4:11 a.m., February 24, Manila

12 6 0
                                    

4:11 a.m., February 24, Manila

Hanggang nandito ka pa sa palengke, walang magdidiwang, Kiestalyn.

Panay ang lingon ko sa likuran ko habang madaling-madali sa pagtakas. Kahit gusto kong umakto nang normal para 'di pagdudahan ng kahit sino, 'di ko magawa. Ilang hakbang pa, tanaw ko na ang kinalalagyan ng mga habal-habal kanina. Pero ngayon, isa na lang ang nand'on. Buti't may natira pa. Nangingiwi akong napailing. Sakto, paglapit ko, nakangiting tanong sa 'kin ng driver, "Habal-habal, ma'am?" habang sinusuot ang face mask niya.

Tinanguan ko naman siya bilang sagot, nilalabanan ang kaba sa puso ko. Kaunti na lang, makakalayo ka na rito, Kiestalyn. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para banggitin kung s'an ang punta ko nang may biglang nagsalita mula sa likod ko. Sa malalim na boses, tawag niya, "Miss..."

Sino ka sa Pandemya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon