Tahimik na nakarating sina Xiara at Leo sa condo. Kakaunti na lang din ang mga taong dumaraan sa hall way kaya ang tunog ng takong ni Xiara ang naririnig sa paligid habang naglalakad sila.
"Are you really sure about this? P'wede pa naman kitang ihatid sa bahay mo. If you are worried about your car, I will contact my driver and arrange for it to be delivered to your place. Ano sa tingin mo?" nagtatakang tanong ni Leo sa dalaga.
Malapit na sila sa condo unit ng binata kaya hindi maiwasang magdalawang-isip ni Leo tungkol sa gustong mangyari ni Xiara. Wala siyang ideya na baka nabigla lang ito kanina kaya nagdesisyon kaagad na sa unit na lang niya matulog.
"Leo, I'm fine with spending the night at your place. It's pretty late na rin kasi para umuwi pa ako. Why? I don't see any problem with that. Unless you don't want me here. Iyon ba ang dahilan mo?" makahulugang tanong ni Xiara.
Bahagya pa siyang tumigil sa paglalakad para harapin ang lalaki at tingnan nang diretso sa mga mata. Mabilis na umiling si Leo bago hawakan ang likod ng dalaga para itulak papunta sa pintuan ng unit niya.
"If you say so. Tara na dahil medyo malamig dito sa hall way,"paanyaya ng binata.
Kaagad na binuksan ni Leo ang pintuan ng unit niya at magkasama silang pumasok ni Xiara sa loob. Tumambad sa harapan ng dalaga ang malinis at organisadong mga gamit ng binata. Hindi niya inaasahan na ito ang madaratnan niya sa loob ng unit ni Leo.
"Gosh, Leo! The way you keep your house clean isn't something that I know about. Mas maayos pa yata itong unit mo kaysa sa akin. Bibihira na lang ang mga lalaking katulad mo," namamanghang sabi ni Xiara.
Dahan-dahan siyang naglalakad habang tinitingnan ang paligid at hindi niya maiwasang ikumpara ito sa bahay niya. Ang pinaghalong itim at puting pintura sa dingding ay talagang nagpapamangha sa kaniya. Sa isang tingin pa lang ay masasabing lalaki ang nakatira sa bahay na iyon.
"I will get you something to drink. You get to choose what you want. Coffee, or tea, which one? Huwag kang mag-alala dahil libre lang ito. Hindi kita bibigyan ng bill paglabas mo sa unit ko," nagbibirong sabi ni Leo.
Nang makapili si Xiara kung anong gusto niyang inumin ay pinaupo siya ni Leo sofa. Binuksan din nito ang aircon sa sala kaya nagtatakang tumingin sa kaniya ang dalaga.
"Wow, Leo! Pinagmamadali mo akong papasukin dito sa unit mo kanina dahil malamig sa hall way, tapos bubuksan mo ngayon ang aircon? Pero sige, hayaan mo na. 'Yung coffee ko pala, huwag mong masyadong damihan ang sugar. Thanks!" masayang sabi ni XIara.
Tumalikod na si Leo para pumunta sa kusina at ipagtimpla siya ng kape. Hindi rin naman nagtagal at nakabalik ang binata dala ang isang puting tasa ng kape na nakapatong sa maliit na platito.
"Here is your cup of coffee. Be careful, it is hot. Baka mapaso ang dila mo tapos sisihin mo pa ako. I'm just going to take a shower. Ipatong mo na lang sa lababo iyang tasa pagkatapos mong inumin," pagpapaalam ni Leo bago pumasok sa kuwarto niya.
Tahimik na iniinom ni Xiara ang kape at hindi niya maiwasang mapangiti dahil sakto sa panlasa niya ang itinimpla ni Leo. Hindi pa rin siya makapaniwala na may alam sa paglilinis si Leo. Ang buong akala niya noon ay buhay prinsipe ito.
"Marami pa talaga akong hindi alam sa iyo, Leo. You never fail to surprise me. Huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin ko na babalik ang saya sa buhay mo bago ako mawala rito sa mundo. Keep that in mind, mahinang sabi ni Xiara sa sarili.
Mabilis na natapos si Leo at lumabas ito ng kuwarto na nakasuot ng puting sando at makapal na short. May hawak siyang puting tuwalya at toothbrush sa kamay na kaagad naman niyang ibinigay sa dalaga.
"Alam kong nanlalagkit ka na sa pawis. P'wede ka mag-shower sa kuwarto ko. Siya nga pala, may mga oversized shirt ako roon. Kung ayaw mo naman, tatawag ako sa guard para ibili ka ng damit sa department store," mariing giit ni Leo kay Xiara.
Mabilis na umiling si Xiara bago kuhanin ang tuwalya na ibinibigay sa kaniya. "May bag ako sa kotse. Can you get that for me? May extrang damit at garments ako sa loob no'n. Do me a favor, please. Maliligo na ako," nakangiting pakiusap ni Xiara.
Hindi na nagawang makatanggi ni Leo sa pakiusap ni Xiara. Nagsuot siya ng jacket bago lumabasa sa unti at pumunta sa parking lot. Tumayo naman si Xiara sa sofa at kaagad na pumasok sa kuwarto ng binata.
Tahimik na pinagmamasdan ni Xiara ang maayos na kuwarto ni Leo. Hindi niya mapigilang mahiya dahil tila maraming oras si Leo para linisin ang bahay niya. Samantalang siya na babae ay bihira itong magawa sa bahay niya.
"Umayos ka nga, Xiara! Take a bath. Stop comparing your house to Leo's, and stop thinking about other things," mariing giit niya sa sarili.
Pumasok na siya sa loob ng shower room. May nakahandang shampoo at sabon sa gilid kaya hindi na niya kailangang makigamit kay Leo. Naamoy niya rin ang mamahalin sabon ng binata sa loob at muntik na niyang sampalin ang sarili dahil hinawakan niya ang sabon ni Leo.
"Gosh, Xiara! You are out of your mind. Pinagnanasahan mo ba si Leo? No, stop it. Mahiya ka naman," naiinis na bulong niya sa sarili.
Pimigilan niyang mag-isip ng kung ano na may kinalaman kay Leo at nagtagumpay n aman siya hanggang sa tuluyang matapos maligo. Pinunasan niya ang sarili gamit ang tuwalya na ibinigay sa kaniya at pagkatapos ay ginawa itong tapis sa katawan.
Nang makalabas siya sa shower room ay nakita niyang nakapatong sa kama ni Leo ang bag na ipinakuha niya rito. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa pagiging matulungin nito sa kaniya.
"You are very kind, Leo," mahinang sabi niya kahit na wala saloob ang lalaki bago kumuha ng damit sa bag.
Akmang magbibihis na siya nang makita niya ang isang picture frame. Nakapatong ito sa study table ni Leo na siyang katabi lang ng kama niya. Unti-unting nilapitan niya ito at halos mapaawang ang bibig niya nang makita ang larawan.
"Oh my gosh! Totoo ba itong nakikita ko?" hindi makapaniwalang sabi ni Xiara.
Maingat niyang hinawakan ang picture frame at hindi nga siya nagkamali sa iniisip niya. Kapareho ng litratong ito ang nasa pendant ng kuwintas ni Leo. Hindi siya p'wedeng magkamali dahil ito ang nakita niya.
"Posible kaya na ang babaeng ito ang naging dahilan kung bakit puno ng kalungkutan ang buhay ni Leo? Siya ba ang naging puno't dulo ng lahat?" hindi maiwasang itanong ni Xiara sa sarili habang pinagmamasdan ang litrato.
Bahagya pa siyang umupo sa kama habang pinagmamasdan ang picture sa frame. Hindi na niya nalamayan ang pagbukas ng pintuan. Muntikan na niyang mabitawan ang hawak nang marinig ang boses ni Leo.
"Xiara, what took you so long? Kanina pa ako nag—"
Hindi na nito natapos ang sasabihin nang makita siyang hawak ang frame. Nagmamadali itong tumakbo papunta sa kinauupuan niya at mabilis na kinuha ang picture frame.
"Do you know what you are doing? Bakit mo pinapakialaman ang gamit ko? Paano kung masira mo ito? Alam mo ba kung gaano kahalaga ang sa akin ang picture na ito? Be careful, it is hot. This is the last memory I have of my mother," mariing sabi ni Leo matapos kunin ang pag-aari niya.

BINABASA MO ANG
When Colour Dies (COMPLETE)
General FictionAng bawat tao ay nararapat na makatanggap ng halaga, pag-unawa at pagmamahal mula sa kaniyang kapuwa. Ano mang estado ng buhay ay dapat na pantay-pantay ang tingin sa lahat. Walang dapat na mas umangat. Pero paano kung hindi siya binibigyan ng pan...