TWENTY NINE

210 12 0
                                    

After ng proposal niya niyaya niya akong magdate. Pighandaan pala niya nagpareserve na siya isang mamahaling restaurant. Nakakahiya ang ayos ko para akong manang.

Sobrang natuwa naman si Kael. Sabi niya pa siya ang ring barrier. Ganoon din si Yva gusto niyang maging bridesmaid kasi baka may importanteng tao ang nakareserve na maging maid of honor. Mukhang wala naman, si Zian at Reighn lang naman ang matalig kung kaibigan.

"Hello Yva. Is mommy already arrived?"

(Not yet kuya)

"Okay we're coming."

Papunta kami ngayon sa airport. Uuwi na kasi sila Tita tapos na business trip nila at vacation. Medyo matagal rin, na mi-miss ko na. Kapag nagka-usap ulit kami nagpapasalamat ako ng sobra sa kanya. Naaalala ko pa 'yung sinabi niya noon na hindi ko pagsisisihan ang gusot na pinasok ko sa halip magiging maligaya pa ako at pasasalamatan siya.

"Saan tayo pupunta ma?"

Kandong ko si Kael. Nakalimutan ko hindi niya pa pala Kilala si Tita at Tito. Bumaling ako kay Zelvex para siya na ang magpaliwanag. Hindi rin alam nila Tita ang pag-pro-prose ni Zelvex sakin. Balak sana naming i-surprise ngayon.

"We're going to your Lola and Lolo."

"Matatanggap po kaya nila ako? Ampo-"

"Don't say that." Sumulyap ulit si Zelvex sakin. "Of course they will accept you, you're my son. Right?"

"Kael mabait si Tita at Tito."

Tumango siya. Nakita namin si Yva sa Arrival Area. Dalawang minuto nalang daw lalapag na ang eroplano.

"Hi kuya!" Bati niya kay Zelvex. "Hi Cass!" Ngumiti siya kahit hindi niya sabihin alam kong may problema 'to. Ang tamlay kasi ng mukha.

"Matamlay ka 'ata Yva 'diba dapat masaya ka?"

"Wala 'to, malayo to sa bituka." Tumawa siya ng mahina.

In-anunsyo na lumapag na ang eroplano kaya inabangan namin sila Tita. Agad naman namin silang nakita.

"Mommy!"

Yumakap kaagad si Yva kay Tita ganoon din kay tito. Si Zelvex naman hinalikan lang niya sa pisnge ang nanay niya tsaka nakipaghigh five sa daddy niya.

"Is this Kael?" Tanong ni Tita.

Tumango si Zelvex.

"My apo ang cute mo." Niyakap ni Tita si Kael at hinalikan sa tungki ng ulo.
"Sorry I wasn't there that time na they announced that you're part of our family. Anyways welcome Kael."

"Salamat po."

"Where are your luggage mom? Kukunin ko na para we can go home na." Tanong ni Zelvex sa Ina. Natigilan si Tita na para bang may nakalimutang sabihin.

"May nagbibit na." Nagpakawala siya ng isang buntong hininga. "I-Irish is with us."

Nahagilap ng mata ko si Kuya. Nagkatinginan kami. Miss na miss ko na talaga siya. Mas nagmatured pa siya ngayon.

"And?" Bumigat bigla ang aura ni Zelvex.
Lumapit siya sa'kin at hinawakan ng maghigpit ang kamay ko.

"She wants to talk to you." Simpleng sagot niya.

"Mom? The hell? Alam no naman kung ano ang ginawa niya kay kuya. She gives a damn scandal." Sabat ni Yva.

"Cass!" Mahinang tawag ni kuya pero pabulong. Tumuon ang atensyon ko sa kanya. Sa gilid niya nandoon ang babaeng nagngangalang Irish. Pero ang ipinagtaka ko bakit kasama nila si Kuya?

"CALM DOWN!" Lahat ata napaigtad sa boses ni Tito. Nagkakasagutan na kasi sila Tita at Zelvex.

Ang higpit ng hawak ni Zelvex sa kamay ko. Nahihirapan akong huminga. Naiisip ko na gusto makipag-usap ni Irish ka Zelvex, magkaka-ayos naba sila? Tsaka kanina hindi man lang ako pinansin ni Tita. Magbabalik naba si Irish sa buhay nila.

Unexpected WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon