Chapter One: Chaos

23.1K 491 3
                                    

Chapter One: Chaos

Alex's POV

"Alex, bumaba ka na diyan at kumain ka na rito." Narinig kong sinabi ni mama na nanggaling sa may kusina. Inayos ko ang mga papel na nasa harapan ko at saka ipinasok ito sa aking bag. Naghugas ako nang aking kamay bago bumaba sa kusina.

"Opo, andyan na po ako." Sinabi ko mula sa aking kwarto at mabilis na bumaba sa hagdan. Karne ang ulam naming ngayong hapunan, medyo natagalan si mama sa pagbili nito dahil galling pa ito sa pinakadulong parte ng bayan. Napansin ata ni mama na basa ang kamay ko kaya hindi na niya sa akin pinaalala na maghugas ako nang aking mga kamay.

"May uwi pala ako para sa iyo, Alex." Kumunot ang noo ko nang marinig ko iyon, ang alam ko sa palengke siya pumunta. May kinuha si mama sa bag niya na kulay lila. Isa itong kwintas, gawa ito sa pilak at may isang diyamante na nakalagay sa gitna nito, may nakasulat din dito ngunit hindi ko ito masyadong maintindihan dahil sa ibang lenguahe ata ito isinulat.

"Kwintas? Para saan po iyan?" itinanong ko kay mama habang tinitingnan pa rin ito nang mabuti. Hindi ko alam kung bakit bibigyan ako ni mama nang isang kwintas ngayon. Sinayang niya lang ang pera niya sa bagay na ito, alam naman niyang hindi ako mahilig sa mga ganito.

Ngumiti si mama sa akin at biglang nagsalita. "Wala lang anak, gusto lang kita bigyan ng kwintas," tiningnan niya ako at isinarado ang bag niya. "Bakit, masama bang bigyan kita nang isang regalo?" itinanong niya sa akin habang naghanda nang baso at ng malamig na tubig.

"Hindi naman po, pero hindi ko naman po to kailangan eh. Dapat po ipinangbili niyo nalang nang pagkain o kahit anong kagamitan, baka ilang linggo lang po ito magtagal sakin at masira na ito." Nginuya ko nang mabuti ang aking karne at uminom nang tubig na inihanda ni mama.

"Isipin mo nalang na ito ay simbolo nang aking pag-mamahal. Ingatan mo yan, para pag-tanda mo ay maipapaman mo pa ito sa iyong mga anak." Tumingin si mama sa plato ko at nakitang naubos ko na ang aking hapunan, iniligpit niya ito at inilagay sa lababo.

"Ma, babalik na po ako sa itaas, marami pa po akong gagawin." Natandaan ko kung hanggang saan lang ang natapos ko sa aking takdang aralin."

Lumipas ang kalahating oras at kumatok si mama sa pinto. "Nagawa ka pa rin pala matulog ka na, gawin mo nalang yan sa umaga." Sinabi niya sa akin habang tumingin sa aking mga papel. Iniligipit ko ito at saka nahiga sa kama. Pinainom ako ni mama ng aking bitamina at saka lumabas nang kwarto. Tiningnan ko ang kwintas na nasa dibdib ko, kumikintab ang diyamante na nakalagay sa gitna nito. Ilang minuto ko rin itong tinignan bago ko naramdaman ang pag-bigat ng mga mata ko.

Ganito ang nangyari sa aking panaginip, nasa loob ako nang isang kwarto, may mga sandata na nakalagay sa mga pader na nakalibot sa kwarto. Malamig ang klima sa loob. Isa lang din ang pinagmumulan nang liwanag, ang pintuan sa may sulok. Lumapit ako dito at sumikat sa aking mga mata ang liwanag, nasa loob ako nang isang hallway kung saan naroroon ang madaming larawan, may isang matandang lalake na nakasalamin ang may hawak na isang badge, mayroong nakasulat dito at parang pamilyar sa akin ang mga ito, ito ang mga sulat sa aking kwintas. Isang babae ang nakita ko sa may dulo nang hallway, akala ko ito ay isa ring larawan ngunit tao ito. "Sino yan?" tanong niya, malamig ang boses niya. Oh god, kailangang kong umalis sa lugar na ito, hindi ko alam kung bakit pero kailangan kong umalis. "Anong ginagawa mo dito?" tinanong niya ulit. Tumakbo ako palayo sa kanya. "Bumalik ka dito!" sumigaw siya sakin. Hindi na ako makagalaw, ano na ang gagawin ko? Lumapit siya sa aking at binuhat ako papunta sa isang kama.

Nag-iba ang aking panaginip.

Nasa isa akong kastilyo ngayon, hawak ko ang kamay ni mama. Malalaglag siya kapag bumitaw ako. "Alex, bumitaw ka na." sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero hindi ako makapag salita. "Alex, kailangan mong gumawa nang sakripisyo." Hindi ko naiintindihan ang pinagsasasabi ni mama. "Alex, Magtago ka." Bumitaw siya at ginising ako ang isang malakas na pagsabog.

Nasa kwarto na ako, ngunit ano yun? Ano ang sumabog? Naalala ko ang mga sinabi ni mama doon sa panaginip ko.

Ilang segundo lang ang lumipas nang marinig ko yun.

Ang sigaw ni mama.

Agad akong bumaba at tiningnan ang higaan ni mama. Wala na siya. Tumingin ako sa labas at nakita ang mga taong naka-kulay asul na hawak-hawak si mama. Huli na ang lahatm hindi ko na sila maaabutan. Nakasakay na sila nang helicopter.

"Magtago ka." Narinig ko ang boses ni mama sa aking utak. Nagtago ako sa ilalim nang mesa. Hindi ko alam kung sino ang mga yun at kung bakit nila kinuha si mama. Pinunasan ko ang luha ko at nahiga sa ilalim nang lamesa.

Bumakas ang pinto at nakita nila ako, ang mga taong nakakulay asul. Binuhat nila ako at dinala sa isang bangka. Pilit akong sumigaw para sa tulong pero walang tao na nakakarinig sa akin. "Shhhh. Wag ka maingay, Alex." Sabi nang isa sa kanila. Teka pano nila nalaman ang pangalan ko?

"Kilala mo ko?" tanong ko sa kanya. "Oo, Alex. Kilala kita simula noong pinanganak ka." Napatingin siya sa kwintas ko at nagulat nang makita ito.

Hindi ko pa rin naiintindihan kung ano ang nanyayari, si sila at bakit nila kami kailangan?

***

@Argamentum

Mystic Academy: The School For The GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon