TWENTY ONE

215 17 1
                                    

Jeremiah between Zelvex



Maaga kaming nagising kanina kaya maaga kaming nakaalis ng bahay. Hindi daw siya papasok sa tarbaho ngayon kasi sasama siya sa'kin magturo. Hindi ko alam kung ano ang trip niya sa buhay. Sabi pa niya,

"No one can demand me I'm the owner of the company."

Kung makapagsalita parang ang buong mundo ang inangkin. Tsaka ipimana lang din naman sa kanya tumulong lang siyang magpalago.

"Hindi pa kayo papasok?"

Tinaasan ko sila ng kilay. Imbes na sumunod sa'kin lumihis sila ng daan.
Buhay ni Zelvex si Kael hindi pa naman ganoon ka bigat ang baby ko.

"May bibilhin lang daw kami ma." Nakangiting sabi ni Kael.

"Hmm," Bumaling ako kay Zelvex. "Alam kong mapera ka pero sana naman huwag mo siyang i-spoiled."

"Of course I won't." Ngumiti siya kaya nakampante ako. Ngumiti nalang din ako.

Ayaw ko kasing lumaki si Kael na spoiled. Kailangan niya matutunan na hindi lahat ng bagay madaling makuha. Ako na ang ina-inahan niya kaya tuturuan ko siya at gagabayan.

Tinignan ko silang naglakad papalayo sa'kin. Pumasok sila sa Seven Eleven. Nagkibit balikat nalang ako bago pumasok sa gate. Bumati ako sa SG.

Nakasalubong ko si Jeremiah. Hindi niya seguro ako napansin kasi abala siya sa pagtitipa ng cellphone niya. Akala ko ba temporary leave muna siya kasi susunduin niya pinsan niya

"Je!" Tawag ko sa kanya. Bahayag pa siyang nagulat pero ngumiti rin naman agad.

Singkit talaga 'tong si Jeremiah kapag ngumingiti. Dumagdag pa ang kompleto at mapuputi niyang ngipin.

"Cass!" Humakbang siya papalapit sa'kin.

Magkasalungat 'yong pupuntahan namin kanina kaya lang nakita niya ako kaya sumabay siya sa direksyon kung saan ako pupunta.

"Magaling kana ba?" Nag-aalalang tanong niya.

Napakagat ako sa labi. Naalala ko ang bastos na si Zelvex tinakwil si Jeremiah noong dumalaa siya. Paano ko haharapin ang kahihiyang dulot ng gago.

"O-oo hindi naman ganoon ka lala ang lagnat ko. N-na binat lang." Nag-aalangan akong ngumiti.

"Sa susunod kumain kana kasi sa tamang oras. Huwag kang magpapagutom at higut sa lahat huwag magpagod ng sobra Ma'am. Wolkz." Nasinghap ako.

Tumingin ako sa kanya.

"Sorry nga pala sa ginawa ni Zelvex sayo." Mahinang sabi ko saka tumitig sa sahig na nadadaanan namin.

Kumunot ang noo niya. "Ginawa?" Huminto kami sa paglalakad. Binabati kami ng nga studyanteng nakasalubong namin.

Tumango ako. "Ano ba 'yon?" Nag-isip, inalala kung ano ba ang ginawa ni Zelvex.

Pinaglaruan ko ang kuko ko. Ganoon kasi talaga ako kapag nahihiya. Kinakagat ko ang labi ko or nilalaro ko ang kuko ko.

"Hinatid mo si Kael 'diba? Tapos," Sinalubong ko ang tingin niya. "Hindi ka pinapasok ni Zelvex."

"Ahhh? 'yon ba?" Tumango ako. Kaya natawa siya. Kinamot niya ang batok niya.
" Ayos lang 'yon hindi ko naman dinibdib at least now you're okay." Ngumiti siya.

" Ahh ehh”

"Kahit sino naman kapag ganoon magseselos. Naintindihan ko si Zelvex, you know minsan narin akong na inlove." Mas lalong lumaki ang ngisi niya.

Unexpected WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon