandemya, sinong nagsabing blessing ang hayop na 'to? "I'll go now," paalam niya bago siya naglaho sa paningin ko. Pinunasan ko na ang magkabila kong pisngi. Nang matapos, inayos ko ang pagkakahawak sa supot bago kinapa ang bulsa ko.
Kumalabog ang puso ko nang 'di ko makapa ang vaccination ID ko. Nanlalaki na rin ang mga mata ko habang paulit-ulit na kinakapa ang bulsa ko. Pero, wala talaga. Kunot-noo akong naglakad papasok sa kwartong pinuntahan namin ni Dust kanina. Pero kahit anong hanap ko, wala r'on. Mariin akong napapikit. Lintik na Dust 'yon. Sigurado akong siya ang kumuha ng ID ko!
BINABASA MO ANG
Sino ka sa Pandemya?
Short StoryBuhat ng pandemya at mas lumalalang kahirapan, isa si Kiestalyn sa milyon-milyong Pilipino na tinatakbuhan ng oportunidad; bilang kasagutan, tinahak niya ang isang landas na sigurado siyang pagsisisihan niya sa huli- sa sandaling iyon, iba't ibang t...