CHAPTER 02

38.9K 1K 144
                                    

#nadalisiGael

Nasaan ako? Inalala ko ang ang nangyari sa akin kagabi. Hindi ito ang kuwarto sa condo na tinitirhan ko, dahil sa kulay pa lang ng kisame ay iba na. Dahan-dahan akong naupo sa kama, iba na din ang suot kong damit. At mayroong na ding benda ang kaliwa kong paa, i look around on the room. This one is more spacious, sobrang maaliwalas din lalo pa salamin ang pinaka dingding ng kuwarto. Pero kung wala ako sa condo ni Aries nasaan ako?


"Hi!" Magandang bati ni Gael ng makita niyang gising na ang babaeng tinulungan niya kagabi. Alas otso na ng umaga at nagawa niya ng makapag-ehersisyo gaya ng nakagawian niya. At pagkatapos maligo ay pinuntahan niya na ito. Maaga kase siya nagigising dahil nag-iikot siyang tuwing umaga sa hacienda pero ngayon ay pinagpaliban niya muna. "Buti naman at gising ka na." Nakangiting sabi niya pa dito.

Siya ang tumulong sa akin? Siya yung lalaki kagabi sa elevator! "I-ikaw ang tumulong sa akin?" Alanganin kong tanong na para bang naninigurado lang.


"Yes, im the one who helped you last night. My name is Gael, Gael Hidalgo." Pagpapakilala ni Gael sa babae.


Napayuko ako, kung siya nga ang tumulong sa akin ay siguradong nakita niya na ang mga pasa ko sa katawan. Nakakahiya!


"Anong pangalan mo? Nagugutom ka na ba? Tara nagpahanda ako ng almusal." Napaisip si Gael kung bakit bigla itong yumuko at hindi makatingin sa kanya. As far as i know hindi naman ako panget at lalong hindi ako mabaho dahil kaliligo ko lang din.

Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa lalaking nasa harapan ko. Siya ang tumulong sa akin at dapat akong magpasalamat sa kanya. "Ako nga pala si I-Isla, Isla Del Vante.." nahihiya kong pakilala sa kanya.

"I-Isla?" Kunot noong tanong ni Gael.

"O-oo, yun ang pangalan ko." Pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya. People wonder why my name is after an Island. I don't know either, basta yun na ang pangalan ko talaga. "Nasaan nga pala tayo?"


"We're here in on my hacienda, sa Paraiso."

"H-hacienda? P-paraiso?" Ulit ko.

"Yes, sa probinsya ng San Juaquin."

Nagulat ako sa sinabi niya, i heard that province name before at malayo ito sa Maynila! Paano kami nakarating dito agad?


"I'll explain to you later, madami din akong itatanong sayo mamaya pero ngayon kumain muna tayo." Aya ni Gael, hindi pa din talaga siya nag-aalmusal at hinihintay niya talaga itong magising.

Napasinghap si Isla ng muntik na siyang matumba pagtayo mula sa kama, oo nga pala at nakabenda ang kanyang paa! Buti na lang ay agad siyang nahawakan ni Gael sa beywang.


"S-salamat." Tipid kong sagot sa kanya, i smelled his natural scent, amoy bagong paligo! Ngiti lang ang tanging sagot nito sa akin.


Inalalayan ni Gael si Isla hanggang makarating sila sa hapag-kainan. Siya lang ang nakatira dito kasama ang tatlong kasambahay at ang isa naman ay ang kanyang sekretarya na lalaki. Pinatayo niya ang kanyang bahay sa pinakamataas na parte ng Hacienda at nakikita niya ang halos kalahati ng tanawin ng kanilang bayan na Estrella.


"Kumain ka muna para makainom ka ng gamot." Inabot ni Gael ang bandehado na naglalaman ng sinangag na kanin at gaya ng kanina ay nahihiya itong tinanggap ni Isla.


Magana akong kumain lalo pa at ang sarap ng mga lutong nakahain sa lamesa. Nakalimutan ko na kung kailan ba ako huling kumain ng maayos, hindi ko na talaga maalala.

M.A series #05 Gael Hidalgo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon