Kabanata 2

20 0 0
                                    

Tahimik na naglalakad ang babae habang papunta sa kuwarto ng binatilyong nabangga niya. Gising na ito ngayon at gaya ng sabi ng doktor kanina, hindi ito gaanong napuruhan at walang malalang kondisyon na dapat ikabahala. Ngunit ang pinoproblema ng babae ay kung paano siya magpapaliwanag sa direktor. Hindi niya alam kung anong dapat na sabihin.

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa tuluyan niyang marating ang silid ng lalaki. Kinakabahan siyang kumatok ng dalawang beses bago unti-unting pihitin ang doorknob. Bahagya siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga bago dahan-dahang itinulak ang pintuan papasok.

Tumambad sa harapan niya ang lalaking nakahiga sa hospital bed at may nakasabit pang dextrose sa kamay nito. Hindi rin nakatakas sa paningin niya ang gasa na nakapulupot sa braso nito at ang mangilan-ngilang band aid sa katawan. Wala itong kumot kaya malinaw niyang nakikita ang lahat.

"S-Sorry..." mahinang sabi ng babae habang papalapit sa binatilyo.

Hindi siya nito tinapunan ng tingin at nanatiling nakapako ang atensyon sa bintana. Mas lalong nakokonsensiya ang babae dahil sa nangyari. Pakiramdam niya ay siya lang ang dapat na sisihin sa lahat. Napahamak ang binatilyo dahil sa kapabayaan niya.

"Look, I really didn't want to bump you. Ang bilis ng pangyayari. I lost control, but I'm not drunk. I was shocked when I realized na may nabangga ako. I rushed towards you para tulungan ka. It's my fault," nahihiyang paliwanag niya sa lalaki.

Muli ay hindi pa rin siya nito pinansin. Hindi na alam ng babae ang gagawin at kung ano ang dapat sabihin. Nahihiya siya. Gusto niyang tanungin kung maayos na ba ang pakiramdam nito pero wala siyang karapatan. Kahit pagbaliktarin ang mundo, siya pa rin ang dahilan kung bakit nasa ospital ang lalaki.

"Hindi mo ba ako kayang tingnan? I'm really sorry. I don't know what to do. Paano ba ako makakabawi sa iyo?" nakokonsensiyang tanong niya.

Nilakasan na niya ang loob at unti-unting lumapit sa tabi ng lalaki. Inihanda na niya ang sarili kung sakaling itulak at sigawan siya nito. Walang kapatawaran ang ginawa niya kaya kahit masaktan siya ay ayos lang.

"Do you want some wa-"

HIndi na natapos ng babae ang sasabihin niyang nang pigilan siya ng lalaki. Hindi niya inaasahang magsasalita ito. Ang lamig ng boses nito at hindi niya maiwasang kabahan. Mayado itong malalim. Napakamisteryoso.

"Umalis ka na," malamig na sabi nito.

Tatlong salita lamang ito pero ramdam ng babae na sobra itong nasasaktan. Hindi niya mapigilang makaramdam ng pagkaawa rito. Wala siyang ideya kung anong pinagdaraanan nito at naging gano'n siya.

"B-But you 're not fine. It's my fault kung bakit ka narito. I still have manners pa naman. I will just be here," determinadong sabi ng babae.

Bahagya siyang napangiti nang humarap sa kaniya ang lalaki. Mas lalo niyang nakita nang malapitan ang wangis ng mukha nito. Muntik na malunod ang babae sa nakatatakot na awra ng lalaki nang magtama ang mga mata nila. Hindi niya alam kung anong nangyari pero tila biglang kumirot ang puso niya.

Ang amo ng mukha nito kaya nagtataka siya kung bakit tinatawag itong pulubi sa palengke. Mahaba ang pilik  mata niya at matangos ang ilong. Mamula-mula rin ang manipis na korte ng labi niya. Halos perpekto ang mukha nito na sinamahan pa ng matikas na pangangatawan.

Kaagad na napawi ang ngiti sa labi ng babae nang biglang tumayo ang lalaki. Kinuha nito ang patungan ng dextrose at sinuot ang tsinelas bilang sapin sa paa.

"Wait! Saan ka pupunta?" naguguluhang tanong niya.

Hindi siya pinansin ng lalaki at nagpatuloy ito sa paglalakad palabas ng kuwarto. Mabilis naman siyang sumunod kahit naguguluhan sa nangyayari. Kailangan niyang tiyakin na walang gagawing masama ang lalaki.

When Colour Dies (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon