CHAPTER SEVEN

2 1 0
                                    

I woke up by my alarm at exact 4:30 am. Hindi naman ako ganto kaaga talaga magising pero syempre first day of school e, so excited ako. Ayoko din ma-late, noh. I quickly got up from my bed and then inayos ko 'yon. After that, hinanda ko na yung uniform ko at yung bag kong dadalhin. Kinuha ko iyon mula sa kabinet at saka nilagay sa tabi ng uniform ko.


After that, pumunta na ako sa bathroom para maligo. Mabilisan lang dahil kakain pa ako at papatuyuin ng kaunti ang buhok ko. Nang makapag bihis ay kinuha ko ang blower at itinapat iyon sa buhok ko. Nang medyo matuyo iyon ay kinuha ko ang bag ko at nag spray ng pabango bago bumaba.


Sa hagdan palang, amoy ko na yung niluluto ni Mama na almusal. Nang maramdaman ang presensya ko sa dining area, Mom greeted me good morning and I greet her back.



Nilapag ko ang bag ko sa upuan sa dining area pagkatapos ay umakyat uli para kunin ang phone ko. Sabi ni Celine na optional naman kung gusto mo dalhin ang gadget mo pero may time daw sila ng paggamit nun kaya pinapayagan sila.



Pagkababa ko, tapos na si Mama magluto kaya tinulungan ko nalang siyang maghain.


"Dadating na maya maya yung service. Anong oras ka nag-alarm?"


Pasubo na sana ako ng kanin nang magsalita si Mama. "4:30 po." pagkasagot ko ay tinignan ko ang oras sa phone ko at nakitang 6:30 na.


"Sakto alarm ah. Nakapagpatuyo pa ng buhok eh." sabi ni Mama at hinawak hawakan pa ang buhok ko.

Ngumiti lang ako dito dahil puno ang bibig ko. Nang matapos kumain ay liligpitin ko na sana ang pinagkainan nang tumunog ang door bell. Napabuntong hininga ako kaya napatawa si Mama.


"Ako na diyan, go na."



I kissed her on the cheeks before getting my bag. Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko ang isang black na kotse. Ito yung gamit nila Mama at Tita Anne pag pupunta ng kumpanya.

Binati ko ang driver pagkapasok ko at nakitang nandoon na nga si Celine. Mukang excited na excited pa.



"Ang saya natin ah."



"Aba syempre. Sino ba namang hindi, Ate? First day of school 'to no."




Medyo mainit kaya yung vest lang ang suot namin. Nasa lap namin ang mga coat namin. Nang matapos ilagay nung driver yung mga bitbit kong bag kung saan nakalagay yung mga books ko, umalis na kami papuntang school.


Mabilis lang ang biyahe dahil nga malapit lang ang school doon sa village kung saan kami nakatira. Sa gate, makikita mo ang name ng school at may mga picture pa ng mga estudyante.



"Para saan yung mga pictures?" tanong ko kay Celine nang makababa kami.

Somebody That I Used To KnowWhere stories live. Discover now