CHAPTER 21

37.6K 792 11
                                    



Manlibre na po kayo😆

Isla POV

Hindi ko akalain na mahigit isang buwan na pala akong nanatili dito sa Paraiso, at sa bawat araw na nakakasama ko si Gael ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Sino ba naman ang hindi? Gael is  every woman dream, simple, mabait, matulungin at gentleman. Bonus na lang ang pagiging mayaman at guwapo niya. Kaya pala tama ang sinabi ni Sienna sa akin tungkol kay Gael na madami nga daw kababaihan ang nagkakagusto sa San Juaquin dahil ng minsan niya akong isinama sa isang party dito sa bayan ng Estrella ay talaga naman si Gael ang pinagtitinginan ng mga babae at wala ang mga itong pakialam kahit nakikita nilang may kasama ito.

At sa araw-araw na magkasama kami ay mas lalo ko siyang nakilala, pero hindi ko malaman kung bakit sa kabila ng mga katangian niya ay wala pa itong asawa hanggang ngayon. Dahil kung isang Gael Hidalgo lamang ang napangasawa ko o sa kanya ako binenta ng nanay ko ay ayos lang siguro, madali kong matatanggap. Wala itong pakialam kung may iba bang tao na nakatingin sa amin kapag magkasama kami. Napaka-lambing niya at lagi pa akong binibigyan ng sariwang bulaklak tuwing umaga. And he really protect me like what he promised to me before and i am very thankful on that. At hinding-hindi ko yun nakakalimutan kahit kailan.

Sabi nga ni kuya Marcus hindi man ako sinuwerte sa magulang o pamilya ay naging masuwerte naman ako dahil nakilala ko ang katulad ni Gael. Mas madalas ko kaseng nakakausap si kuya  Marcus kaysa sa iba kong kuya dahil siya mismo ang tumatawag sa akin. At hindi lang yun! dahil nakilala ko na din ng personal ang asawa niyang si Amara. Hindi nga ako makapaniwala na asawa talaga siya ni Marcus, mala anghel ang mukha nito at talagang hindi mo iisipin na isang Marcus Delgado na puro tattoo at malaki ang katawan ang magiging asawa. Pumunta kase sila dito sa hacienda ni Gael kasama ang anak nila. At doon ko nga nalaman ang tungkol kay kuya Marcus na nakulong pala ito ng labing limang taon at ang may kagagawan ay ang daddy ni Amara. Pero ganon man nakakatuwa dahil ang isang katulad ni kuya Marcus ay napaamo ng isang nagngangalan na Amara.

Pero siyempre hindi naman ako habang buhay dapat magpakampante dito sa Paraiso dahil alam kong kailangan ko din umuwi ng Maynila. Pangalawang beses ko ng lihim na narinig na nag-uusap si Gael at kuya Marcus tungkol sa akin at kahit hindi nila sa akin sabihin ay alam kong hinahanap na ako ni Aries. Pero ang tanong kaya ko na ba siya harapin? Alam kong malaking gulo ang kinasangkutan ko at hindi simpleng tao si Aries Merced. Pero ang takot at alaala ng mga pananakit niya sa akin ay nandito pa din. Pero ayoko naman na madamay pa si Gael, hindi lang siya kung hindi ang mga tumayong kuya ko na tumulong sa akin.
Kaya nakapag-desisyon na ako, magpapaalam ako ng maayos kay Gael para harapin ko muna si Aries. At kapag naging maayos na ang lahat tsaka ako babalik sa kanya para sabihin na mahal ko siya.

#maribelatentastories

M.A series #05 Gael Hidalgo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon