Kabanata 14

4 0 0
                                    

Hindi inaasahan ni Xiara ang biglaang pagtataas ng tono ng boses ni Leo. Mariin niyang tinitigan ang binata at malinaw niyang nakikita na importante para rito ang picture frame na kinuha niya.

"Relax, Leo. I have no intention na sirain ang picture frame na iyan. Tinititigan ko lang kasi pareho ang litrato na nasa pendant ng necklace mo. I am just curious, so I touched the picture frame without your permission," pagpapaliwanag ni Xiara bago tumayo at umalis sa kama. 

Bahagya namang itinakip ni Leo ang dalawang kamay niya sa mukha. Nahihiya siya dahil ganito ang naging pagtrato niya sa dalaga. Alam naman niyang totoo ang sinasabi nito na wala siyang balak sirain ang picture frame.

"I'm sorry. I should not have said that. Sobrang importante lang kasi ng picture na ito. Hindi ko na kakayanin kung pati ito ay mawawala. I was frightened. I am very sorry," paghingi ng tawad ni Leo.

Kinuha naman ni Xiara ang damit na isusuot niya. Tumingin muna siya sa binata bago tuluyang pumasok sa loob ng shower room para magbihis. Sandaling minuto lang ang itinagal niya sa loob at kaagad din siyang lumabas matapos makapagpalit ng damit.

Wala na sa loob ng kuwarto si Leo at nakalagay na ulit sa study table ang picture frame nila ng mama niya. Tumingin muna sa salamin si Xiara at pagkatapos maglagay ng moisturizer at vitamin serum sa mukha ay lumabas na rin siya sa kuwarto ni Leo.

"I ordered pizza in case you were hungry. It will be delivered within fifteen minutes. Maupo ka muna sa sofa habang hinihintay natin. Do you want to watch some movies? P'wede rin tayong manood," pag-aalok ni Leo sa dalaga. 

Hindi naman sumagot si Xiara at sa halip ay tahimik siyang umupo sa kabilang sofa. Nagulat si Leo rito dahil akala niya ay tatabi sa kaniya ang dalaga pero nagkamali siya.

"Do I make you feel uncomfortable because of what happened earlier? Xiara, can we just forget that? I mean, ano bang gusto mong gawin ko? Gusto mo ba na ikuwento ko sa iyo kung anong nangyari at ganoon na lang ang naging reaksyon ko kanina?" nagtatakang tanong ni Leo.

Bahagya namang napatingin si Xiara sa binata nang dahil sa sinabi nito. Nabuhay ang diwa niya dahil interesado rin siyang malaman kung ano ba talagang nangyari kay Leo. Gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit nahihirapan itong maging masaya sa buhay.

"Is that possible for you? I mean, can we talk about that together? Baka naiilang ka na sabihin sa iba ang tungkol sa pinagdaraanan mo. Hindi naman kita pinipilit na magkuwento sa akin," sabi ni Xiara habang nakatingin sa binata.

Bahagyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Leo. Pilit siyang ngumiti sa harapan ng dalaga. Wala pa sana siyang balak na ikuwento sa iba ang mabigat na pinagdaraanan niya pero kailangan niyang subukan ngayon.

"Susubukan ko. I hope you won't judge me after this. Xiara, I trust you," makahulugang sabi ni Leo. 

Ngumiti naman sa kaniya ang dalaga bago lumipat ng upuan para tabihan siya. Wala nang nagawa pa si Leo kung hindi ang simulan ang pagkukuwento sa dalaga. Umaasa siya na pagkatapos nito ay gagaan ang pakiramdam niya. 

"My mom died last year. It was a complete surprise. I remembered us happily celebrating my birthday, but life is extremely cruel. After the happiness, sorrow kills me. I miss my mom. I missed her very much," nalulungkot na sabi ni Leo.

Hindi niya maiwasang maging emosyunal ngayon dahil kahit na isang taon na ang nakalilipas ay para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa ang sugat sa puso niya. Gustuhin man niyang maghilom ito pero hindi niya alam kung anong dapat na gawin.

"Dad was right. Ilang beses ko nang pinagtangkaang patayin ang sarili ko. I see no other reason to live. Si Mom ang buhay ko, at hindi ko pa rin alam ngayon kung paano mabubuhay nang masaya. I was a cheerful young man back then," dagdag pa ni Leo. 

Tahimik na nakikinig si Xiara sa mga sinasabi nito. Gusto niyang intindihin ang pinagdaraanan ng binata. Umaasa siya na kapag nalaman niya ang puno't dulo ng lahat ay magagawa na niyang ibalik ang saya sa buhay ni Leo.

"But you must keep going. Accepting the loss allows you to begin moving forward. You will have to proceed. Your mother will never come back. I understand that this is hard, but you must try it. Leo, I am believing in you," mariing sabi ni Xiara. 

Dahan-dahan niyang tinatapik ang balikat ni Leo. Hindi nakatakas sa dalaga ang unti-unting paghikbi ng binata. Nararamdaman niyang nasasaktan ito nang sobra at ang tangi niya lang magagawa ay damayan ito.

"It's fine. You can cry as much as you want. After this, I will not pass judgment on you. Imagine that I am a stranger. Ito na ang pagkakataon mo na iiyak ang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Nakikinig ako," pagpapakalmang sabi ni Xiara.

Nang dahil dito ay hindi na napigilan ni Leo na umiyak sa balikat ng dalaga. Niyakap niya nang mahigpit si Xiara habang inilalabas ang sakit na ikinikimkim niya. Ito ang pagkakataon na matagal na niyang hinhintay na mangyari. Sa wakas ay may nakikinig na sa kaniya. 

"L-Life  is really unfair. Bakit ang aga nilang kinuha si Mom? P-Paano na ako? Hindi ko kayang mabuhay nang wala siya. Miss na miss ko na siya," nanghihinang sabi ni Leo habang humihikbi. 

Nagpatuloy lang si Xiara sa ginagawang pagpapakalma sa binata. Nang mahimasmasan si Leo ay siya ring pagtunog ng door bell. Kaagad na tumayo si Xiara para kunin ang pizza na binili ng binata.

"Ako na ang kukuha. Hintayin mo ako at itutuloy mo pa ang paglalabas ng sakit na nararamdaman mo. I will help you, no matter what happen,"naniniguradong sabi ni Xiara bago pumunta sa pintuan.

Nakangiti niyang binuksan ang pintuan at laking-gulat niya nang makita ang direktor na naghihintay sa labas. Bakas sa mukha nito ang matinding pagkagulat nang makita si Xiara na nanggaling sa loob ng unit ni Leo. 

"W-What are you doing here? Unit ito ni Leo, hindi ba?" hindi makapaniwalang tanong ng direktor. 

Mabilis na lumabas si Xiara at isinara ang pintuan. Ang buong akala niya ay delivery man  ang sasalubong sa kaniya pero nagkamali siya. Wala siyang ano mang ideya na pupunta ngayon ang tatay ni Leo.

"I am helping Leo. Nagsimula na siyang magkuwento sa akin. This is a good improvement, right? Mas matutulungan ko siyang kapag naikuwento niya sa akin kung anong pinagdaraanan niya sa buhay," pagpapaliwanag ni Xiara. 

Naguguluhan pa rin ang direktor sa nangyayari. Ang buong akala niya ay sasabihan muna siya ng dalaga sa naging desisyon nito. Hindi niya inaasahang maaabutan niya ito sa unit ng anak niya.

"I-Ibig bang sabihin nito ay pumapayag ka na sa gusto kong mangyari? Babantayan mo na si Leo?" nagtatakang tanong nito kay Xiara.

Unti-unti namang tumango ang dalaga na siyang ikinatuwa ng direktor. Sobra siyang nagpapasalamat kay Xiara dahil sa ginagawa nitong pagtulong kay Leo.

"Forget about this. I'm going back to the hospital. Huwag mong sasabihin kay Leo na dumaan ako rito. Continue what you are doing. Aalis na ako, Xiara. Salamat ulit," masayang sabi ng direktor bago tumalikod at umalis. 

Pagkalayo ng tatay ni Leo ay siya ring pagdating ng pizza na binili nila. Nagpakawala na lamang ng malalim na buntong-hininga si Xiara dahil sa naging desisyon niya. Masyado siyang nagulat sa pagdating ng direktor. 

"Gosh, Xiara! Ano ba itong pinasok mo?" naiinis na sabi niya sa sarili bago bumalik sa loob ng unit ni Leo dala ang isang box ng pizza.

When Colour Dies (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon