Words of thanks
Hindi naging madali ang paghuhulma ng ideya para sa Sino ka sa Pandemya? at ang pagsusulat na rin nito mismo. Maraming bagay ang kailangang isaalang-alang at maraming mukha ang nais ring maipakita sa akdang ito. Higit sa lahat, limitado lamang ang mga pahinang dapat makonsumo sa pagbubuo nito. Gayunpaman, masasabi ko na lubos-lubos ang aking kagalakan nang matapos ko ang Sino ka sa Pandemya? bilang pangalawang maikling istorya na aking nasulat at natapos ngayong taon.
Noong nagsimula ang pandemya, ano-ano nga ba ang mga pagbabagong kinaharap ng bawat isa sa atin? Ano-anong hirap ang kinailangan nating pagdaanan? At sa panahong ito, sino nga ba tayo sa gitna ng pandemya? Sino ka sa pandemya?
Sigurado ako na hindi magiging madali ang pagbabasa, pag-iintindi, at pagbibigay ng sapat na atensyon para sa istorya, pati na rin sa mga karakter na makikilala sa akdang ito, ngunit anupaman, hangad ko na mayroon kayong mapulot na aral mula rito. Aral na magpapaalala sa atin na maraming Pilipino ang pahirap nang pahirap sa paglipas ng panahon. Aral na nawa ay magdala sa atin sa kagustuhan na makatulong sa mga nangangailangan.
Ngayon pa lang, maraming salamat sa iyo sa pagbabasa. Maraming salamat sa Iyo sa oportunidad na ito na maibahagi ang ganitong sulatin sa publiko. At maraming salamat sa mga taong patuloy akong sinasamahan sa landas na ito, lalo na sa aking kapatid, cyrilvora sa walang sawang pagbibigay ng tulong.
Kaya natin ito!
Yours truly,
MoshieBabes07
BINABASA MO ANG
Sino ka sa Pandemya?
ContoBuhat ng pandemya at mas lumalalang kahirapan, isa si Kiestalyn sa milyon-milyong Pilipino na tinatakbuhan ng oportunidad; bilang kasagutan, tinahak niya ang isang landas na sigurado siyang pagsisisihan niya sa huli- sa sandaling iyon, iba't ibang t...