3:54 a.m., February 24, Manila

15 6 0
                                    

3:54 a.m., February 24, Manila

Step 5: Maghintay ng peak hour.

Napaangat ang tingin ko nang mapansing may ilan ng mamimili sa paligid. Mas umiingay na ngayon dahil sa mga yabag at boses ng samu't saring tao. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko na parang kabayong nakikipagkarera. Pati ang mga palad ko, naikuyom ko na lang. Para kumalma, umiwas ako ng tingin. Mariin kong naipikit ang mga mata ko. Sa ingay ng palengke, tanging tibok na lang ng puso ko ang naririnig ko. I can't move. I can't think clearly.

Lintik. Ba't ba nabaon ko pa 'tong tokwang kaba na 'to?

Huminga ako nang malalim, pinaypayan ang sarili gamit ang mga kamay, tumayo't naglakad-lakad, at kung ano-ano pa ang ginawa ko. After so many years, nakumbinsi ko rin ang sarili na lamunin lahat ng takot at kahihiyan na nadarama, katulad ng paglamon sa 'min ng kahirapan. Napailing ako habang nangingisi. Lintik na COVID-19 na 'yan. Lintik na mga walang pusong tao, dinaig pa ang mga robot. At least ang robot, matalino. Sino ba naman kasing tanga ang nagsabing gusto naming mabuhay para maging alipin ng kahirapan?

Parang bulang naglaho lahat ng emosyon ko. Tanging natitira na lang sa puso ko ay galit at pagkasuklam. Nanlilisik ang mga mata ko nang umupo ako't bumuntong-hininga.

Kaunting hintay na lang, Kiestalyn, peak hour na. Kaunti pa, mairaraos din 'to.

Sino ka sa Pandemya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon