CHAPTER 05

30K 1K 75
                                    


#pengengMarcusatSamuel

Grabe ang kaba ko ng makita kong magdatingan ang mga kaibigan ni Aries sa condo unit bandang hapon. Limang lalaki ang lahat na ito, agad akong pumasok sa loob ng kuwarto at nag-lock dito. Ginawa na nila Aries na pot session ang condo kaya yun ang kinakatakot ko, iba pa naman ang nagiging ugali ng tao kapag naka drugs na. Aries might hurt me again as always, baka isang araw maging manhid na ang katawan ko sa lahat ng pananakit nito. I sit down on the bed, I need to think how I will escape from him. Baka mamaya puwede akong makatakas kapag lasing na ang mga ito, dahil panigurado mag-iinuman na naman sina Aries. Dumako ang tingin ko sa daliri ko na nakabalot ng panyo, ang gago inipit ni Aries ang kamay ko sa pinto noong isang araw na magbalak akong tumakas at makita niya ako sa pintuan.




Mag aalas sais na ng gabi, ano na kayang ginagawa nila sa labas? Kinuha ko ang di keypad ko na cellphone na nakalagay sa aking damitan, doon ko talaga ito tinago dahil sa takot na baka ito ay makita at kunin ni Aries sa akin. Iba ang pakiramdam ko ngayon lalo pa puro lalaki ang narito, magpatulong na kaya ako kay Gael? Agad kong kinuha ang calling card na binigay niya sa akin bago ako umalis sa bahay niya. Isang buwan na ang lumipas simula ng umalis ako sa hacienda niya at isang buwan na din na halos araw-araw ako kung bugbugin ni Aries. Mabilis akong nag-tipa ng mensahe sa cellphone, hindi ako sigurado kung naaalala niya pa ba ako o ano basta susubukan ko siyang padalhan ng text message.


Hi Gael, Sorry kung ngayon lang ako nakapag text sayo, kamusta ka na? Sana okay lang. Baka huling text ko na din pala ito, hindi ako makalabas ng bahay. -Isla



Pero mabilis kong pinatay ang telepono at binalik sa cabinet ko ng makarinig ako ng katok mula sa pinto.


"A-Aries.." akma kong isasara ang pintuan ng makita ko si Aries doon pero mabilis niya akong nahawakan sa kamay.


"Halika dito Isla, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." Ani Aries na amoy alak na.


"A-ayoko, dito lang ako sa kuwarto." Sabi ko naman, tama nga ako lasing na ito at mukhang naka-drugs na naman.

"Hindi puwede!" Malakas na sigaw ni Aries kay Isla at sinampal agad ito. "Ayaw mo magpagamit sa akin hindi ba? Puwes ipapagamit na lang kita sa mga kaibigan ko at manonood na lang ako." Nakangising sabi ni Aries at tsaka hinila si Isla palabas ng kuwarto.



Ngaling-ngaling ihagis ni Gael ang hawak na cellphone ng hindi niyamatawagan si Isla matapos mabasa ang message nito sa kanya, he recieved a text message from her and it feels like she's saying goodbyes on him. May masama kayang nangyari dito? Nasaan kaya siya? "Ugghhh! Tangina!" Napatayo na si Gael sa kama, then he dialed Marcus number, masama ang kutob niya at parang may mangyayaring masama kay Isla ngayon. So he did what on his mind.



Ang nanghihina at walang kalaban-laban na si Isla ang nasa harapan ng anim na kalalakihan na nagtatawanan at nag-iinuman. Nanlalabo na din ang kanyang paningin, matapos siyang kaladkarin ni Aries palabas ng kuwarto ay sinikmuraan naman siya nito. May kung anong tinurok din sa kanya ang isang lalaki na kaibigan ni Aries na sa tingin niya ay drugs. Pero bago pa siya mawalan ng malay matapos ulit suntukin ni Aries ang kanyang tiyan ay ang malakas na pagbukas ng pinto ang narinig niya. Then everything went black on Isla.



Agad pinaputukan ni Marcus ang mga lalaking naabutan nila sa sala. Agad niya itong nabilang at anim na kalalakihan ang nakita nila. "Kunin mo si Isla Samuel!" Ani niya sa kaibigan na mabilis na pinukpok ang isang lalaki na lumapit dito.



Mabilis na nilapitan ni Samuel ang babaeng nakahandusay sa sahig, ito nga si Isla dahil tanda niya pa ang itsura nito sa papel na pinabasa sa kanila ni Gael noong nasa hacienda sila ng mga ito. Dali-daling hinubad niya ang suot na jacket ng makitang halos hubad na ang babae. Damn it! Hindi naman siguro siya na-rape ng mga lalaking ito!



M.A series #05 Gael Hidalgo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon