3:43 a.m., February 24, Manila
Step 3: Maghanap ng malapit na masasakyan.
Dahil may target na 'ko, masasakyan na lang ang kailangang i-secure. 'Yong 'di sasablay.
Sa paglalakad ko, may mga nakita akong jeep at tricycle pero 'di 'yon pwede. Baka mapahamak ako r'yan. Who knows? Baka magkakakilala pala sila rito? 'Di ako susugal diyan!
Kaunting lakad pa, naka-spot ako sa 'di kalayuan ng mga habal-habal na nakaparada sa makipot na kalsada. Ilegal. Saka, safe bang sumakay r'yan? 'Yong headlight nila, parang mas mauuna pang sumuko sa 'kin eh. I mentally laughed at myself. Really, Kiestalyn? Naiisip mo pa kung anong legal sa ilegal? Ang safe sa mapanganib?
BINABASA MO ANG
Sino ka sa Pandemya?
Historia CortaBuhat ng pandemya at mas lumalalang kahirapan, isa si Kiestalyn sa milyon-milyong Pilipino na tinatakbuhan ng oportunidad; bilang kasagutan, tinahak niya ang isang landas na sigurado siyang pagsisisihan niya sa huli- sa sandaling iyon, iba't ibang t...