TWELVE

188 6 0
                                    

Yva's Day




Akala ko noong sinabi niyang dito kana matulog ay tabi na kami. Assuming ko, dito niya ako pinatulog kasi aalis din pala siya may I me-meet daw Iwan ko kung sino.
Bakit koba sinasabi ang mga 'to? Hindi ko alam kung anong Oras siyang naka-uwi kagabi pero paggising ko nandoon siya sa desk nakatulog kaharap ang laptop.

Kinumutan ko nalang siya halatang pagod na pagod. Napansin ko rin ang pamumula ng ilong niya, hindi ko mawari kung umiyak ba 'to galing. Obvious na obvious kasi nga amputi niya.

May biglang kumatok kaya pinagbuksan ko.
Nasa labas si Tita, Inaantok pa ang hitsura pero pilit niyang nilalabanan. Alas singko pa kasi ng madaling araw. May dala din siyang confetti.

"Si zelvex?" Tanong niya. Bigla siyang humikab kaya nahawa rin ako.

"Tulog pa po." Bumungis ngis siya bigla.

"Mali po kayo ng iniisip."

"Ani ba iniisip ko?" Hagikhik niya. "Hindi naman nagagalit kapag ginigising 'yan. Gisingin mo at sabihin na nasa labas kami ng kwarto ni Yva." Tumango ako.

Sinara ko ang pinto pagka alis niya. Bumalik ako sa loob. Niyugyog ko ng dahan dahan si Zelvex para magising. Dahan dahan niyang minulat ang kanyang mata.

Kumunot ang noo niya. "What?"

"Pinapagising ka ni Tita, nandoon na daw sila sa labas ng kwarto ni Yva." Kinusot ko ang mata ko, baka may muta nakakahiya sa kanya.

"Okay, Manghihilamos lang ako." Aniya bago pumasok sa Banyo. Ngayon noo ko na naman ang kumunot.

Bakit ang gaan ng aura niya ngayon. Tapos hindi man lang siya nagalit na dito siya nakatulog habang ako nasa malambot niyang kama. Bumukas ang pinto ng banyo kaya napalingon ako.

Pinupunasan niya ang kanyang mukha ng twalya. Isinabit niya 'yon pagkatapos.

"Let's go." Sumunod ako sa kanya.

Ang tangkad naman niya. Kung didikit ako sa kanya seguro balikat lang niya ako. Tama lang ang katawan niya. Ang ganda ng Biceps at hips. 'yong ano kaya?
Bigla siyang huminto kaya bunggo ako.

"Narinig kitang umongol, what are you thinking?" Nanlaki ang dalawang mata ko.

Anong ungol ba ang sinasabi nito. Putcha! Alam ba nito ang iniisip ko?

"H-huh?"

"Still sleepy? Narinig kitang humikab." Agad agad akong Umiling. 'yon lang pala akala ko pa naman kung anong ungol 'yon.

"Baka Ikaw inaantok pa?" Umiling din siya.

What's up with him? Bakit ang gaan gaan ng aura niya hindi mabigat. Ano kayang nangyari kagabi?

"Ready? Nasa akin na ang key. Cassandra Ikaw na magpaputok nito." Tinohol niya sa'kin ang confetti marahan akong Umiling.

"Takot po ako sa mga nakakagulat. Si Zelvex nalang po." Hindi siya nagsalita tinignan niya lang ang confetti pero kinuha din naman niya.

Takot ako sa mga paputok, balloons mga ganyan. Hindi ko rin alam noong new year nga kahit malaki na ako ang loka loka na si Zian biglang nagpaputok, namutla ako noon kaya labis ang pagaalala ni Reighn. Kinabukasan dinapuan ako lagnat.

Tinakpan ko ang dalawang Tainga ko. Para hindi masyadong marinig ang putok. Ang buang buang na si Zelvex nilapit sa mukha ni Yva ang confetti saka pinaputok.

Ang epic ng reaksyon ni Yva. Naging gising na gising. Napatalon pa siya kanina, naalimpungawan.

"Jusmeyo, Kuya papatayin mo ba ako?" Hinawakan niya ang dibdib niya saka hingal na hingal. "Pwede namang gisingin nalang ako kaysa paputokan." Reklamo niya.

Unexpected WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon