Chapter Three: The Magic World
Alex's POV
Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Max sa akin. Umalis na siya dahil may klase pa daw siya. Nagpalit na ako nang damit. Kasyang-kasya and damit na ibinigay ni Miss. Stephanie sa akin. Mas mahal pa ata itong damit na ito sa bahay namin, puno ito nang mga kumikintab na bato, ngunit hindi ko alam kung anong uri ang mga batong ito. Halata na matibay at maganda ang tela na ginamit para dito sa damit. Nanggaling naman sa isang Maid ang sapatos na ito, ipinadala ata.
Hindi ko tinanggal ang aking kwintas na ibinigay ni Mama. Ipinasok ko ito sa loob nang dress para hindi ito makita. Nagsuklay ako at umupo muna sa sofa.
Ilang minuto lang nang biglang may kumatok sa pintuan ng aking dormitoryo. Binuksan ko ito para makita kung sino ang kumatok, si Connor. "Halika sa Main Hall, magsisimula na ang tour mo." Bati niya sakin habang naglakad papunta sa Main Hall.
Sinundan ko lang siya hanggang makapunta kami sa Main Hall. Nakita ko ulit doon si Miss. Stephanie na nakangiti sa akin ngayon. "Umupo ka muna dito, ikukuwento ko muna sa iyo ang history nang Mystic Academy." Umupo ako gaya ng sinabi niya.
"Nagsimula ito sa dalawang mag-kaibigan, gusto nilang magtatag nang isang Academy para sa mga ispesyal, para sa may kapangyarihan. Ngunit hindi sila magkasundo kung saan gagamitin ang kanilang mga kapangyarihan, kung sa ikakasama o ikabubuti. Naghiwalay silang magka-ibigan, ang isa kumampi sa ikasasama at ang isa sa kabubuti. Ang lalaking kumampi sa ikabubuti, ay ang lalaking nagtatag nang Mystic Academy. Hinasa niya at pinalakas niya ang mga batang espesyal na mayroon ring kapangyarihan. Ngunit ang lalaki na kumampi sa ikakasama ay ang nagtatag nang Isang puwersa laban sa tao, ang Crypto. Pinatay nila ang mga tao, at pinarusahan nila. Hindi na uli nagkita ang dalawang magkaibigan, si Alexandro ang namamahala sa Mystic Academy at si Jacob ang pinuno ng mga Crypto. Nag-karoon nang digmaan ang dalawa. Muntikan nang matalo ang Mystic Academy noon, ngunit nanalo pa rin ang Academy. Ngayon hindi natin alam kung kalian ulit aatake o susugod ang Crypto. Kaya kami nagtuturo kung paano lumaban gamit ang iyong kapangyarihan." Kniwento niya sa akin habang pinaglalaruan ang buhok ko.
"K-kapangyarihan? Huh? Wala akong kapangyarihan?" tinanong ko kay Miss. Stephanie habang tinitingnan ang flower base. "Meron ang Kuya mo, meron din ang Mama mo. Nasa lahi niyo ang may kapangyarihan kaya impossible na wala kang kapangyarihan." Bati niya sakin. Ano ba to? Nanaganip ba ako? Kung ano ano pinagsasabi ni Miss Stephanie.
"Kuya? Si Kuya Antonio?" tanong ko sa kanya. Napatawa siya at nagsalita, "Anton ang tawag naming sa kanya, kaya niyang mag-shapeshift. Maging kahit anong hayop o kahit anong bagay." Ngayon ko lang nalaman na may kapangyarihan pala si Kuya, pero wala na siya. Namatay siya sa isang car-accident noon, nung nagda-drive si Papa bigla nalang kaming nabungo sa isang sasakyan. Kami lang ni Mama ang nakalabas sa kotse na buhay.
"May kapangyarihan rin si Mama?" tinanong ko ulit sa kanya, ang dami-dami kong tinatanong sa kanya. "Kaya niya maging dalawa, maging tatlo, apat, lipa, kahit ilan! Kaya niya paramihin ang katawan niya, ginagamit niya ito minsan para mapadali ang gawain o makagawa nang dalawang action sa iisang oras, minsan kapag lumalaban naman siya ginagamit niya ito upang malito ang kanyang kalaban." Sinabi niya habang nakatingin sa akin.
Tumingin ako sa lamesa na nasa harap namin, ang alam ko may flower base doon kanina. "Ngunit ano po ang kapangyarihan ko?" tinanong ko sa kanya habang naka-kunot ang noo. Napangiti siya sa akin. "Malalaman natin, hindi ka parin naniniwala sa mga sinasabi ko?" Nakita niya siguro dahil sa pagtataka na mayroon ang mukha ko.
Ibinuka niya ang kamay niya at lumabas ang maliit na kulay asul na kidlat.
Totoo nga.
***
@Argamentum
BINABASA MO ANG
Mystic Academy: The School For The Gifted
FantasyI want to live normally, but I can't. Because they need me, I'm the only one that could put an end to this war. Siya si Alexandra Clayford, isang ordinaryong babae na nakatira sa bayan. Ngunit nagbago ang lahat ng dinala siya sa Isang Academy na na...