CHAPTER 13

38.9K 962 72
                                    



daisySombillo thank you sa pakape! Sana all😅🤗



Nasa kanyang planta si Gael ng makatanggap ng tawag mula kay Isla na agad naman niyang sinagot. Hinapon na siya dito sa pag-iimpeksyon ng mga sunod na batch ng produktong pang export nila. Personal niya kaseng tinitingnan talaga ang mga ito lalo pa at first class product ang pinoproduce nila.
"Hey.." bati niya dito.

"H-hi! Hmmnn.. pauwi ka na?" Tanong agad ni Isla na hindi mapakali sa loob kuwarto.


"Mamaya pa kaunti, bakit? Nandiyan na naman ba ang mga peke mong kuya? Wag mo silang papasukin diyan sa bahay." Tanong ni Gael sa kabilang linya, oo peke ang tawag niya sa tatlong kaibigan na walang ginawa kung hindi tumawag o magtext kay Isla nitong mga nakaraang araw na kinakainis niya. Masyadong pinandigan ng mga ito ang pagiging kuya kay Isla na halos araw-araw ay sige ang padala ng kung anu-ano sa bahay niya para kay Isla lalo na si Marcus na may pa-package na naman noong isang araw.

"Hindi wala sila kuya Marcus dito, kase ano.." nahihiya ang boses na sabi ni Isla. "Hmmnn.. kase walang tindahan dito diba tapos malayo? Nagkaroon kase ako ngayon, alam mo na kailangan ko ng ano.." Napakagat na lang ng labi si Isla dahil nahihiya siyang sabihin kay Gael na kailangan niya ng napkin. Nagkaroon kase siya ngayon ng monthly period at sakto naman na day off ng dalawang kasambahay ni Gael kaya wala siyang mapakisuyuan.

"Huh? Kailangan mo ng ano?"
Takang tanong ni Gael na hindi maintindihan ang sinabi ni Isla.

"K-kailangan ko ng napkin." Mahinang sabi ko, nakakahiya! Si Gael pa talaga ang uutusan ko.

"Oooohh..." Patango-tango na sabi ni Gaelm "Napkin? As in yung ginagamit down there?"


"Oo, yun nga, basta with wings ang bilhin mo ah. Salamat!"

"Sige sige dadaan na lang ako ng bayan para mabili yung kailangan mo." Paalam ni Gael bago pinutol ang tawag.


Sa isang supermarket sa bayan ng Estrella dumiretso si Gael pagkagaling niya sa kanyang planta, binilinan niya na lang ang kanyang sekretarya doon. Alanganin niyang tiningnan ang mga nakalagay sa estante sa kanyang harapan. Bakit iba-iba ang pangalan? Kinuha niya ulit ang cellphone sa bulsa para tawagan sana si Isla at tanungin ito pero un-attended na ang number. She always forget to charge her phone, tsk. Hinanap niya ang number ni Sienna sa kanyang contacts ito na lang ang tatanungin niya pero nagriring lang ang cellphone nito. Hayyyss naghaharutan na naman siguro sila ng pinsan ko. Kaya ang tinawagan niya na ay si Eros.

"Ano na naman? Lagi ka talagang abala." Bungad ni Eros ng sagutin ang tawag ng pinsan niyang si Gael. Nandito sila ngayong buong pamilya sa resort niya.

"Tinatawagan ko si Sienna pero hindi niya sinasagot ang tawag ko, may itatanong kase ako." Balewalang sagot ni Gael, ganito sila mag-usap na dalawa sa telepono walang hi o hello.

"Tinatawagan mo ang asawa ko? Alam mo bang masama yan? Masama ang tumatawag sa may asawa ng may asawa!"
Singhal ni Eros sa pinsan.



"Siraulo ka ba? Kaya nga tinakasan eh. May itatanong ako kaya nasaan nga si Sienna? Sabihin mo na lang sagutin yung tawag ko."
Sabi ni Gael, umatake na naman kase pagiging seloso ni Eros.


"Hindi sasagutin ng asawa ko ang tawag mo lalo na at kasama niya ngayon ang pogi niyang asawa." Sabi pa ni Eros na nakatingin kay Sienna habang karga-karga nito ang anak nilang si Miracle.


"Nagmayabang ka na naman, pakausap na kase." Naiinis ng sabi ni Gael.


"Ano bang itatanong mo? Ako na magtatanong sa kanya. Karga niya kase si Miracle."


"Tsk, as if may alam ka sa itatanong ko. Nandito ako sa supermarket, nagpapabili kase si Isla ng napkin kaso hindi naman niya sinabi kung anong brand, tinatawagan ko din siya pero un-attended na ang cellphone niya. Eh wala naman akong alam sa ganito kaya tanungin mo si Sienna kung ano ba maganda bilhin."
Mahabang paliwanag ni Gael.
Pero isang malakas na tawa ang narinig niya mula kay Eros na hindi niya alam kung bakit. "Para kang gago, anong tinatawa-tawa mo diyan? Dalian mo na Eros para makauwi na ako."


Hindi pa agad makasagot si Eros na sige pa din ang tawa. He remembered something! "Magpinsan nga talaga tayo, nautusan na din ako ng ganyan ni Sienna." At sa pagitan ng mga pagtawa ni Eros ay nasabi niya din kay Gael.

"Ewan ko sayo ang dami mo talagang alam, so ano nga bibilhin ko? Anong brand ba?"

"Lahat kunin mo lalo na yung may pakpak tsaka yung bumubulong." Tatawa-tawa na naman na sabi ni Eros, nakatingin na tuloy sa kanya si Sienna na nakakunot na ang noo.

"Anong lahat? As in lahat or tig iilang piraso lang? At anong may pakpak ba tsaka bumubulong? Ayusin mo nga ang sagot mo!"

"Yun nga kase, basta yung may pakpak na napkin ang bilhin mo. Yung with wings nakalagay, isama mo na din yung bumubulong. Whisper ang nakasulat doon. At dahil hindi mo alam kung anong brand ang bibilhin mo kunin mo na lahat para may choices si Isla." Paliwanag ni Eros, alam niyang naiinis na sa kanya si Gael pero wala eh, natatawa pa din talaga siya.


"Yun lang? Tapos okay na?"



"Oo ayos na yan." Sabi pa ni Eros. "Hindi ka ba naka home run? Nagka period na si Isla eh, baka mahina na ang semilya mo Gael." Pang-aasar na naman ni Eros.


"Gago!" At pinatayan na ni Gael ang pinsan ng tawag. Siraulo talaga sumagot, mahina ang semilya ko? Let see, patatapusin ko lang magkaroon si Isla and I will fuck her senselessly!



Napatingin ako kay Gael ng makita ko ang mga binili niya. Hindi lang isa o dalawang pack ng napkin ang binili nito kung hindi halos singkwenta piraso!

"What? Dinamihan ko na para hindi ka na bibili sa susunod." Kibit balikat na sabi ni Gael.

"'Pero ang dami nito! Dapat kahit dalawang pack lang."

"Nahhh okay lang yan, tsaka baka nga hanggang ngayon ka na lang gumamit niyan eh."
Kampanteng sabi pa ni Gael.


"'H-huh?" Binalik ko sa plastic ang mga binili niya.


"Sa susunod kase bubuntisin na kita." Pilyong sagot ng binata.


Namula naman agad ang mga pisngi ni Isla dahil sa sinabi ng binata at hindi siya nakasagot agad.


"Sige na ipapagluto kita ngayon ng dinner, hintayin kita sa kusina." Paalam ni Gael, pero sigurado talaga siya doon. Bubuntisin niya na talaga ito sa susunod.




Brownout sa amin😑
#maribelatentastories




M.A series #05 Gael Hidalgo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon