Kabanata 5

16 1 0
                                    

Kinakabahan si Xiara sa ginawa pero hindi na niya ito maibabalik pa. Pumasok na siya sa loob at nagpakita kay Leo kaya siguradong wala na itong atrasan pa. Alam niyang hahanapin ni Leo ang kuwintas na nakita niya kaya pumunta na kaagad siya sa ospital kinaumagahan. 

"What? You can't speak again? Wow! 'Yan talaga siguro ang sakit mo. You 're helpless," mapang-asar na sabi ni Xiara nang hindi sumagot si Leo sa sinabi niya. 

Alam niyang nagulat ito at maging siya ay hindi rin alam kung saan kinuha ang mga sinasabi niya. Parang may sariling buhay ang bibig niya at wala itong preno sa pagsasalita. 

"If you are not interested with this," muling iniangat ni Xiara ang kuwintas na hawak, "I will leave. No address and cellphone number. Bye-bye," mapang-asar na sabi niya.

Sa sinabing iyon ni Xiara ay doon bumalik ang diwa ni Leo. Kaagad niyang tiningnan ang kuwintas at tama nga ang hinala niya, ang babaeng nasa harapan niya ngayon ang dahilan ng pagkawala nito. Hindi siya nagkamali. At talagang umaayon sa kaniya ang kapalaran dahil ito na mismo ang kusang lumapit. 

"Ibigay mo sa akin 'yan," mariing giit niya. 

Bahagyang tumawa si Xiara sa narinig. Muli niyang mapang-asar na tiningnan sa mata si Leo. Nakipagtitigan siya rito at hindi niya maiwasang matawa sa ikinikilos ng lalaki. Para itong isang bata na ninakawan ng candy. 

"Wow, ang bossy mo naman. Why don't you thank me first for keeping it? What if hindi ko ito nakuha? What will happen, Leo?" makahulugang tanong niya habang pinapasadahan ng tingin si Leo at ang kuwintas na hawak. 

Hindi na napigilang makaramdam ng pagkainis si Leo dahil sa ginagawa ni Xiara. Pinagtitinginan na sila ng mga staff ng ospital at mga pasyente pero tila hindi na ito alintana ng dalawa. Tila may mga sarili silang gustong patunayan sa isa't isa.

"Just give it back to me. Hindi sa iyo 'yan," pangangatuwiran ni Leo. 

Ngumisi nang nakakaloko si Xiara dahil halatang kanina pa nagpipigil ng galit ang lalaking kaharap niya. Gusto niyang matuto itong maghintay at magpasalamat. Madalas kasing tahimik si Leo at hindi marunong rumespeto.

"What if I don't? This isn't special to me anyway, so I can just throw it away without thinking. Sounds good, right? What are you gonna do, Leo?" muling tanong ni Xiara rito.

Hindi na napigilan ni Leo ang sarili at mabilis na lumapit papunta sa kinaroroonan ni Xiara. Naiinis na siya rito. Gusto niya lang naman makuha ang kuwintas pero ang dami pa nitong sinasabi. Pinaglalaruan pa siya.

"Go ahead. I'll make sure na magiging miserable ang buhay mo. Hindi mo ako kilala. Hindi mo gugustuhin makalaban ako," naninindak na sabi si Leo.

Sa halip na makaramdam ng takot ay bahagya pang ngumisi si Xiara. Alam niyang hindi siya nito kayang saktan ngayon dahil maraming taong nakatingin. Wala itong ibang magagawa laban sa kaniya.

"I will give it to you on one condition," diretsong sabi niya.

Bahagyang natigilan si Leo sa narinig. "Ano naman 'yon?" nagtatakang tanong niya.

Unti-unting tumingkayad si Xiara para maabot ang mukha ni Leo. Kaunting distansya na lang ang pagitan ng labi nila at naririnig ni Xiara ang mabibigat na buntong-hininga ng lalaki. Saglit niyang pinasadahan ng tingin ang mukha nito bago lumihis at bumulong sa tainga ni Leo.

"Date me," maikli ngunit mariing giit ni Xiara.

Mabilis na napaatras si Leo dahil sa narinig. Hindi niya ito inaasahan. Pakiramdam niya ay muling bumilis ang pagtibok ng puso niya. Matagal na noong huli niya itong maramdaman kaya hindi agad siya nakasagot.

When Colour Dies (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon