Chapter Seven: The Sceptre of Tempus
Alex's POV
Nang idilat ko ang mga mata ko, nasa dormitoryo na ako. Ako lang mag-isa, tahimik din sa may labas. Nanginginig pa 'rin ang katawan ko, dahil sa kidlat. Sinubukan kong tumayo pero hindi gumagalaw ang paa ko.
Nahiga nalang ako ulit sa kama at tinitigan ang aking kwintas. Bumukas ang pintuan at pumasok si Bailey. "Tie," she said it quietly as if someone might listen to our conversation. Who would, anyway?
"Parehas kayong nahimatay ni Amber. Naubusan siya ng dugo dahil sa mga sugat niya." I thought I lost the fight, but I didn't. I didn't won either.
"Kakagamot lang sayo nung Healer kaya medyo hindi ka pa makatayo, ilang minuto lang 'yan at makakalakad kana ulit. May meeting daw tayo mamayang gabi. Meeting ba o pinapatawag lang tayo? Parehas lang 'yun diba? Haist, ewan!" umupo siya sa sofa at tiningnan ako.
"What meeting? Kakatapos lang ng training ko at nakuryente pa ako, tapos ipapatawag na naman ako?"
"Huwag ka 'nga diyang mag-inarte, nagamot ka na kaya. Tumayo ka naman, hindi ka naman napilayan o na-lumpo eh. Na-kuryente ka lang, napilay ka na. Ano to lokohan?"
Sinubukan kong tumayo. Parang walang nangyari, parang hindi 'man lang ako na-kuryente.
"O, diba?"
Lumapit ako sa kanya. "Nag-merienda ka na ba?" Umiling-iling nalang siya sa 'kin. "Fine, libre kita. Tara na sa Isla."
***
Bailey's POV
Ang swerte ko, ni-libre ako ng pansit ni Alex. Na-bwisit ko ata 'to kanina. Kinain ko ang pansit ko ng tahimik.
Kinakabahan pa rin ako dahil sa meeting namin mamayang gabi, si Mr. Zanther pa naman ang nag-patawag sa 'min. Syempre may ipapagawa 'yun sa amin. Punishment o Quest? Hay, sa dalwang 'yun wala akong gusto gawin.
Ang Boring. Pag-tripan ko kaya si Alex. Alam kong seryoso 'to, pero para sumaya naman siya. Alam ko na! Palaka.
Ginamit ko ang ability ko sa kanya. Nakakatawa ang reaksyon niya ng tumalon sa mukha niya yung palaka.
Ay ang sama naman nito. Palaka nalang sinasak-sak pa 'rin. Pinatay niya 'yun gamit ang isang kutsilyo na nanggaling sa kamay niya. Alam kong bawal gamitin ang ability in public, pero nag-kakatuwaan lang naman kami.
"Not funny." Masyado ba talaga siyang seryoso o makulit lang talaga ako. Bumalik siya sa pag-kain ng pansit niya.
"Tingnan mo yang ginawa mo, nasira tuloy yung lupa." tinuro ko yung lupa na tinamaan ng kutsilyo. Tiningnan niya ako ng masama at biglang hinawakan ang kutsilyo na nasa lupa bigla itong nawala sa kamay niya.
"Sino bang may kasalanan kung bakit nag-kapalaka doon?" Seryoso talaga 'to. Hindi alam ang kasiyahan.
Tinigilan ko na siya at kinain ang aking pagkain. Ano kayang ipapagawa sa 'min mamaya
***
Alex's POV
Pagkatapos naming mag-merienda ay natulog ako. Hindi naman ako nanaginip o binangungot. Pag-kagasing ko ay nag-hapunan kami. Ngayon ay papunta na kami sa office ni Mr. Zanther.
Binuksan namin ang pinto. Nandito na 'rin pala sila Max at Chase, pati si Connor na nasa gilid na bahagi ng opisina. Wala si Amber.
Nginitian kami ni Mr. Zanther. "Umupo kayo, may sasabihin akong importante," sinabi niya gamit ang kanyang malamig na boses.
"Ang ating mga oracles, nakita nila na malapit na umatake ulit ang Crypto. Sa Fiesta ng Bayan." Two days from now.
"Kailangan nating maghanda, ngunit hindi sapat ang ating oras. Kilala niyo si Alexandro, hindi ba? Siya ang nagtatag ng Mystic Academy," paliwanag niya sa amin. "Ang kanyang baston, kaya nitong pabagalin ang oras. Kailangan niyong kunin ang Sceptre of Tempus at bumalik dito sa Academy. Pabagalin niyo ang oras. Walong oras lang ang ibibigay namin sa inyo, wala na tayong masyadong oras para kunin iyun ng isang araw."
"Pero paano po kapag hindi po namin nahanap o naibalik?" tanong sa kanya ni Bailey.
"Impossibleng hindi ninyo ito mahanap, nasa gitna ito ng bayan ng apoy, o City of Fire 'yan madalas ang tawag nila," sabi niya. "Pag hindi niyo naibalik ay baka labanan nalang namin ang Crypto."
"Tempus, 'di ba oras ang ibig-sabihin niyan sa latin?" tanong ni Chase kay Mr. Zanther.
Tumango siya bilang sagot.
"Pagkabalik niyo, mag-training kaho dahil makikipag-laban 'din kayo. Maari na kayong lumabas ng Academy," kumaway siya sa amin at nag-paalam.
Sabay-sabay kaming lumabas ng Mystic Academy.
***
@Argamentum
BINABASA MO ANG
Mystic Academy: The School For The Gifted
FantasyI want to live normally, but I can't. Because they need me, I'm the only one that could put an end to this war. Siya si Alexandra Clayford, isang ordinaryong babae na nakatira sa bayan. Ngunit nagbago ang lahat ng dinala siya sa Isang Academy na na...