Makalipas ang isang araw ay kaagad ding pinayagan si Xiara na makauwi sa bahay nila at doon na lang magpahinga. Maayos na ang kondisyon niya at kailangan na lang bumalik sa susunod na linggo para tingnan kung lumalala ba ang sakit niya o unti-unti nang nawawala.
"Everything looks good. Basta kapag may naramdaman kang kakaiba ay tawagan mo lang ako. Nakuha mo na ang number ko, hindi ba? You will always have my time, and please do not think you are bothering me," nakangiting sabi sa kaniya ng direktor.
Ngumiti rin si Xiara pabalik at walang pagdadalawang-isip na niyakap niya ang lalaki. Sobra siyang nagpapasalamat sa mga itinitulong nito sa kaniya. Pakiramdam niya ay espesyal siyang pasyente dahil ang direktor mismo ang nagbabantay at gumagamot sa kondisyon niya.
"I don't really know how to thank you. Sobrang suwerte ko dahil kayo ang naging doktor ko. Huwag kayong mag-alala dahil siguradong hindi na rin kami magtatagal ni Leo. One more date and we'll be back in our own lives," nakangiting sabi ni Xiara bago lumabas ng pinto.
Magkasabay silang naglalakad ng direktor sa hallway ng ospital dahil nagpresinta na ito na ihatid siya hanggang parking lot. Ayaw na sana ni Xiara na gawin ito ng doktor pero sadya ng mapilit ang lalaki kaya hinayaan niya na lang.
"Can I ask you for a favor? Ang totoo kasi niyan, ngayon na rin uuwi si Leo sa condo unit niya. I am worried that something might happen there, considering that he lives alone. P'wede bang huwag muna kayong maghiwalay pagkatapos ng date niyo? I need someone to watch out for Leo, and I trust you," biglaang sabi ng direktor.
Mabilis namang napahinto si Xiara sa paglalakad nang dahil sa narinig niya. Hindi niya alam kung binibiro lang ba siya ng direktor o totoo ang mga sinasabi nito. Wala siyang ano mang ideya kung bakit siya ang pinagkakatiwalaan nito na tumingin sa anak niya.
"D-Did I hear it right? Is that the favor you want me to do for you? Am I right?" hindi makapaniwalang tanong ni Xiara.
Kaagad namang tumango ang direktor na siyang halos ikalaglag ng panga ni Xiara. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang kausap niya. Kahit na minsan ay hindi pumasok sa isipan niya na makasama sa iisang bubong si Leo.
"Huwag kang mag-isip nang kung ano. I'm just hoping if it's possible for you to observe him until 6 p.m. Hindi mo naman kailangang matulog sa condo unit niya. Natatakot kasi ako na baka paglabas niya rito sa ospital ay may gawin na naman siyang ikapapahamak niya," pagpapaliwanag nito kay Xiara.
Muli silang nagpatuloy sa paglalakad pero patuloy na naglalakbay ang isipan ni Xiara. Hindi niya na rin namalayan na nasa parking lot na pala sila. Ang tanging tumatakbo lang sa isip niya ay ang mga posibleng mangyari habang magkasama sila ni Leo.
"I am not pressuring you. Pag-isipan mo lang ang inaalok ko sa iyo. Pareho lang din naman tayo na gusto siyang manatiling ligtas. Be safe on your way home. I will be back in the office," muling dagdag pa ng direktor bago siya iwanan nito.
Pakiramdam ni Xiara ay panandaliang tumigil ang oras. Nanatili siyang nakatayo sa harapan ng kotse niya at walang ano mang ideya sa kung anong susunod na gagawin. Kanina ay maayos ang pakiramdam niya pero nang dahil sa sinabi ng direktor ay para bang nawala siya sa sarili.
"Tatayo ka na lang ba riyan o papasok ka na sa kotse? Ang kupad mo talagang kumilos," biglaang sabi ng isang lalaki kay Xiara na siyang mas ikinagulat niya.
Hindi niya namalayan na unti-unting bumukas ang bintana ng kotse niya at may sumilip na lalaki sa kaniya. Prente itong nakaupo sa driver seat na siyang ikinagulat ni Xiara. Bakas pa sa mukha ng lalaki ang nararamdamang pagkainip.
"W-What are you doing here? Bakit nasa loob ka ng sasakyan ko? P-Paano ka nakapasok sa diyan?" hindi makapaniwalang tanong ni Xiara.
Hindi naman siya sinagot ng lalaki at sa halip ay mabilis itong lumabas sa loob ng sasakyan para puntahan si Xiara. Hindi na niya alintana pa kung nakaawang pa rin ang bibig ng dalaga at bakas sa mukha ang labis na pagkagulat.
BINABASA MO ANG
When Colour Dies (COMPLETE)
Ficción GeneralAng bawat tao ay nararapat na makatanggap ng halaga, pag-unawa at pagmamahal mula sa kaniyang kapuwa. Ano mang estado ng buhay ay dapat na pantay-pantay ang tingin sa lahat. Walang dapat na mas umangat. Pero paano kung hindi siya binibigyan ng pan...