Philippines
Nandito kami ngayon sa arrival Area naghihintay sa sundo namin. Sa wakas nasa pilipinas na ulit ako, hindi ko man alam kung bakit biglaang nagyaya na umuwi pero masaya parin ako kasi naka-uwi na pero paano si Clyde hindi ako nakapagpaalam. Sana ayos lang 'yong emergency niya kanina para siyang problemado eh.
"What are you thinking?" Aniya habang tinitipa ang cellphone niya. "Shit!"
Mura niya dahil walang ni Isang sumagot."Wala." Lumilinga linga ako sa paligid para maghanap ng pagkain na pwede kong kainin kasi nagugutom ako.
"Doon lang ako bibili ng pagkain, nagugutom ako." Turo ko sa labas.
Kumunot ang noo niya pero hindi na niya ako pinansin so ibig sabihin pumayag siyang umalis muna ako. May nahanap akong nagbebenta ng puto bebengka at mainip na pampares.
"Salamat po." Sabi ko sa magtitinda. Bumalik ako sa pwesto ni Zelvex tuloy parin siya sa pagtitipa ng cellphone niya kaya hindi niya ako napansin.
Wala talagang tatalo sa sarap ng pagkaing Pinoy. Naalala ko noon ito din 'yong madalas kinakain namin nila mama at papa. Na miss ko tuloy sila, hindi bali baka sa susunod o makalawa makakadalaw ulit ako sa kanila.
"What are you eating?" Umupo siya katabi ko.
"Puro bebengka gusto mo?" Naglahad ako sa kanya pero umiling siya. "Wala pa sila?"
Nagkibit balikat siya."I don't know hindi kona sila macontact but I already call my driver to fetch us, We'll go after you eat." Aniya sabay ulit tingin sa pagkain ko.
"Ayaw mo talaga?" Tumango siya. "Teka bakit bigla kang nagyaya na umuwi dito sa pinas eh pwede namang bukas nalang tignan mo ginabi tuloy tayo."
"Tsss!" 'yan lang ang sabi niya kahit kailan talaga ang isang 'to.
May dumating na puting van agad na tumayo si Zelvex para salubungin 'yon. Kinarga ng driver ang mga bagahe namin. Nauna akong sumakay makalipas ang ilang minuto sumunod naman siya.
"Inaantok ka?" Tanong ko sa kanya pumipikit pikit kasi siya at nakakunot ang noo halatang pinipigilan ang antok.
Siniko ko siya kaya napadaing siya bago ako nilingon. Sinamaan niya ako ng tingin.
"What is your problem?""Tinatanong kita kung inaantok kaba pero hindi ka sumagot." Masungit na sabi ko.
"Then? Isn't obvious?" Malditong sabi niya.
"Pwede mo namang sagutin ng maayos at sabihing oo, Two vowel at letters lang ang kailangang isagot hindi mo pa magawa." Nakipagtitigan ako sa kanya.
"Tsss! Huwag mo akong pangaralan." Binalik niya ang tingin sa labas.
Sana sa front seat siya umupo o hindi kaya ako. Hindi ko talaga mabasa ang isang 'to kung ano-ano pumapasok sa utak.
Pagkarating namin sa mansion walang Ilaw na nakabukas pero nakabukas ang gate."Nandito ba sila?" Tanong ko.
"Bakit sa'kin mo tinatanong I didn't know alam mo namang magkasama tayo, tsss!" Pamimilosopo niya. Imbes na patulan siya tumahimik nalang ako.
BINABASA MO ANG
Unexpected Wedding
Lãng mạnPareho tayong sawi sa araw na 'yon pero gumawa si Tadhana ng paraan para magkatagpo ang landas nating dalawa kaya tayo ngayon ay naging masaya.