Chapter Four: The Necklace

9.3K 289 0
                                    

Chapter Four: The Necklace

Alex's POV

Isang linggo na ang nakalipas mula noong pumasok ako dito sa Academy. Nandito ako sa aking dormitoryo, nagbabasa ng libro. Madalas ko rin napapanaginipan si Mama, o 'di kaya ang aking kwintas na ibinigay sa akin ni Mama.

Isinara ko ang libro at isinuot ang damit na galing kay Miss. Stephanie, madalas niya akong bigyan nang damit para isuot. Pumunta ako sa labas ng Academy at sumakay ng bangka. Kailangan mo munang sumakay ng bangka para makapunta sa Mystic Island, dito kami nag-uumagahan, nag-nananghalian, at nag-hahapunan. Marami ditong upuan at lamesa upang aming ma-kainan, mayroong mga tindahan na na-kapalibot sa isla upang bilhan nang ma-kakain. Hindi ko alam kung bakit sa isla nila ito nilagay at hindi sa loob nalang nang Academy, pero maganda naman ang isla kaya okay lang din dito kumain.

Kasabay ko si Connor sa Bangka ngayon, medyo natatakot ako ngayon sa kanya dahil kaya niyo kontrolin ang lupa. "Okay ka lang ba?" Tanong niya sa 'kin habang nakataas ang isang kilay. Tumango tango nalang ako para malaman niya. We arrived quickly because of the boat's magic.

"Alexandra Clayford!" May narinig akong sumigaw na nanggaling sa likod. Si Principal Kaycee. Agad akong nag-bow nang makita siya. "Hello po." Bati ko sa kanya, medyo kinakabahan ako kasi syempre, siya ang principal ng Academy.

"Ikaw ang bagong Clayford sa Academy diba? Kapatid mo rin si Anton, tama ba?" Tanong niya sa 'kin habang nakangiti. Tumango lang ulit ako at ngumiti pabalik. Hindi ko alam kung bakit tango lang ako nang tango ngayon.

Bumili ako ng karne sa isang foodstall. Katulad kasi ito ng karneng nasa bayan. Ang dati naming paboritong ulam. Nasaan na kaya di Mama ngayon? Wala akong kaalam-alam kung anong nangyari sa kanya...

Ang daming tao ngayon. Halos wala na akong maupuan, sila Chase, Max, at Connor ay nakaupo sa iisang table kaso wala nang space para maka-upo ako kasama sila, at tsaka puro lalaki ang nandun. Wala naman akong ka-close dito kaya wala akong karapatang maki-upo kasama sila.

Sa hindi kalayuan nakakita ako ng isang upuan na walang laman. Kaya dali-dali akong umupo doon. Biglang may naki-upong babae sa lamesa. Mukha naman siyang mabait eh. "Hello, I'm Bailey." Masiglang sabi niya sa akin. Great, I finally met a girl student here in the Academy.

"Hi. My Name is Alex. Nice to meet you." Bati ko sa kanya at tsaka ngumiti. Kinain namin ang aming pagkain nang walang nagsasalita. Nang matapos ay binasag niya ang katahimikan, "Ikaw yung bagong Clayford diba? Anong Ability mo?" So this ability thingy is really a big thing here at Mystic Academy.

"Hindi ko pa alam eh, ikaw ba anong ability mo?" Tanong ko sa kanya habang dinala sa may dishes room ang aking plato. "I can make Illusions, I can make you see stuff that I wanted you to see." Ang lakas nang ability niya, buti pa siya alam niya na yung ability niya. "Like this." Bati niya sa akin at tiningnan ang mga tao sa paligid. Biglang umapoy ang paligid at bumukas ang lupa. What the hell!? Nagpanic ang mga tao at unti-unting bumalik sa normal ang paningin ko. "Woah, ang cool nang ability mo." Sabi ko sa kanya habang naka-nganga ang bibig.

"Isa kang Clayford, hindi ba? Tiyak na mas malakas sa kahit sino ang ability mo." Clayford nanaman. Ganun ba talaga ka kilala ang pamilya namin dito? Ano ba ang ginawa nang mga ninuno ko at kilala sila sa buong Academy? "Hindi ko pa alam kung ano ang ability ko, nice to meet you nga pala, Bailey." Nagwave ako sa kanya at ngumiti nalang siya sa akin.

Lalabas na sana ako nang bigla akong tinawag ni Chase, "Alex!" Sigaw niya sa akin habang nakakunot ang noo. Pinuntahan ko siya sa kanilang table dahil hindi pa sila tapos kumain. "Bakit umiilaw yang kwintas mo?" Tanong niya sa 'kin.

Nang tiningnan ko ito, nakitang kong umiilaw ang diyamante na nasa gitnang bahagi nito. Ngunit, bakit ito umiilaw?

***

@Argamentum

Mystic Academy: The School For The GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon