Tahimik na nakatingin sa kalangitan ang batang Xiara at masayang pinapakiramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Nakahiga siya sa damuhan at masayang naglalaro sa playground.
"Piolo, huwag ka ngang madaya. Kanina mo pa kami inaaway ni Eunice. Sige ka, isusumbong ka namin sa papa niya. Pulis 'yon," pagrereklamo ng batang Xiara sa kalaro.
Sa halip na makaramdam ng takot ay tinawanan lang siya ng kalaro at mas lalong inasar.
"Pulis nga papa niya pero uhugin naman siya. Eunice uhugin. Uhugin! Marami ka ngang laruan, hindi ka naman mahal ng mama at papa mo. Yaya mo nga ang nag-aalaga sa iyo," pang-aasar pa ng lalaki.
Nang dahil sa sinabi nito ay mas lalong lumakas ang pag-iyak ng batang Eunice kaya mabilis siyang pinatahan siya ng batang Xiara. Nasa duty kasi ang papa ni Eunice at architect ang mama niya sa Europe kaya madalas yaya niya ang nakakasama.
"Ayos lang yan, Eunice. Huwag mo na silang pansinin kasi inggit lang sila sa iyo. Love ka kaya ni Tito Robert. Tara na nga sa bahay niyo, doon na lang tayo maglaro," pagyaya ng batang Xiara.
Akmang maglalakad na sila palayo nang biglang batuhin ng lalaki si Eunice gamit ang tsinelas niya. Nang matamaan ito ay mabilis na nagtawanan ang mga kasama ng lalaki kaya muling umiyak ang batang Eunice.
"Sapul ang uhugin! Kawawa naman siya! Buti nga sa iyo. Huwag ka na kasing dadayo sa teritoryo namin," giit pa ng batang lalaki.
Hindi na napigilan ng batang Xiara ang sarili at mabilis na tumakbo papalapit sa lalaki at wala itong pag-aalinlangan na sinipa sa tiyan. Sinampal niya rin ito at dinuraan sa mukha bago tumakbo papalayo at hatakin ang batang Eunice.
...
Walang tigil sa pagluha si Eunice habang pinagmamasdan ang picture frame at inaalala kung paano sila nagkakilala ng kaibigan niya. Limang buwan na rin ang nakalipas pero sariwa pa rin sa isip at puso niya ang lahat. Parang kahapon lang mula noong iwanan siya ni Xiara.
"Bakit naman kasi ang daya mo? Ang sabi mo magkasama tayong lalaban? Sabi mo gagawin mo ang lahat para lang magsama pa tayo nang matagal? But what happened? Why did you just leave me alone?" mahinang hikbi niya habang hinahampas ang mga damo.
Mag-isa siyang nakaupo ngayon sa damuhan at hindi na rin niya alintana pa ang init ng araw na dumadampi sa balat niya. Gusto niyang matutunan na tanggapin na wala na si Xiara at hindi na muling babalik pero hindi niya pa kaya. Hindi niya alam kung saan magsisimula.
"B-Bakit mo ako iniwanan? Hindi ko kaya, Xiara. I've lost you. Wala akong nagawa para mapigilan ang sakit mo. I-I'm sorry. Sorry talaga dahil hindi kita nayakap at naiparamdam sayo kung gaano ako kasaya na nakilala kita. I'm sorry..." muling bulalas niya.
Sa pagkakataong ito ay tuluyan nang naglabasan ang mga luha niya pababa sa kaniyang pisngi. Wala siyang ano mang ideya kung papaano ba mawawala ang libo-libong karayom na nakatusok sa puso niya. Ilang luha na rin ang nailabas niya pero hindi pa rin nababawasan ang sakit.
"Miss na miss na kita. Sino na lang ang magtatanggol sa akin ngayon? Wala nang ibang may lakas ng loob para duraan ang kaaway niya sa mukha. Paano na ako?"
Samantala, pasado alas otso na ng gabi pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis mula sa pagkakaupo sa tulay si Leo. Marami na ang mga nagsasabi na bumaba na siya pero hindi niya ito pinakinggan. Gaya ni Eunice ay hindi niya pa rin magawang tanggapin na wala na si Xiara.
"Akala ko ba simpleng hemotypis lang? Kung alam ko lang na stage four leukemia na 'yan, sana mas nag-ingat ako. Sana hindi na kita pinatakbo. Sana ako na lang 'yung pumunta sa cafeteria para bumili ng pagkain na libre ko sa iyo. Sana hindi na kita pinagod pa," mahinang bulalas ni Leo.
BINABASA MO ANG
When Colour Dies (COMPLETE)
General FictionAng bawat tao ay nararapat na makatanggap ng halaga, pag-unawa at pagmamahal mula sa kaniyang kapuwa. Ano mang estado ng buhay ay dapat na pantay-pantay ang tingin sa lahat. Walang dapat na mas umangat. Pero paano kung hindi siya binibigyan ng pan...